Akala ko yung susundan ng last blog ko, maganda na. Pero ito ako ngayon nagsusulat, still wearing a sad face and the heavy heart he gave me.
Alam mo yung gusto pero ayaw? O kaya ayaw pero gusto? O kaya baliw pero feeling normal. Or feeling normal pero yung totoo, baliw na baliw na? Meron pa. Yung pagod pero sige go lang. Pero minsan sa kaka-go lang, nakakapagod na. Umaasa kahit parang wala na. O umaasa baka kasi meron pa.
That’s me. And I can’t be the only one feeling those!
Nung minsan ngang nakatambay lang kami bago mag-shoot ng segment (Ito na lang yata ginagawa naming makabuluhan ngayong sem, yung iba epal classes na lang) bigla ko na lang nasabi, “Yun nga yung problema eh. Kahit hindi na siya kagusto-gusto, gustong gusto ko pa din siya.”
Ang saklap guys. I can’t be the only one feeling this.
Yung parang lahat na ng baho niya, okay lang sa iyo. Diba ito yung sinabi sa Para Kay B (2009.) “Dahil hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala. Kapag mahal mo siya ay kailangan mong tanggapin ang bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na don ang kanyang libag, utot o bad breath.”
Pero tangina, hindi ko siya mahal. Konti lang.
"Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak ang mga puso, nawala ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na." Yan ang katuloy. (Para Kay B, 2009)
Hindi ko na alam gagawin ko. Minsan hindi ko na lang pinapansin pero maya’t maya may kalabit papansin. May pa-effect. May sorcery ang peg, may conspiracy ng buong universe tapos babalik at babalik ka na naman.
Yung kumbaga, repel levels, pero biglang “Wild Pokemon appeared!” tapos cannot escape ka naman, kaya kailangan mong labanan, kahit minsan alam mong matatalo ka.
I mean, shit. I can't be the only one going gaga over a stupid... what to call this state of feels?
Kung kailan naman ako nagka-lakas ng loob, kung kailan handa ko na sanang harapin yung mga nararamdaman ko, bigla ko namang naisip na "Di bale na lang kaya?" kasi yun yung pinaparamdam niya sakin eh. Na hindi ko pwedeng kontrahin, dahil yung yung mga nararamdaman niya. Yun yung gusto niya.
Iba ang gusto niya. At alam ko yun pero andito pa rin ako. Ang problema kasi, andito lagi ako.
Pero parang gusto ko nang umayaw eh. Parang hindi na tama, pero there's always something holding me in place, right there with him.
Conscious ako. I can still differentiate dreams from reality. I am fully aware of my acts and their consequences because I "asa responsibly." I understand. I am still understanding but I'll get there.
At alam ko, tanggap ko na I can't be his only one.