Is this the beginning of our last dance?
Last meeting na kanina sa subject namin kung saan kaklase ko yung crush ko. Ang tumal kasi hindi ko siya magawang lapitan at kausapin. Nakakaasar, natotorpe ako ng hindi ko alam ang dahilan. Tapos noong nakita ko siya kanina na papalakad palabas ng school naisipan kong tawagin siya. And guess what, hindi niya ako pinansin/napansin. Medyo napahiya ako, at pinagtawanan ako ng mga kabarkada ko. Asar lang ang tumal ko lang kasi ahahahahaha. Lumipas lang ang mga araw at nagsayang lang ako ng pagkakataon. Kaya ang bible verse ko sa araw na ito ay: “In the same way, faith by itself, if it is not accompanied by action, is dead.”
-James 2:17 Kapag andiyan na ang pagkakataon, tiwala lang at tamang aksyon. Hindi mo makukuha ang gusto mo kong hindi mo ito paghihirapan. Hindi mo malalaman ang resulta ng isang bagay kung hindi mo susubukan. Hindi makukuha ang pagbabago na ninanais mo para sa iyong sarili kung mananatili ka lang sa sitwasyon mo ngayon. Walang mangyayari kung tutunganga ka lang at aasa na darating ang isang milagro na magpapabago sa daloy ng mga pangyayari sa iyong buhay. Sa madaling sabi matuto kang kumilos. Tandaan mo nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa. Siyempre wag din kalimutang mag-pray. Kung lilipas man ang semester na ito na hindi ko siya makakausap siguro ang magdasal at lumapit sa DIyos yung isang bagay na pinaalala niya sa akin. Masyado na akong nakalimot, nakalimutan ko na hindi lang pala ako ang kumikilos, meron din akong Diyos na tumutulong sa akin. Nagkataon lang na masyado akong naging hambog at hindi ko na siya pinapansin. Oo, kawalan siguro sa akin tong araw na ito, siguro bawi na lang pag may pagkakataon ulit. Sa susunod kung may pagkakataon na maging kaklase ko siya ulit, o di kaya isa pang pagkakataon makilala man lang, hindi ko na pakakawalan pa. Sayang yung oppurtunity. Note to self: STAND UP AND BE A MAN. SAYANG YUNG PAGWOWORKOUT MO KUNG MALAMYA KA NAMAN.
Pahabol na picture ahahahaha. Isang kindat patay <3










