"A IS FOR ANO ITO B IS FOR BAHALA NA C IS FOR CHRIST THE LORD D IS FOR DI KO INARAL TO" HAHAHAHA
seen from Spain
seen from United States
seen from China
seen from Argentina
seen from Mexico
seen from Spain

seen from Italy
seen from United States
seen from Malaysia
seen from China
seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from Argentina
seen from Yemen

seen from United States
seen from United States
seen from Germany
seen from Yemen
seen from Italy
"A IS FOR ANO ITO B IS FOR BAHALA NA C IS FOR CHRIST THE LORD D IS FOR DI KO INARAL TO" HAHAHAHA
So.. I would be taking UPCAT tomorrow. Any tips please?
UPCAT NA!: TIPS GALING KAY BULMO
Mag-o-August na! Ibig sabihin, UPCAT NA! Handa ka na ba? Oh well. You can’t say you’re really prepared for this “event”. But I can give you tips before, during and after UPCAT. Ako lang ang may tips na ganito. Iba to sa mga tips na makikita nyo pa. Hahaha
Note: Walang sample questions ito. Mag-aral ka.
BEFORE: 1. Ilagay mo sa mindset mo na mag-aaral ka sa UP. Hindi iyong nasa mindset mo ay papasa ka lang. Isipin mo na yung sa future; Na mag-aaral ka na sa UP.
2. Hindi tatalab ang pagtulog at pag review ng midnight dito. Matulog ka ng maaga tapos mag-review ka pagkatapos ng breakfast, lunch at dinner. Pero wag na wag kang matutulog ng late. Promise! Walang mare-retain sa utak mo.
3. Ikaw bahala kung susundin mo yung tip na ang last review mo dapat ay isa/dalawang araw bago ang test. Nag-cram kasi ako. LOL.
Babala:Wag gayahin. Bawal ang manggagaya.
4. Magsimula ka ng magpractice ng sumusunod: -pigilan ang tae, ihi at gutom sa loob ng 40-60 hours -mag-commute (kung malayo) -magising ng maaga (kung maaga ang test) -mag-shade ng circle (PROMISE. NAKATULONG TO) -magbasa ng mabilis at may comprehension -magsolve ng algebra, trigo, at geometry. Pati na rin statistics. -magsolve din ng mga “age problems” -magkabisado ng BUONG Table of Elements (di ko to ginawa) -mag-punnet square (genetics) -gumamit ng context clues -mag-sagot ng mga test habang may naamoy na pagkain -magsagot ng test habang may naaamoy na utot -magsagot ng test na mainit ang silid -magsagot ng test na super malamig ang silid -magtiis ng walang cellphone habang nagtetest -tumingin sa katabi mo (1 meter away) at sa mga sagot nya. (JK) -magsagot ng mabilis pero may kasiguraduhan na tama yung sagot mo
THE DAY OF THE EXAM: 1. Umalis ng bahay, 1 hour or 2 hours papunta sa testing site. Marami kang kasabay. Di porket *insert specific day* ay di na trapik.
TANDAAN : MARAMI KAYONG MAGTETEST. AS IN MADAMI (matakot ka na. Hahaha)
2. Wag kalimutan ang baon na tubig at pagkain. Tip sa pagkain na dadalhin mo, kung gusto mong ma-distract ang katabi mo, magdala ng ‘maamoy’ na pagkain. Yung mapapatakam sila. Promise! Nadala ako nyan noong nagte-test (hindi ako yung nagdala LOL).
3. Magdala ng extra na pera maliban pa sa pamasahe. Alam kong aatupagin nyo ang paggala pagkatapos ng exam.
4. Magdala ng cellphone at earphone. Matagal ang byahe pagkatapos ng exam. Kailangan mo nito.
5. Umihi ka na bago mag-exam. Kahit di ka naiihi.
6. Wag kumain ng napakarami. Pero wag ring napaka-kaunti.
7. Wag magdala ng reviewer. Wag kang maiinggit doon sa mga nagdadala ng kani-kanilang reviewer.
8. KAILANGAN NA KAILANGAN ANG TEST PERMIT MO. WAG NA WAG MONG IWALA AT KALIMUTAN PARANG AWA MO NA.
9. Magdala ng maraming lapis. Di lang yan extra. Pwede mo ring ibenta sa mga katabi mo sa pila BAGO pumasok sa testing site. Nag-exam ka na, may kita ka pa. O ha!
