Gusto kong magpost about our first day later, pero marani kasing nagpopdt ng ganon sa newsfeed ko kaya wag na.

#extradirty

blake kathryn

⁂

Kiana Khansmith

No title available
DEAR READER

izzy's playlists!
dirt enthusiast
ojovivo
Lint Roller? I Barely Know Her
Three Goblin Art

★
Monterey Bay Aquarium
sheepfilms
noise dept.
No title available
No title available
wallacepolsom
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
Jules of Nature
seen from Germany

seen from United Kingdom
seen from Serbia
seen from United States
seen from United States
seen from Ukraine

seen from United States

seen from Palestinian Territories
seen from T1
seen from Malaysia

seen from Uruguay

seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
@shekenkereii
Gusto kong magpost about our first day later, pero marani kasing nagpopdt ng ganon sa newsfeed ko kaya wag na.
Ang dami kong disappointment na naramdaman. Nakakainis.
Prof: Anong klaseng paghahanda ang ginawa mo para paghandaan ang first day? Me: Nag-night market po.
Bukas na ang first day ng mga Iskolar ng Bayan. Handa na ba sila para saluhin ang responsibilidad bilang susubod na magtataguyod ng ating bayan?
Dito na lang ako maglalabas ng sama ng loob. Hahaha. JK.
Magiging inactive muna ako sa lahat ng social networking sites (FB, twitter, IG at pati na rin sa text and email). Why? Sabihin na lang natin na hindi ako makamove-on sa katangahang ginawa ko at ng iba.
Tumblr lang muna ako mag-iingay. Di ako magdedeactivate. LOL. Kailangan pa ba yun (tho may sira talaga yung FB ko e. Nakakabwiset)? Gege. Alam kong wala kang pakialam dito kaya move on and keep scrolling.
Natatawa ako. Nagalit ko sya. Hahaha
Imagine yourself sleeping at 5 PM and then wake up at 12 noon. Then repeat it for 4 mos. That’s my life during vacation.
Wooh yeah! Tapos na ang ganitong buhay!
Sa tinagal-tagal kong di nag-ayos ng buhok o kaya mag-wax, di ko na alam gagawin ko sa pag-style. Hahaha
Paano kung naghihintayan lang pala kayong dalawa? Paano kung parehas mataas ang pride nyo?
'Iskolar ng Bayan' Act of 2014: Unfair or Just? Author's note: Medyo alis muna tayo sa mga love problems na iyan at dito muna tayo sa serious side. WHAT'S THIS? Etong law na ito ay nagbibigay pribilehiyo sa mga nasa TOP 10 galing public high school na makapasok ng LIBRE sa mga State universities and colleges. Etong law na ito ay kaka-approve lang sa senado at ginawa ni Senator Pia Cayetano. Ang layunin nito ay para matulungan ang mga mahihirap na Public High School Students na nasa honor roll para makapasok sila ng SUCs ng walang kahirap-hirap. MY POINT. As a former student of Private High School, medyo naiisip ko ay ang unfair. Kasi di naman lahat ng nasa private school ay may kaya rin. At hindi rin naman lahat ng nasa public school ay sabihin nating "di makaafford". May mga kakilala kasi ako na nasa honor roll ng public high school pero may mga gadgets (mind you, kunpleto sila mula android hanggang iphone), stable ang mga trabaho ng magulang, may kotse, afford ang ganito, afford ang ganyan. Oo. Alam kong di naman porke't meron silang mga ganyan ay di na sila mahirap. Sabihin na nating may "kaya" sila. Di ako against sa mga ganyan. Pero ang pinupunto ko ay may mga private high school students nasa honor roll