Usapang First Impression sa Thesis
Kakakita ko lang ngayon ng "Thesis Logbook" namen. Di ko alam kung may ganito lahat ng kolehiyo na may thesis dahil hindi naman 'to common topic sa isang high school get together namin. Actually gusto ko sana ipost yung ibang page 'don kaso wag nalang dahil namumuro na ako sa SWDB at baka matanggal ako ngayong 5th year ng di oras hahahaha *knocks on wood*. Bawal kasi mag-jacket samin. Eh, ewan ko ba. Bigla nalang ako napapasuot hahaha.
Anyway, mukhang medyo hassle. Kasi dun sa Thesis log book nakalagay yung schedule ng mga bagay bagay na dapat namin ipasa sa adviser at i-check ng thesis council. Nga lang eh sa Arki' kasi hindi lamang libro ang ginagawa namin. Kelangan din namin gumawa ng disenyo ng isang istraktura kaya siguro masasabi ko na kumpara sa iba eh mas mahirap talaga ang mga art / eng'g courses. Kasi kelangan may produkto, hindi lamang depensa o pagbola bola sa jury ang kailangan. Dapat rin meron kang iprepresenta.
O siya, siya. Tama na ang pagsasabi na mahirap. Lahat naman ng bagay mahirap. No pain, no gain. Maraming nakakapasa sa Thesis kaya dapat makapasa rin ako (kami ng batch ko). Dapat on time at hindi nagpro-procrastinate. At ang kapal ko para sabihin yun samantalang 'ni hindi pa nga buong first page yung na-eedit ko at andami ko pang kelangang dokumento. LOL KAYA YAN!!!
















