Pwede bang i-customize ang buhay?
Katulad ng mga character sa isang video game, sana pwedeng i-customize ‘tong buhay ko. Yung pwede kong baguhin ‘tong physical appearance ko, na nagma-match sa ugali kong napakapangit. Yung kaya kong kontrolin yung kabaliwan at ang mga kakaibang bagay na nagagawa ko kapag nawawala ako sa sarili ko at wala akong magawa. Yung kaya kong magawa lahat. Katulad ng mga sumusunod:
Kaya kong intindihin yung mga equations at theories sa math.
Kaya kong kumanta ng pagkataas-taas na hindi pumipiyok o nawawala sa tono.
Kaya kong magsulat tungkol sa kahit anong bagay na maisip ko.
Kaya kong magpakapuyat sa isang bagay o sa isang indibidwal na alam kong papaasahin lang ako nang hindi nagsisisi.
Kaya kong magmukha at umaktong mature sa harap ng publiko at sa harap ng mga kaibigan ko.
Kaya kong act naturally sa harap ng mga crush ko.
Kaso siyempre, kung may paraan, mayroon ring dahilan. Kaya, matulog ka na lang. Hays.