10. Pag nakalimutan ang lapis, wag mag-alala. Magbibigay sila. Pero kailangan yun isauli pag tapos ng exam. Wag papadala sa mga katabing nagbebenta ng lapis.
NOTE: Di ko na sure to ngayong year. Depende siguro sa proctor.
DURING THE EXAM: 1. Kumalma. Mag-panic ka lang kapag may lindol o sunog sa testing site. Kailangan mong ingatan ang testing permit, test booklet, answer sheet mo in all times. (Joke. Syempre kumalma ka lang kapag may nangyaring ganyan).
2. Takpan mo yung answer sheet mo. Baka kumokopya na yung mga katabi mo nang di mo alam.
3. Bilisan mo ang pag-shade sa unang part bago ang Language Proficiency Test. Magtatagal ka kasi kung di mo mabilis na-shade-an yun. Basic profile mo lang naman yun.
4. Right minus (one-half/one-fourth) wrong ang UPCAT. ‘Di makakasama kung she-shade-an mo lahat (isang sagot sa bawat item lang, ha?)
5. Di rin makakasama ang pag-check sa INTARMED. Pag nakapasa ka dun, mag-doktor ka na lang. HAHAHA.
6. Wag mataranta kung di alam ang sagot. Kung natapos na ang kalahati/isang minuto at di mo pa nasasagutan, I-skip mo na ang tanong. Mag-mark ka ng maliit sa answer sheet mo para di ka malito. Tapos balikan mo pagkatapos. PERO mas nirerecommend ko na mag-lucky pick ka na lang kung di mo alam ang sagot. Mamaya malito ka pa. Sayang lahat ng puntos.
7. Basahin muna ang instructions bago magtuluy-tuloy.
8. Sa Reading Comprehension, basahin muna ang tanong bago ang selection. BABALA: SOBRANG HABA NG RC PART. UMAABOT NG TWO PAGES ISANG SELECTION LANG.
9. Wag matulog kahit maaga mong natapos ang exam. Magtutuloy-tuloy ang tulog mo. Sige ka. Hahaha
10. Pag kumain, ingayan mo at nang ma-distract sila. Pero kung may respeto ka,WAG KANG KUMAIN. HAHAHAHA
AFTER THE EXAM 1. Magdiwang ka. Sa loob mo lang.
2. Wag ka nang gumala kung ako sayo. Maraming tao sa mall pagkatapos ng exam. Sa bahay ka na lang rin kumain ng may kanin.
3. Yung baon na dinala mo, sa jeep/bus mo kainin.
4. Pwede ka nang matulog sa bus o sa jeep. Pero bantayan mo kung saan ka na.
5. I-check occasionally ang upcat.up.edu.ph para sa UPCAT results. Minsan sorpresa ang pagbibigay nila. Katulad last year. Imbes na February pa ang release ng results, naging December 23. Kung nagkataon (sa inyo), maagang christmas gift kung nakapasa ka at christmas heartbreak kung hindi.
6. Wag mag-bitter kung di ka nakapasa. PLEASE LANG. May ibang ways pa naman para makapasok sa UP (Talent Determination Test para sa Fine Arts, Theatre Arts at Music; Reconsideration; Varsity Try-outs).
7. Matulog ka pag dating mo nang bahay. Siguradong pagod ang katawan mo at ang utak mo.
BONUS TIPS: - kunware nakapasa ka, wag ka munang mag-yabang. Wag kang magyayabang. Kilala (ng karamihan) ang univ. sa pagkakaroon ng maraming taong mayayabang. Ipakita mo sa kanila na hindi lahat (tayo) ay ganoon.
