Ang mundo ko sa labas ng mga letrang ito
Aaminin ko, napag-iwanan na ako. Hindi lamang dito sa tumblr maging sa ibang platform na dati tinatambayan ko. Inaamin ko, nakakamiss din palang magbahagi ng saloobin gamit ang mga letrang pagsasamasamahin.
Pero ilang taon na ang nakakalipas. Huling obrang sinulat ko? Last year pa. Tapos di na natuloy. Puro re-blog na lang ako dito. Walang halos laman.
Well, madali lang namang bumalik e. Post ulit, kwento ulit tapos hahaluan pa ng patawa. Madali lang. Ang mahirap ay iyong hanapin mo ulit ang hugot na pinagmumulan ng mga letrang nabubuo. Ang sakit at sayang nararanasan para makabuo ng kwento. Iyon ang mahirap.
Kaya naman gagawin ko ang lahat para bumalik ulit. Para maibahagi ko ang mga matagal ko nang binubunganga. Eto na.