pero mas dukha pa kesa sa mga "may kayang" mga taga-public hs (na nasa honor roll). Eto yung mga batang umaasa sa scholarship na binigay sa kanila ng school na iyon. Pero pagkatapos ng hs, di sila makatuloy sa college kasi nga mahal. Kahit mga SUCs nga, ang mamahal na rin e. Sinasabi ko lang na unfair para sa mga batang iyon ang law na ito. At just ito para sa mga nasa public hs na matatalino at "hindi afford". Hindi naman kasi lahat ng nasa public hs ay may dahilan na "kaya nga ako nag-public kasi wala kaming pera." May mga magulang kasi na nagsasabing kaya nila pinag-public ang mga anak nila ay para "makatipid" kahit na isa lang naman ang anak nila at may sangkatutak silang gadgets na pakalat-kalat lang sa bahay, may kotse, may pang-punta sa ibang bansa at mind you, hindi iyon bigay. Meron silang ganyan kasi AFFORD nila. (Note: Yes. Wais tayong mga Pilipino sa mga ganyan. Pero yan din ang dahilan minsa ng pagka-corrupt natin) Pangalawang punto ko. Ang PUP at UP (na parehong SUC) ay may PUPCET at UPCAT. Ang dalawang test na iyan ay dalawa sa mga laging tinetake na college entrance exams ng mga aspiring "isko at iska ng bayan". As a student of UP na galing private high school, hindi ba unfair iyon para sa amin na nag-take din ng entrance exam na pareho ang mga tanong at difficulty? Oo at ginawa ang UP para sa mga mahihirap pero ang ibig sabihin ba noon ay wala na rin o limited ang aming karapatang makapasok dyan? Napasa na ito sa senado at kapag natuloy na ito, that would be unfair for us na galing private high school. BUTI NA LANG at excluded ang UP sa part na ito. And I quote, "Excluded from the coverage of the bill was the University of the Philippines (UP) because of its institutional autonomy as the national university based on its charter. However, the bill states that UP should come up with its own scholarship programs for the top 10 students from public high schools. Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano, who authored the bill alongside his sister Senator Pia Cayetano, said that it is the responsibility of the government to provide opportunities to the millions of Filipino youth who end up dropping out of school because they could not afford the high cost of education. " Buti na lang. Hindi ba? MY JUDGEMENT:IS IT UNFAIR OR JUST? YES. IT IS JUST. Though may mga "can afford families" ang meron sa mga public high schools at may mga "scholar" sa private high schools, e karamihan naman kasi sa kanila ay mga "di afford"-public at "rits kid"-private. At saka deserve iyon ng mga public students na nasa honor roll. Dun naman sa mga "scholar" sa private, I think may mga program sina "mayor" at "gov" para dyan. Don't worry. Maliban na lang kung medyo *ahem* ang mga opisyal sa inyo. Siguro, mababago ang hatol ko kapag nasali ang UP dyan. Ang unfair kaya. Hahaha.
Ako Si Santa
