#recovery matigas kasi ulo, easy walk, ayun , easy run #lami ug #tugnaw sa #tuhod "gamot din sa bukol, meron ka ? " #haha #hahaha #yaaas #x #run #jog #walk #thursdayfunrun (at Quezon City) https://www.instagram.com/p/B8OsDYCJKOs/?igshid=svafum9iwqr0
seen from Spain

seen from China

seen from United States
seen from Libya
seen from Libya
seen from Germany

seen from United States

seen from United States
seen from France
seen from Azerbaijan

seen from United States
seen from China
seen from T1
seen from United States

seen from Türkiye

seen from Spain
seen from China
seen from United States

seen from United States
seen from Kenya
#recovery matigas kasi ulo, easy walk, ayun , easy run #lami ug #tugnaw sa #tuhod "gamot din sa bukol, meron ka ? " #haha #hahaha #yaaas #x #run #jog #walk #thursdayfunrun (at Quezon City) https://www.instagram.com/p/B8OsDYCJKOs/?igshid=svafum9iwqr0
I have a classmate that looks like a knee, literally. And she's being bullied but she's enjoying it. Sometimes she would scream randomly and then laugh at herself. I'm worried about her but I'm also enjoying myself. Do you have brain problems?
Ang Kinabukasang Nakikita sa Tuhod...
Okay, balik tayo sa kadramahan. :))
Sa Thursday na ang first day ko sa college, pero bukas ang orientation ko. Whole day yun so para rin akong pumasok. Kaya, kinacount ko na rin sya as 'may pasok'.
Mukha akong nurse sa pasukan, kahit hindi. Saan ako mag-aaral? Mag-aaral ako sa isang school kung saan nagmumula ang karamihan ng mga teachers dito sa Manila. Actually, di ko sure kung sa Manila lang. Pero based sa experience ko nung elementary and highschool, marami akong teachers galing sa Philippine Normal University.
Anong course mo?
Education.
WEH? MagmuMusic Ed ka?
Hindi.
Hala bakit hindi?
Okay, madalas akong magkaroon ng ganyang conversation nitong nakaraan. At pag kausap ko na ang mga tau-tao, parang di ko alam yung sasabihin ko, kasi hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila. Hahaha! Kaya dito ko na lang ikukwento ang aking history at ang dahilan.
Nahasa ako nung highschool sa music. Bibigyan ko kayo ng onting BG. Actually, noon pa mahilig na talaga ako, pero nung highschool talaga nadevelop. Nung first year ako, natuto akong mag-identify ng harmony and blending, etc sa boses at sa kung anu-ano. Nadiscover ko kasi tong FilAm group na to sa YouTube. Pinakita sakin ng mga kaibigan ko yung mga covers nila, tas naaliw ako. yun yung group na LEGACI. Yun. Naging sensitive ako sa tono and stuff. Natuto akong magharmonize! Hahaha! Tas nakikinig din ako nun ng acapella covers ni Del Lazaro ng pop songs. Ang cool kasi e.
Nung second year, super naadik ako kay Yeng Constantino at kay Marié Dig by. As in lagi kong pinapakinggan at kinakanta ang mga kanta nilang dalawa! Favorite singers ko yang mga yan e! Hahaha! Yun. Panay pop yun. Bago matapos ang schoolyear, sumali ako sa chorale na handle ni Sir Abella! :D Naexperience ko rin kumanta with the chorale kahit isang beses nung schoolyear na yun. FIRST TIME! Hahaha! Tas hanggang fourth year, hanggang gumgraduate, and feeling ko hanggang ngayong college, member pa rin ako ng Manila Science High School Chorale. :bd.
Buong highschool ko, parang naset na sa mind ko na Music-related course ang kukunin ko sa college. Ewan. Kasi parang yun yung bagay na interesado ako. Tas napapaisip din ako minsan, "Ano kayang magiging trabaho ko? Music teacher? Conductress? Composer? Ewan. Music Teacher siguro." Apat na taon, yun ang nakalagay sa utak ko. Hahahah!
Pero nitong fourth year ko, ang dami kong narealize sa buhay ko. Nung una, nalilito rin talaga ako kung SAAN BA TALAGA DAPAT AKO. Yung tipong, natake ko na halos lahat ng entrance exams na itetake ko, di ko pa rin talaga sigurado kung saan ako. At pinagpray ko yun ng matagal kay God, na dalhin ako kung san Nya ko gustong mapunta.
Yun. Di ako pumasa ng UP D. So, tingin ko, sign na yun na di talaga ako para sa Music Ed or chuva. So, sabi ko sa PLM na ko. Educ-English course ko dun. Pero may narealize ako, kung mag-eeduc ako, sa PNU na! :bd. Hahahaha!
Meron pang isang nakakatawa/random na dahilan kung bakit nag sink-in sakin na hindi ako pang music ed. Maraming NOTA dun. Tamad akong magbasa ng nota kahit marunong ako. Mahilig ako sa pagsipra (listening then kakapain na lang sa instrument/play it how you want to). Noong practice ng graduation songs, SUPER NALOKA AKO. :)). Halos kami-kaming members lang ang nagtuturo sa mga kabatch. ILAN KAME SA CHORALE NA 4TH YEAR? More or less than 15. :)) 15 vs 270+ students. WOOHOO! Kaya may one day ng practice na yun na hindi ako pagod, kumpleto ako sa tulog, pero yung mata ko, gustong pumikit. Nahilo siguro ako kakabasa ng nota. PARTIDA, ISANG PYESA PA LANG YONG BINASA KONG YUN. PAULIT-ULIT BUONG ARAW. Paulit-ulit na pineplay sa mga alto para mamemorize nila. Sasabayan nila ng kanta. Naisip-isip ko, kung dun pa lang, tameme na ko, pano pa sa REALITY KUNG MAGIGING MUSIC TEACHER AKO? Maraming MAS MAHIHIRAP na pyesa dun, ibang klaseng mga tuturan at iba pa. Lalo ko lang napagtanto na di ako para dun.
Kaya narealize kong pang Education ako. Pero hindi sa music ed! HAHAAHA! Mahaba ang pasensya ko sa mga tao. At isa pa, pwede naman siguro akong magpatuloy ng music sa sarili ko kahit na hindi yun yung course ko. Mas maganda nga siguro yun, sa tingin ko. Maraming fields kumbaga. Natutugtugan ko si God, makakapagturo ako sa pag-asa ng bayan (oha oha). Hahaha!
Kaya para sa mga mas nakababata sakin, lalo na sa mga fourth year ngayon, siguro meron sa inyong mga nalilito pa sa mga kukunin sa college. Merong sikreto kung pano malaman yan. Bukod sa aalamin mo kung saan ka nag-eexcel talaga, alam niyo kung paano malalaman? Alam niyo kung saan makikita ang future? SA TUHOD! Niluluhuran yan! Pinapagpray yan. :)