It’s my birthday, biiitch! Turning 29! Even though I’m self isolating, I’m still gon get fucked up and eat some cake. But imma do it later, my island needs me lol. #itsmybirthdaybitches #turning29 #quarantineparty #acnh #stayhomestaysafe #itsmypartyandillcryifiwantto https://www.instagram.com/p/B-yWXxCnhIQ/?igshid=18dtaixw7aw2f
Alright y’all, I’m trying to decide between haircuts for my birthday #june30birthday #turning29 and I can’t decide between these two. Can y’all help me? Please?? 1 or 2? Please vote below and help me out! Dx https://www.instagram.com/p/BsZnRxDFQKH/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=15879syupm5oi
Birthday is in a few days... Last year it flooded here in Houston so we had to celebrate it in San Antonio instead... Have no plans this year though. It’s always been a special but not so special day for me. Just another day to remind me that I’m not getting any younger... #virgo #virgomen #ambivert #birthday #turning29 https://www.instagram.com/p/Bm07WVflyFk/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=nkbijvoyrtg5
About two weeks ago, I got to celebrate my 29th birthday with my favourite person in the whole world!
Excited ako pag malapit na ang birthday ko, for some reason gustong gusto ko yung feeling na it’s my big day at makakagala ako o makakakain ako... parang bata ika-nga nila.
This year, na plano na namin ang pupuntahan namin pero hindi natuloy dahil 1) umuulan, 2) malayo at 3) malamig.
Ang event na sana’y pupuntahan namin ay yung Free Comic Book day sa Kinokuniya (actually, the event was 1 week before pero dahil meron pa silang mga ganap we were hoping na makakaabot kami).
Maswerte na rin naman ako dahil hindi naman ako mapili sa pupuntahan dahil simpleng tao lang rin naman ako na mahilig kumain haha!
Napagdesisyunan namin ni Rye na pumunta na lang sa pinaka malapit na shopping centre sa amin kung saan may malapit na art store at bookstore.
Pero sa isang kondisyon, pumunta muna kami sa Burger Point, Marsden Park kung saan sa pangalawang pagkakataon ay kumain kami ng masasarap na putahe na meron sila.
Hindi ko na maalala yung burger na kinain namin pero ang pinaka malupet na revelation dito sa buong meal na binili namin ay yung buffalo wings na talaga namang pinaka masarap sa lahat ng nakainan namin. Ika nga nila, this is the cherry on top of the icecream.
Sunod naman naming pinuntahan ang Rouse Hill Town Centre, kung saan naman dinala ako ng asawa ko sa isang bookstore at isang art store. Una talaga ang plano namin ay pumunta sa Kinokuniya para sa book and as well as art aspect ng shop pero dahil alam namin na medyo alanganin na rin naman nung mga panahon yun ay di na kami tumuloy.At kahit ganon ay sobrang excited pa rin ako. Pinaka favourite spot ko kaya ang art stores at any places kung saan may libro!!!
Tinanong ako ni Rye kung ano daw ang gusto ko sa birthday ko at sinagot ko lang ay sketchbook. Una, hindi makapaniwala si Rye dahil para naman daw napaka un-ful-filling kung yun lang ang request ko pero as someone na mahilig gumuhit, a simple sketchbook can bring so much happiness already.
Pero hindi naman pumayag ang asawa ko dahil birthday ko daw at kelangan ay all-out kaya naman hinayaan nya ako mamili ng mga gusto ko sa mga stores sa mall. Haaaay naku, iba naman talaga si Sir. So shempre, hindi naman ako nahiya dahil birthday ko naman kaya binili ko yung mga bagay na ubos na ako o mga gusto kong i-try.
Dumirecho rin kami sa katabing bookstore kung saan ang initially na titignan ko sana ay mga librong pwede ko basahin pag bumabyahe pero may libro talagang sumilip mismo sa akin :) Kung baga parang ako lang talaga ang hinihintay ng libro dahil nag iisa na lamang ito.