This was written by me December last year. So yeah. Bear with me kung medyo pangit ang pagkakasulat. ***** Madilim nung gabing 'yon. Pumunta ka sa kusina at humarap nang matagal sa ref. Ginigising mo pa siguro 'yung sarili mo. Ako naman, nakatingin lang sa'yo. Nagmamasid. Nag-iingat na baka makita mo ko. Maya-maya na ako lalabas. Ilang saglit lamang ay binuksan mo ang ref. Mula sa loob ay kinuha mo ang isang kahon ng gatas. Naglagay ka sa baso na kinuha mo. Pagkatapos ay ininspeksyon mo ang buong baso kung meron bang kung anong nakakadiri ang napasama sa'yong midnight snack. Ganun ka kasi. Balidoso. Sensitibo. BRAT. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yung masyadong maarte. Nung wala kang makita ay inilagok mo ang gatas. Narinig ko ang malakas mong pag-'aah' pagkatapos mong inumin yaon. Lumapit ka sa lamesa at doon naupo. Ang mukha mo pag bagong gising ay salungat sa ugali mo. Itinapon mo, sa harapan mismo ng tita mo, ang binigay n'yang regalo dahil hindi mo ito nagustuhan. Binugbog mo ang 'yong kaklase dahil wala kang magawa. Pinagtawanan mo ang isang matandang nabali ang tungkod habang dumaraan. Tinapak-tapakan mo ang aso na pahara-hara sa daan. Muntikan mo nang patayin ang nakababata mong kapatid sa pamamagitan nang pag-suffocate sa kanya gamit ang unan. Marami ka pang ginawang kapilyuhan. Bata ka pa lang pero demonyo ka na. P*tang ina. Punung-puno na ako sa'yo. Kumuha ka ng biskwit sa plato na nakalagay sa lamesa. Dose anyos ka pa lang. Ang dami mo pang magagawa sa buhay mo. Pero huli na ang lahat. Mula sa ilalim ng kadiliman ay lumabas ako nang merong ngiti sa aking mga labi. Nung una ay hindi mo pa ko napansin, pero nung mapalingon ka sa aking kinaroroonan ay nagitla ka. Naramdaman ko ang 'yong pagkatakot. Napangiti ako. Ano nga bang ginagawa ng isang matabang lalaki na nakasuot ng kulay red sa isang bahay na hindi naman sa kanya? Nanlaki ang singkit mong mata. Mga mata na kanina ko pang gustong ilabas sa kanyang kinalalagyan. Ngumisi ako nang pagkademonyo. Sinong mas demonyo ngayon? "'Wag kang matakot," sabi ko. "Ako si Santa." Pero hindi ka pa rin lumalapit sa'kin. Unti-unti akong lumapit sa'yo. "Halika, may mga gifts ako oh." Sa bawat paghakbang ko ay s'yang pag-atras mo. Tumakbo ka palayo sa akin. Una mong pinuntahahan ang pintuan palabas ng bahay n'yo. Malas mo. Ni-lock ko na 'yun. Tumingin ka sa'yong likod at nagitla ka. PEEKABOO. WALA KA NANG MAPUPUNTAHAN! "Lumayo ka sa akin!" sigaw mo. "Bakit ako lalayo? Hindi naman ako masamang tao," napangiti ako sa aking nasambit. Tumakbo ka pataas. Ni-lock ko na ang mga pintuan d'yan. Tamang-tama at wala kang kasama sa bahay n'yo. Ako at ikaw lang mag-isa. Hinayaan kita na pilitin mong buksan ang mga pintuan sa taas. "Yoohoo. Bumaba ka na d'yan," mapang-akit kong sigaw mula sa ibaba. Dahan-dahan akong pumanhik pataas. Kitang-kita kita na basang-basa ng pawis. Nanginginig ka sa takot. Tama. Dapat kang matakot. Agad kang tumakbo pababa sa hagdanan. Hinayaan kita. Hinayaan kita dahil wala ka nang magagawa. Narinig ko ang malakas na pagbukas sara ng pinto. Narinig ko ang tunog ng pag-lock ng pinto. "Yoohoo. H'wag mo na akong pahirapan. Wala ka na rin namang tatakbuhan." Inilabas ko sa aking bulsa ang susi ng inyong buong bahay. Agad akong pumunta sa alam kong huli mong destino. Ang tanging pintuan na hindi ko kinandado. Ang inyong CR. Sa bawat paglapit ko ay s'yang pagsipol ko. Tumigil ako sa harap ng pintuan ng CR. Tumigil rin ang aking pag-sipol. Naririnig ko ang mabilis mong paghinga. SIge. Huminga ka pa. Hinga lang nang hinga dahil 'yan na ang huli mong pagkakataon na huminga pang muli. Pagkatapos nang nakakabinging katahimikan ay bigla kong sinuksok ang