Most Beautiful Places to Visit in Switzerland. Explore the amazing places and plan your next trip to Switzerland!
Most Beautiful Places to Visit in Switzerland
seen from Uzbekistan
seen from Spain

seen from United States
seen from United States
seen from Italy
seen from Philippines

seen from Netherlands
seen from Portugal
seen from Italy
seen from United States
seen from United States
seen from Netherlands
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from Belarus

seen from Pakistan
seen from United States

seen from Malaysia
Most Beautiful Places to Visit in Switzerland. Explore the amazing places and plan your next trip to Switzerland!
Most Beautiful Places to Visit in Switzerland
Quiet and peaceful environment
Every single thing went calm and slow in this town. Strolling around the city with your pet or just simply have a sit in the park while staring at mountain in the evening will always be a perfect way to feel its atmosphere.
Book your holidays to Switzerland with Plan Journeys with great discounts and offers. Contact us for cheapest Switzerland travel packages and family vacations to Switzerland. Get the best deals on Switzerland honeymoon packages and sightseeing tours in Switzerland.
We have wide variety of switzerland tour packages for holidays, vacation trip are available with various beautiful places sightseeing. You can also customized these packages according to your need. So book now for group and individual at affordable price. For more detail about these packages visit our website http://www.planjourneys.com/
Trip to Switzerland
Noong nakaraang Oktubre 2006, nagkaroon ako ng pagkakataon na makarating sa bansang Switzerland. Nagpaalam ako sa aking mga kapwa guro, mag-aaral, mahal na paaralan at pamilya upang dito ay manirahan sa loob ng tatlong linggo. Naranasan ko na ang matinding lamig sa Tagaytay at sa Baguio ngunit dito sa bansang ito ko lamang naranasan na manginig ang buo kong katawan at lahat ng kalamnan dahil sa tindi ng lamig. Isang bago at kakaibang pakikipagsapalaran ang naranasan ko sapagkat sa loob ng tatlong linggo ay Ingles lamang ang gagamitin kong wika at sa loob din ng tatlong linggo ay hindi ako makakakain ng kanin at ng mga nakasanayan kong pagkaing Pilipino. Noong una ay inakala kong ikamamatay ko ang kawalan ng kanin ngunit nang nagtagal ay nakasanayan ko din ang pagkain ng kamatis at sariwang dahon. Tinapay sa umaga, tanghali at gabi.
Masaya at talagang hindi ko makakalimutan ang pagtigil ko sa bansang ito dahil dito rin ako unang nakaranas na maulanan ng nyebe (snow) at makatuntong sa bundok ng yelo (glacier). Naranasan ko din dito ang tumigil sa lugar na may temperaturang isang sentigrado at maglublob sa ilog na limang sentigrado ang temperatura.
Napakalinis ng Switzerland. Ilang ulit na mas malaki dito ang Pilipinas ngunit kitang-kita dito ang kagandahan at kaunlaran. Wala kang makikitang basura at dumi sa kalsada. May isang pagkakataon nga na kumakain kami sa gilid ng daan at nahulog ang kapirasong bahagi ng aking tinapay, ang aking ginawa ay isinantabi ito at hindi na kinain, ngunit ng ang aking kasamang Swiss ang nahulugan ng pagkain ay pinulot pa niya ito at muling isinubo. Ganun kalinis ang lugar nila. Lahat ng ilog dito, maging ang mga nasa tabing kalsada ay maaaring paliguan, walang ibang lumulutang dito maliban sa mga isda at halamang tubig.
Ang Switzerland ay isa sa pinakamaunlad na bansa sa buong daigdig. Apatnapung beses ang laki ng halaga ng salapi nila sa salapi natin. Ang kanilang pamahalaan ay mayroong magagandang programa para sa kanilang mamamayan maging sa mga kabataan. Kapag ang isang mamayan dito ay nawalan ng trabaho, ang pamahalaan ang magpapasweldo sa kanya hanggang sa makahanap siya ng bagong hanap-buhay. Marami ding diskwento ang ibinibigay ng pamahalaan sa kanyang mamamayan. Wala akong nakitang barung-barong at iskwater. Nakarating din ako sa tahanan ng isang magsasaka at aking ikinagulat na makita sa kanilang garahe ang tatlong kotse at isang sasakyang pansaka.