- Wag ila-lang ang ibang UP Campuses. Wag maging Diliman-centric. Wala akong galit sa Diliman a. Pero kasi MARAMI (nasa/nag-aral sa UP man o wala/hindi, nag-Upcat man o hindi) ang nagsasabi ng linyang ito: “Di ka talaga taga-UP kung di ka taga-Diliman.” Wag pong ganon. Pare-pareho ang kinuha nyong exam. Di yan iba-iba base sa campus. Pare-pareho tayong taga-UP. UP System must be recognized as one. Ganon din sa course. Walang superior at inferior. Lahat, pantay-pantay.
- Hanapin agad kung may Freshie group kayo para magkaroon agad kayo ng friends.
- kulitin ang Admin ng school nyo kung may natanggap na silang sulat.
- Alamin ang magiging sistema ng enrolment sa napiling campus mo.
- Kunware di ka nakapasa, wag kang mag-alala. Wag ka ring maging basher ng univ. kung sakali. Pwede kang lumipat after one sem/year o kaya magpa-reconsider. Wag kang mawalan ng pag-asa. After all, di naman yan sa university. Nasa performance mo yan bilang isang estudyante at isang kabataan/mamamayan.
- kunware nakapasa ka, wag mong mamaliitin ang mga recon students o kaya yung mga lumipat lang after a sem/year. Marami akong kilala na mas pinili ang ibang campus kesa sa 1st choice nila (na siguro ay magulang nila ang pumili), at mas marami akong kilala na mas matatalino at masisipag (kumbaga ay deserving) kesa sa ilang UPCAT passers.
~ AYAN. Nakatulong ba ako? Sana naman nakatulong ako sa paghahanda nyo para sa UPCAT. Balikan mo ako kapag nakapasa ka ng UPCAT at Iwe-welcome kita, warmly.
Di mo naman kailangang sundin lahat ng mga binigay kong tips. Desisyon mo pa rin yan kung anong magiging diskarte mo sa pagharap sa unos na ito (luh). Basta ako, ginawa ko ang mga yan (maliban sa iba. Hahaha). Tignan mo, UPCA— *may sumigaw: Wag kang mag-yabang koya!*. Oo na. Hahaha. Tandaan mo lang yang mga tips na yan. Baka makatulong sa inyo.
Goodluck, future Iskolars ng bayan!
P.S. Magpopost ulit ako ng katulad nito kapag naglabas na ng resulta.
UPCAT experience
Naalala ko pa nung nagtake ako ng UPCAT. Sunday nun eh. Ginising ako ng mom ko para sumimba. Walang ligo ligo, nagbihis ako tas sumimba bago exam. Afternoon kasi sched ko eh. Last batch. Tapos bumalik ng bahay, antok na antok ako. Natulog ulit ako. Pag ka gising ko, sinasabihan na akong maligo kasi pupunta na kaming UP. Hindi pa rin ako bumangon, kaya nung paalis na, tsaka lang ako bumangon, nagtoothbrush tas go na. Walang ligo ligo, nag-exam ako ng UPCAT. Hahahaha. Pagdating dun medyo kabado na ewan. May iba akong nakikita nag-aaral pa. May iba naman na pencil lang at permit dala. Tas iba may baon talaga. Grabe yung feeling ko sa pila. Di ko maintindihan kung kinakabahan ako o kalmado lang ako. Pagpasok namin tas pagkabigay ng exam, BOOM. Medyo na-disorient ako nung una. Hahahahaha. Tapos sabayan pa ng proctor na ippressure ka sa oras sa paglipat lipat nung papel sa harap na nakalagay LAST 15 MINUTES or 10 or 2. Basta yun. Tapos yung essay pa na malupit. "Make an elaborate lie about yourself. Make it believable." Nakakaloka. Bukas, one year na since I've taken the exam. I'm proud to say I've failed with a 2.4 UPG. It serves as a lesson for me na hindi lahat pwedeng mapa-satin. Kaya UPCAT Takers, kalma lang kayo. If meant para sainyo ang mag-aral sa UP, makakapasa kayo. Kung hindi, may reason yan. Good luck!