susi ng CR. Nahalata ko ang pagkataranta mo. Binuksan ko ang pintuan ng CR. Hindi kita mahagilap nang una. Pero andyan ka lang pala sa inyong bathtub. Nanginging sa takot. Nilapitan kita at tila'y napako ka sa kinasasadlakan mo. "Bakit ka natatakot sa'kin? Ayaw mo ba sa mga regalo ko?" "S-s-s-santa," nauutal mong sabi. "Halika," tinignan kita sa mata. Tinitigan mo na rin ako. Sa wakas... SA WAKAS AT NAHULOG KA RIN SA PATIBONG KO! Isinaluob kita sa props kong malaking bag at saka malakas na binalibag. Babaliin ko ang 'yong mga buto hanggang sa malumpo ka! HAHAHAHAHA! Para sa tita mo na ipinahiya mo. Para sa kaklase mong pinagtripan mo Para sa matanda na pinagtawanan mo. Para sa mga hayop na sinaktan mo. Ang sarap pakinggan ng 'yong mga sigaw, ng iyong mga hikbi nang paghihirap. Magsasama tayo habangbuhay. Magsasama tayo. HAHAHAHAHA! Itinapon kita sa likod ng inyong bahay. Bumalik ako sa kusina at kumuha ng papel at saka nagsulat. Pagkatapos ay s'yang pagsipol ko ng isang kanta. You better watch out You better not cry You better not pout I’m telling you why. SANTA CLAUS is coming to town He sees you when you’re sleeping He knows when you’re awake He knows when you’ve been bad or good So be good for goodness sake You better watch out You better not cry You better not pout I’m telling you why. SANTA CLAUS is coming to town SANTA CLAUS is coming to town SANTA-NAS is coming to town.
Imagine yourself sleeping at 5 PM and then wake up at 12 noon. Then repeat it for 4 mos. That’s my life during vacation.
Please support my new story. Ayii. Hahaha
Mag-o-August na! Ibig sabihin, UPCAT NA! Handa ka na ba? Oh well. You can’t say you’re really prepared for this “event”. But I can give you tips before, during at after UPCAT. Ako lang ang may tips na ganito. Iba to sa mga tips na makikita nyo pa. Hahaha
Note: Walang sample questions ito....
UPCAT NA! Kailangan mo ng tips?
UPCAT NA!: TIPS GALING KAY BULMO
Mag-o-August na! Ibig sabihin, UPCAT NA! Handa ka na ba? Oh well. You can’t say you’re really prepared for this “event”. But I can give you tips before, during and after UPCAT. Ako lang ang may tips na ganito. Iba to sa mga tips na makikita nyo pa. Hahaha
Note: Walang sample questions ito. Mag-aral ka.
BEFORE: 1. Ilagay mo sa mindset mo na mag-aaral ka sa UP. Hindi iyong nasa mindset mo ay papasa ka lang. Isipin mo na yung sa future; Na mag-aaral ka na sa UP.
2. Hindi tatalab ang pagtulog at pag review ng midnight dito. Matulog ka ng maaga tapos mag-review ka pagkatapos ng breakfast, lunch at dinner. Pero wag na wag kang matutulog ng late. Promise! Walang mare-retain sa utak mo.
3. Ikaw bahala kung susundin mo yung tip na ang last review mo dapat ay isa/dalawang araw bago ang test. Nag-cram kasi ako. LOL.
Babala:Wag gayahin. Bawal ang manggagaya.
4. Magsimula ka ng magpractice ng sumusunod: -pigilan ang tae, ihi at gutom sa loob ng 40-60 hours -mag-commute (kung malayo) -magising ng maaga (kung maaga ang test) -mag-shade ng circle (PROMISE. NAKATULONG TO) -magbasa ng mabilis at may comprehension -magsolve ng algebra, trigo, at geometry. Pati na rin statistics. -magsolve din ng mga “age problems” -magkabisado ng BUONG Table of Elements (di ko to ginawa) -mag-punnet square (genetics) -gumamit ng context clues -mag-sagot ng mga test habang may naamoy na pagkain -magsagot ng test habang may naaamoy na utot -magsagot ng test na mainit ang silid -magsagot ng test na super malamig ang silid -magtiis ng walang cellphone habang nagtetest -tumingin sa katabi mo (1 meter away) at sa mga sagot nya. (JK) -magsagot ng mabilis pero may kasiguraduhan na tama yung sagot mo