Disiplinado din ang mga mamamayan ng Switzerland. Sumusunod sila sa batas kahit alam nilang walang pulis na nakakalat sa kalye o mga taong maaaring humuli sa kanila kung sila ay lalabag sa patakaran. Ito ay bunga ng mahigpit na pagpapatupad ng batas sa kanila. Ayon sa mga naninirahan dito, walang patawad ang batas sa kanila. Kapag nahuli kang lumabag, asahan mong papatawan ka ng nararapat na parusa. Hindi ito maaaring pakiusapan at higit sa lahat ay hindi ito maaaring bayaran. Kung ikaw naman ay sasakay sa mga pampasaherong sasakyan nila, hindi maaaring sisigaw ka lang ng “para” at magalit sa tsuper kapag nailagpas ka sa lugar na iyong bababaan. Mayroon silang nakatakdang lugar kung saan ka lamang maaaring bumaba at sumakay, at may oras din ang dating ng mga sasakyan kung kaya hindi ka maaaring mahuli kung gusto mong makarating ng eksakto sa lugar na nais mong puntahan. Hindi uso dito ang “Filipino Time”, kaya minsan, kahit hindi nila aminin ay nakikita kong naiinis sila kapag mayroong mga pagkakataon na nahuhuli kami sa aming pupuntahan dahil sa aking kabagalan.
Maganda ring makisama ang mga tao dito, isang dahilan kung kaya’t lalong natatak sa aking isip at puso ang pagtigil sa bansang ito. Wala ring polusyon kung kaya kahit maglakad ka ng buong maghapon sa kanilang mga kalsada ay hindi ka makakaramdam ng pagod at pamamawis ng katawan dahil pawang sariwang hangin lamang ang iyong malalanghap.
Sa kabilang banda, habang nakikita ko ang kagandahan at kaayusan ng bansangSwitzerland ay hindi ko maiwasang maikumpara dito ang Pilipinas at mga mamamayang Pilipino.
Habang nakikita ko ang kalinisan ng Switzerland ay nakikita ko naman kung gaano kadumi ang Pilipinas. Habang nalalanghap ko ang kanilang sariwang hangin ay naaalala ko ang ilang lugar sa Pilipinas na amoy basura ang iyong malalanghap na nagdudulot ng sakit sa mga residente nito. Habang nakikita ko ang kaunlaran ngSwitzerland ay naiisip ko ang ating bayan na lubog sa kahirapan dahil sa kasakiman ng ilang makapangyarihan. Habang ikinukwento sa akin ang magandang programa ng pamahalaan ng Switzerland para sa kanilang mamamayan ay bumabalik sa alaala ko ang pangungurakot ng mga namumuno at mga batas na ipinatupad ng gobyerno na lalong nagpapahirap sa taumbayan. Habang nakikita ko ang kanilang matapat na pagsunod sa batas ay naiisip ko ang ating mga batas na marami na ngang butas ay nababayaran pa. Habang napapansin ko ang pagiging disiplinadong mamamayan nila ay sumisiksik sa isipan ko ang walang habas na paglabag ng mga Pilipino sa batas, na kadalasan pa ay kung sino ang gumawa ay sila pa ang lumalabag.
Ngunit kahit ganoon ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa ating bayan. Lalong nagsumidhi ang pagmamalasakit ko sa Pilipinas. Mas lalo akong nanabik sa aking pagbabalik at hindi sumagi sa aking isipan ang manirahan nang matagal sa Switzerland o sa kahit ano pa mang bansa, dahil alam ko na kaya ako ipinadala ng Diyos sa bansang iyon ay dahil mayroon siyang nais na ipaunawa sa akin. Mayroon Siyang misyon na ibinigay sa akin, at ito ay ang gumawa ng paraan para makatulong sa pagbabago at paggaling sa sakit ng ating mahal na bayan, alam kong hindi malaki ang aking magagawa ngunit alam ko din na sa pamamagitan ng maliliit na pagkilos na aking isasagawa ay magsisimula ng pagbabago. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya at sisimulan ko ito sa pamamagitan ng pagmumulat sa iyo, sa pamamagitan ng karanasan kong ito.
At Taas Noo ko ding sasabihin na kahit kailan ay hindi ko ikahihiya ang lahing pinagmulan ko at buong lakas kong isisigaw sa harap ng maraming bansa na "PILIPINO AKO at Mahal Ko ang Bayan Ko".
Setyembre 14, 2007 7:51 pm