Mas gusto ko maging busy ngayon. Every time kasi na wala akong magawa o kaya nakatunganga ako, naalala ko sila. Iniisip ko kung sana di ako lumipat araw-araw ko pa rin silang nakikita. Araw-araw pa rin may natatakot kapag nagsusungit ako. Araw-araw pa rin akong tumitingin sa likod ko tapos sasabihin na "wala kang mata" o kaya "bestfriend ka lang". Araw-araw pa rin sana akong may nakikitang naglalandian. Kaso wala eh. Pinili ko din 'to. Panindigan na lang. Long distance relationship, hindi lang kay Bry, pati na rin sa mga kaibigan ko. Ewan ko. Kaya mas gusto kong maging busy para ma-divert sana yung attention ko. Kaso ganun din, sasabihin ko din "Kung di ako lumipat edi sana di ako gumagawa ng ganto, ganyan. Sana di ako busy ngayon. Yolo lang sana ako." Ewan ko ba. Pero talagang miss na miss ko na silang lahat. Kulang talaga ako kapag wala akong namumura, nasusungitan o kaya nabubully pero di nagagalit sa akin kasi alam nila na ganun talaga ako. Yung mga taong kasama ko lagi at sanay sa mga kalokohan at topak ko pinagpalit ko sa mga di ko kilala. Ansaklap din pala. Kahit akala ko mas magiging okay ako dito, di din pala. Hindi masaya, mahirap, malungkot kasi wala sila. :(