IMPORMATIB
Isa sa mahalagang gamit ng estudyante ay ang libro. Sa bawat pahina nito makakabasa at makakatuklas ka ng mga bagay na hindi mo pa nalalaman. Makikita mo pa lang sa pamagat ng libro kung patungkol saan ang babasahin mo. Panigurado, hindi mo alam yan dahil tuwing may quiz ka lang nagbabasa ng libro mo. Kaya kung ako sayo, simulan mo nang magbasa kung ayaw mong patayuin ka ng iyong guro.
Impormatib ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Ang bawat pagkwento ng kaibigan mo tungkol sa kanyang buhay, bawat pagbasa mo ng paborito mong nakakakilig na libro at bawat pagturo mo sa kaklase mo ng aralin, nakakapagbahagi ka ng kaalaman mo sa ibang tao. Mahilig tayo sa mga impormasyon, mga balita sa telebisyon, mga kwento ng kaibigan at pati narin mga tsismis ng kapitbahay. Ika nga ni Kuya Kim, “Maging mapanuri, mapagmatiyag, mapangahas, Matanglawin!”















