Ikaw Ikaw at 'yung boses mong 'di ko malaman kung saan nagmula Sa t'wing naririnig ko'y tila ba ako'y mamumula Mga awiting 'di ko akalaing magiging matamis na himig Dahil sa boses mo at malagkit mong titig
seen from Malaysia

seen from United Kingdom
seen from Russia

seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Russia
seen from Germany

seen from India
seen from Germany

seen from United Kingdom
seen from Russia
seen from Israel
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from China
Ikaw Ikaw at 'yung boses mong 'di ko malaman kung saan nagmula Sa t'wing naririnig ko'y tila ba ako'y mamumula Mga awiting 'di ko akalaing magiging matamis na himig Dahil sa boses mo at malagkit mong titig
Bilog.
Bilog.
Tumatakbo paikot.
Nakakahilo.
Nakakapagod.
Sa Wakas
Eto na.
Nasa harapan ko na siya.
Sasabihin ko na ba?
Teka, parang di ko yata kaya.
Ilang taon ding ikinubli.
Ngunit di talaga maitatanggi.
Mahal ko siya...
Nang higit pa sa inaakala niya.
Kaso may mahal siyang iba.
Pinabayaan ko na,
Akala ko kasi dun siya sasaya.
Subalit puro pagluha lang pala.
Wala e, mahal niya.
Ako, mahal ko siya.
Kaso di naman ako yung gusto niya.
Kesa naman ipilit pa di ba?
Eto na.
Nasa harapan ko na siya.
Sasabihin ko na ba?
Teka, parang di ko yata kaya.
"Mahal kita....."
"Matagal na."
"Ano bang meron siya na wala ako?"
"SIYA ANG MAHAL KO."
Nasabi ko na....
Ang sakit pala.
Kapag narinig mo ang katotohanan,
Lalo na't galing sa kanya.
Nakakainis talaga,
Katulad sa kantang "Halaga",
"Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap mo".
Wala, hindi ako ang gusto.
Siguro
Siguro nga, hanggang dito na lang.
Siguro nga, eto na ang katapusan.
Mahirap ang mang-iwan; Mas mahirap ang maiwanan.
Pero paano kung eto na lang ang kasagutan?
Tumigil.
Mag-isip.
Mag desisyon.
Oo, eto nga ata.
Pero paano kung hindi pala?
Paano kung gusto mo pa?
Ngunit ayaw na niya?
May magagawa ka pa ba?
Mahirap ang mang-iwan; Pero mas mahirap ang maiwanan.
Lalo na kung ikaw ay mayroon pang nararamdaman.
Subalit eto ang tama.
Siguro, eto nga.
Desisyon, reaksyon. Malabo
Sa bawat desisyon,
may kapalit na reaksyon.
Isipin ng mabuti,
kung tama nga ba o mali
Dahil sa huli baka ikaw ay magsisi,
sa iyong maling pagpili.
Hindi ko alam kung anong meron sayo
Simula ng dumating ka ang lahat ay gumulo.
Tahimik na mundo'y biglang naglaho
Ang dulot mo'y isang malaking pagbabago.
Cold Summer Nights
At bigla kang nawala....
Hindi alam kung ano ang aking nagawa.
Sa isang iglap...
Ikaw ay hindi ko na mahanap.
Wala sa hinagap...
Na ika'y di na muling mayayakap.
May utak ka naman
Lahat naman ng tao diba?
Kaso yung sayo, saan napunta?
Wag naman sana sa talampakan.