Torpe.
Totoong mahirap sambitin ang nararamdaman mo para sa taong mahal mo. Hindi kita masisisi kung sobrang tagal bago ka maka-ipon ng lakas ng loob para ilabas ang lahat ng ito. Pero hiling ko lang sana na huwag sobrang tagal. Hindi mo rin kasi masasabi baka maunahan ka o makaramdam ng pagod bigla ang babae malay mo may pagtingin rin siya sayo na sa sobrang katorpehan mo hindi mo namamalayan. Kaya kapag may gusto ka sabihin mo. Pag mahal mo sabihin mong mahal mo. Sumugal ka. Alam mo kung bakit? Kung kinatatakot mong mawala yang taong yan sayo at kung mawala man siya dahil sa mahal mo siya ibig sabihin lang nun hindi siya nararapat sa buhay mo at nararamdaman mo para sa kanya. Pumalag ka kapag may pagkakataon. Mas masakit matalo ng hindi lumalaban o kung wala talaga at di kaya kain graba ka na lang.
Credits: Paulo Sepagan











