Dalawang mukha ng pagkikita
Another entry for USTETIKA, Tula category. This is not a winning piece. Pagbigyan na! Hindi pa marunong magsulat. :)
---
Dalawang mukha ng pagkikita
Naririnig ko ang hagikgik ng mga naglalarong musmos,
kasabay ng paghambalos ng maingay na lata
sa tsinelas at sementadong lupa.
Nung una'y nangingilala ako dahil sa silaw
na labis na nakatirik at
ipinaabot ng hari mula sa ulap.
Hindi ko matiyak ang babaeng nakasuot ng bughaw
na daster na ilang dipa lamang ang pagitan sa akin.
Ginagapos ng isang lasong puti ang mahabang buhok niya,
may dalang isang mukha ng kanyang nakaraan.
Subalit ang paghalina ng kanyang ngiti
ang nagbadya sa pag-alala ng naipon na kwento
sa sulok ng aking ulo.
Arimya ang kanyang ngalan.
Sa tagal na pamamangka sa ilog,
nakadaupang-palad ko muli siya.
