THE DAY OF THE EXAM: 1. Umalis ng bahay, 1 hour or 2 hours papunta sa testing site. Marami kang kasabay. Di porket *insert specific day* ay di na trapik.
TANDAAN : MARAMI KAYONG MAGTETEST. AS IN MADAMI (matakot ka na. Hahaha)
2. Wag kalimutan ang baon na tubig at pagkain. Tip sa pagkain na dadalhin mo, kung gusto mong ma-distract ang katabi mo, magdala ng ‘maamoy’ na pagkain. Yung mapapatakam sila. Promise! Nadala ako nyan noong nagte-test (hindi ako yung nagdala LOL).
3. Magdala ng extra na pera maliban pa sa pamasahe. Alam kong aatupagin nyo ang paggala pagkatapos ng exam.
4. Magdala ng cellphone at earphone. Matagal ang byahe pagkatapos ng exam. Kailangan mo nito.
5. Umihi ka na bago mag-exam. Kahit di ka naiihi.
6. Wag kumain ng napakarami. Pero wag ring napaka-kaunti.
7. Wag magdala ng reviewer. Wag kang maiinggit doon sa mga nagdadala ng kani-kanilang reviewer.
8. KAILANGAN NA KAILANGAN ANG TEST PERMIT MO. WAG NA WAG MONG IWALA AT KALIMUTAN PARANG AWA MO NA.
9. Magdala ng maraming lapis. Di lang yan extra. Pwede mo ring ibenta sa mga katabi mo sa pila BAGO pumasok sa testing site. Nag-exam ka na, may kita ka pa. O ha!
10. Pag nakalimutan ang lapis, wag mag-alala. Magbibigay sila. Pero kailangan yun isauli pag tapos ng exam. Wag papadala sa mga katabing nagbebenta ng lapis.
NOTE: Di ko na sure to ngayong year. Depende siguro sa proctor.
DURING THE EXAM: 1. Kumalma. Mag-panic ka lang kapag may lindol o sunog sa testing site. Kailangan mong ingatan ang testing permit, test booklet, answer sheet mo in all times. (Joke. Syempre kumalma ka lang kapag may nangyaring ganyan).
2. Takpan mo yung answer sheet mo. Baka kumokopya na yung mga katabi mo nang di mo alam.
3. Bilisan mo ang pag-shade sa unang part bago ang Language Proficiency Test. Magtatagal ka kasi kung di mo mabilis na-shade-an yun. Basic profile mo lang naman yun.
4. Right minus (one-half/one-fourth) wrong ang UPCAT. ‘Di makakasama kung she-shade-an mo lahat (isang sagot sa bawat item lang, ha?)
5. Di rin makakasama ang pag-check sa INTARMED. Pag nakapasa ka dun, mag-doktor ka na lang. HAHAHA.
6. Wag mataranta kung di alam ang sagot. Kung natapos na ang kalahati/isang minuto at di mo pa nasasagutan, I-skip mo na ang tanong. Mag-mark ka ng maliit sa answer sheet mo para di ka malito. Tapos balikan mo pagkatapos. PERO mas nirerecommend ko na mag-lucky pick ka na lang kung di mo alam ang sagot. Mamaya malito ka pa. Sayang lahat ng puntos.
7. Basahin muna ang instructions bago magtuluy-tuloy.
8. Sa Reading Comprehension, basahin muna ang tanong bago ang selection. BABALA: SOBRANG HABA NG RC PART. UMAABOT NG TWO PAGES ISANG SELECTION LANG.
9. Wag matulog kahit maaga mong natapos ang exam. Magtutuloy-tuloy ang tulog mo. Sige ka. Hahaha
10. Pag kumain, ingayan mo at nang ma-distract sila. Pero kung may respeto ka,WAG KANG KUMAIN. HAHAHAHA
AFTER THE EXAM 1. Magdiwang ka. Sa loob mo lang.
