Saturday Evening..
Tapos na rin ang Online Test. Party party na! =)
Thesis naman ang poproblemahin. Tae. :(
Kauwi lang pala galing Times pati Mapayapa. Naglaro sila (kami?) ng volleyball. Nagilusyonada lang naman ako na marunong ako eh. Hahaha. Nagroller blades din kami, so okay. Nakakaurat. Di ako marunong. Haaaay. Teenage dream ko yun eh X(
Nung nagonline test kami patawa. Sobrang ingay namin sabay ang gulo. Sigawan ng sagot eh. Salamat sa Diyos at pumasa naman. Nung pagtapos namin, paglabas ko nakita ko si Kenet. Nagkataon kasi na don din sila, haha. Dun lang din kasi nakatira yun. Ayun, saglit lang kami nagkasama kasi punta nga kami sa Mapayapa tas siya punta sa Laguna, bibisitahin nila yung Kuya niya, nanganak na kasi ung asawa niya eh. Grabe nakakahiya nga eh, nakita pa ako ng buong pamilya niya. Haaay. Ang pangit ko pa naman ngayong araw na to. Tong beauty ko may binabagayang panahon eh. Hahahahah.
Eto, antok na antok na ko sa sobrang pagod.
Tumawag nga pala siya, wala pa atang 5 minutes kaming nakakapagusap. Kinantahan niya pa ako ng chorus ng Marry Your Daughter ni Brian McKnight. Hahahahaha:"> NAKAKAINIS. HAHAHAHAHAHA. Naguusap kami bigla niyang pinatugtog tas sinabayan niya. Medyo gumugulong ako sa kama sa sobrang kilig. Hahahah, ang ganda kasi ng boses niya sa kantang yun. Sabi ko nga kasi sakanya na yun yung gusto kong kanta sa kasal namin, saka out of my league ni Stephen Speaks. Ang landi ko may plano na agad na ganun. Natatawa ako may bigla akong naalala. Nagsimba kasi kami, tapos tuwang tuwa siya sa mga baby kasi ang cute cute daw. Ayun, bigla ko sinabi, "Tuwang tuwa ka sa mga bata ha? Gusto mo gumawa na tayo?" Nabigla siya ng bahagya. Hahahaha. Natatawa ako. Medyo nakakagulat nga yung sinabi kong yun. Share lang. Medyo future na kasi namin yung madalas naming mapagusapan. Sana nga forever na.
Sige magtatumblr lang ako. Tumblr Ask niyo naman ako. Grabe nanunuyot na yung TA box ko. Hahaha. Pleaaaase? >:D<















