Unti unting nawawalan ng malay
sa aking unti unting paghimlay
Ala alang bumabalik ng sabay
at dahan dahang nawawalan ng buhay
Kamay na nanlalamig
mukhang nawawalan ng kulay
pilit na umi imik ang bibig
na pinipilit lumaban mabuhay
Natatakot sa tulay
Natatakot sa liwanag
Di naniniwalang tunay
Pilit na pumapalag
Di ma pigilang isipin
mga ginawa sa buhay na puno ng dilim
mananatiling na sa akin
mga malalagim na lihim
Buhay na masaklap,
punong puno ng paghihirap
kahit anong pagsisikap
di ma aabot ang pangarap
Di alam ang nangyari
mga sugat sa katawan ang sa labi
ako yatay na dale
ang buhay na parang na tali
na pag unti unting pagpikit
katawan kong namimilipit
buhat na puno ng sakit
pagtulog na tila kaakit akit
nagbabadyang kamatayan
ay di ko na mapipigilan
at unti unti, at dahan dahan
tinatanggap ko itong kalayaan
Please like and comment below
Ashley B. Barcial
10-SV