Ito ang librong gawa ng favourite illustrator ko na si Sha’an D’Anthes which is a Sydney-based illustrator who I also see as my virtual mentor because she’s taught me so much just by watching her videos on Youtube.
We continued to walk around the outdoor shopping centre to soak up the beauty of Sydney’s Autumn weather, and then pumunta kami sa CEX kung saan may mga panindang electronics at DVD’s na second hand. Bumili ako doon ng DVDs ng favourite sitcom ko na FRIENDS although 1st, 3rd and 4th seasons lang nabili ko dahil wala na daw stock ng second season. All for roughly around 20 bucks. Binilhan rin ako ni Rye ng Chun-Li Funko Pop Vinyl dahil alam nyang nagsisimula ako magcollect ng Funko Pop Female figures of my generation.
Matapos ang magdamagang lakaran, napagod na rin naman kami. Ganon na nga siguro pag tumatanda, madali na ring napapagod... AT NAGUGUTOM HAHA!
Kaya naman, pumunta kami sa The Leaf kung saan dito kamin nakapag recharge ng battery, both literally and figuratively:
Ang una kong napansin sa coffee shop na ito ay napakaganda ng interior. Sobrang match sa ambience dahil sobrang chill and aethetically pleasing sa mata. I don’t think I’ve been to other The Leaf franchises na ganto kaganda ang interior. Instantly, sarap na agad sa pakiramdam.
Hindi lang naman ang place ang maganda, ang sarap din sa mata ng pagkain. Tinikman namin ni Rye yung Nutella Croissant na sinerve nila noong araw na yun.
Matapos naming kumain for miryenda, naisipan na naming umuwi para makapagpahinga as well as ma-itest na namin yung mga regalo ni Rye sa akin.
Sobrang excited na akong umuwi para i-try ang mga niregalo ni Rye sakin. Di na ako makapaghintay mag swatch ng materials at makapagpratice. Sayang nga lang at hindi ko na-ifilm for the vlog.
Pag uwi namin, nalaman kong hindi lang pala mga yun ang regalo sa akin ng asawa ko. Niregaluhin nya rin pala ako ng sapatos na nakita nyang suot ng mga artists sa Newtown. Ang sabe nya gusto daw nyang maramdaman ko ang tunay na pagiging artist from head to toe. Kung ano man ang epekto ng sapatos na ito ay hindi ko alam pero masaya ko itong tatanggapin para mafulfill ko ang tunay na calling ko bilang isang artist haha! Hindi daw kasi kumpleto ang get-up kung walang comfy shoes pag nag sosoul-searching ang isang artist o naghahanap ng inspiration sa labas kaya daw nya ako binilhan.
Sobrang grateful ako sa lahat ng bagay na niregalo sa akin ng family ko at ni Rye at dun na rin sa lahat ng mga pagbati na binigay sa akin ng mga tao nuong araw ng aking kaarawan.
Ngayong taon, dito ko naisip na I am going back to my childhood -- the toys, the art materials, the books... they all depict who I am as a 29-year-old person and my journey to be a batang 90′s. Kasama na rin siguro yung fact na I am appreciating everything nostalgic dahil sobrang fast-paced ng society natin na lahat ng bagay ay naka compact na sa iisang device. One of the factors that this year is memorable is because ito na yung huling year ko bilang isang 20-something na individual at pakiramdam ko ngayon palang ako sumisibol.
Pero siguro kaya ako ganto kasaya ay dahil na rin sa fact na I never wanted any presents for anything, dahil sanay ako na ako ang nagbibigay at napaka overwhelming ng pakiramdam na mabigyan ng mga regalo sa aking kaarawan. Hindi naman sa dahil ito ang unang beses pero masasabe kong ito yung beses na wala akong iniisip na kahit ano. Napaka free ng mind ko, napaka at ease.
Kaya this year, I will do my best to enjoy my life even more. Do things I’ve never done, own things I’ve always wanted to have bago ako mag 30. This is a self-discovery and adventure at it’s full form and I am happy to share this journey with you. Unfiltered.