2. Wag ka nang gumala kung ako sayo. Maraming tao sa mall pagkatapos ng exam. Sa bahay ka na lang rin kumain ng may kanin.
3. Yung baon na dinala mo, sa jeep/bus mo kainin.
4. Pwede ka nang matulog sa bus o sa jeep. Pero bantayan mo kung saan ka na.
5. I-check occasionally ang upcat.up.edu.ph para sa UPCAT results. Minsan sorpresa ang pagbibigay nila. Katulad last year. Imbes na February pa ang release ng results, naging December 23. Kung nagkataon (sa inyo), maagang christmas gift kung nakapasa ka at christmas heartbreak kung hindi.
6. Wag mag-bitter kung di ka nakapasa. PLEASE LANG. May ibang ways pa naman para makapasok sa UP (Talent Determination Test para sa Fine Arts, Theatre Arts at Music; Reconsideration; Varsity Try-outs).
7. Matulog ka pag dating mo nang bahay. Siguradong pagod ang katawan mo at ang utak mo.
BONUS TIPS: - kunware nakapasa ka, wag ka munang mag-yabang. Wag kang magyayabang. Kilala (ng karamihan) ang univ. sa pagkakaroon ng maraming taong mayayabang. Ipakita mo sa kanila na hindi lahat (tayo) ay ganoon.
- Wag ila-lang ang ibang UP Campuses. Wag maging Diliman-centric. Wala akong galit sa Diliman a. Pero kasi MARAMI (nasa/nag-aral sa UP man o wala/hindi, nag-Upcat man o hindi) ang nagsasabi ng linyang ito: “Di ka talaga taga-UP kung di ka taga-Diliman.” Wag pong ganon. Pare-pareho ang kinuha nyong exam. Di yan iba-iba base sa campus. Pare-pareho tayong taga-UP. UP System must be recognized as one. Ganon din sa course. Walang superior at inferior. Lahat, pantay-pantay.
- Hanapin agad kung may Freshie group kayo para magkaroon agad kayo ng friends.
- kulitin ang Admin ng school nyo kung may natanggap na silang sulat.
- Alamin ang magiging sistema ng enrolment sa napiling campus mo.
- Kunware di ka nakapasa, wag kang mag-alala. Wag ka ring maging basher ng univ. kung sakali. Pwede kang lumipat after one sem/year o kaya magpa-reconsider. Wag kang mawalan ng pag-asa. After all, di naman yan sa university. Nasa performance mo yan bilang isang estudyante at isang kabataan/mamamayan.
- kunware nakapasa ka, wag mong mamaliitin ang mga recon students o kaya yung mga lumipat lang after a sem/year. Marami akong kilala na mas pinili ang ibang campus kesa sa 1st choice nila (na siguro ay magulang nila ang pumili), at mas marami akong kilala na mas matatalino at masisipag (kumbaga ay deserving) kesa sa ilang UPCAT passers.
~ AYAN. Nakatulong ba ako? Sana naman nakatulong ako sa paghahanda nyo para sa UPCAT. Balikan mo ako kapag nakapasa ka ng UPCAT at Iwe-welcome kita, warmly.
Di mo naman kailangang sundin lahat ng mga binigay kong tips. Desisyon mo pa rin yan kung anong magiging diskarte mo sa pagharap sa unos na ito (luh). Basta ako, ginawa ko ang mga yan (maliban sa iba. Hahaha). Tignan mo, UPCA— *may sumigaw: Wag kang mag-yabang koya!*. Oo na. Hahaha. Tandaan mo lang yang mga tips na yan. Baka makatulong sa inyo.
Goodluck, future Iskolars ng bayan!
P.S. Magpopost ulit ako ng katulad nito kapag naglabas na ng resulta.
Rereading Catcher in the Rye by J.D. Salinger for the 3rd time. Mas naiintindihan ko na sya. Hahaha
Hindi naman problema yung hindi kayo nagkausap kahit na isang araw lang. Okay lang naman siguro ang magpamiss. Pero ang ilang araw, linggo o buwan, dun na siguro masasabi na may problema.
E isang buwan na. :'(