May nakasakay ako sa jeep na dalawang studyante. Nung magbabayad sila, sabi nung lalaki "Dalawa po yan studyante" at binigyang diin nya yung salitang studyante. Hindi ko alam kung anong dahilan basta medyo malakas yung studyante na word. Tapos nagtinginan kaming mga sakay sa kanila. At maya maya pa ay balik na ulit sa posisyon ang lahat tahimik at tulala. Maya maya ay napalingon ako dun sa dalawang sumakay at pagtingin ko naglalampungan sila. Nagulat ako sa nakita ko kaya nanlaki yung mata ko at napa-iling nalang ako. Pag-ingin ko sa ibang pasahero, napailing nalamang din sila sa kanilang nasaksihan.
Para sa mga studyanteng ganito. Hindi naman kayo pinagbabawalan na maglampungan pero sana alam nyo yung salitang "PRIVACY" at sa jeep pa talaga kayo naglalampungan. Nakakahiya kayo, sana kung mag gaganun man kayo hindi nyo ipapagkalandakan na studyante kayo. Nakakahiya ano nalamang ang iisipin ng ibang taong makakakita sa inyo? Na sa loob ng school hindi malabong ganun din o higit pa ang ginagawa nyo dahil sa nasaksihan nilang senaryo.
















