Ang bilis ng panahon. Sa sobrang bilis ang daming nangyari.
Nagsimula sa naexpired na both of my personal numbers. Pareho pa naman silang naka-link sa mga accounts ko especially kay google.
Nawala na sa akin yung pagbablog, kaya pati yung una kong tumblr account di ko na marecover. Nakakapanghinayang dahil marami kaming pinagsamahan.
Hindi na ko nakakapagbasa. Yung Aleph na binili ko nung 2014 ata or 2015, hanggang ngayon hindi ko pa natatapos. Wala na rin akong mga bagong babasahin, bukod sa kinukumpleto ko ulit ang mga libro ni BO.
Masarap tumanaw sa mga bagay na nagagawa mo dati, yung mga bagay na nagpapasaya sayo, bagay na nakakapagpagaan nang pakiramdam at maganda ring magsimula ulit sa umpisa kasama ang mga bagay na dati at nakasanayang gawin.
Didiskubre at magkakaroon nang mga bagay na makakahiligan, pero ngayon alam ko na mas masarap sa pakiramdam na pagsabayin ang mga dati at bagong hilig.













