So here I am watching my little sister getting married, while I am still confuse, getting old and still not married, hay na pressure ako sa mga kamag anak ko, ako naman daw next year, ay naku bat may deadline?!
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Dominican Republic
seen from Poland

seen from Malaysia

seen from Argentina
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Argentina
seen from China
seen from Australia
seen from Singapore

seen from Argentina
seen from Indonesia
seen from China
seen from China

seen from Singapore
seen from China

seen from Poland

seen from Malaysia
So here I am watching my little sister getting married, while I am still confuse, getting old and still not married, hay na pressure ako sa mga kamag anak ko, ako naman daw next year, ay naku bat may deadline?!
JANO Painting by Gerilya Acrylic Paint on Barong (Jusi) Plain Barong by Charito S. Alunan Embroidery Handpainted for Janno Gonzales & Marianne Rios nuptial 2022
Muḥammad bin ʿalī Said to his son:
"O my son, beware of boredom and laziness, for they are both keys to all evil. Indeed, if you become lazy you will not accomplish, and if you become bored you will not be patient upon truth."
Al-Hilyah 1/507
Bawal na pala umiyak sa kasal. Sige hahalakhak ako ng todo habang naglalakad ka sa aisle.
#ChrisfinallyfoundhisCharm
Opo naka Attend tayo ng kasal. Hala, may forever nga talaga.
Ano na self yung friend mo kinasal na.
Ikaw wala pa din. Hihihihi. Wala pa din tayong breakthrough.
Kapit lang Luwi.
We love boys in love in this house
Sa pamagat palang ay aakalain mo agad na ito ay isang akda tungkol sa pag-ibig at kung gaano kasarap maging kasal. Masasabi nating mapanlinlang ito ngunit pinamagatan lamang ito ng manunulat ayon sa kwento, sa pagiging kasal ng dalawang tao, hindi na nakapaloob kung masaya man o hindi.
“‘Yung mahalin kita habang buhay, hindi ko yata iyon puwedeng ipangako sa iyo. Pero ‘yung iisipin kita habang buhay, iyon, baka iyon ay puwede ko pang ipangako sa iyo, kahit papano.” Dito palang sa unang pangungusap ng kuwento ay mapupukaw na talaga ang atensyon ng mga mambabasa. At habang tinutuloy mo itong basahin ay malalaman mo agad na hindi ito love story, na hindi ito happy ending dahil sa simula palang ay tinatapos na nila ang kuwento nilang dalawa.
Nag simula ang istorya sa pagsasama nila ni Joanne sa isang bundok kung saan dito nila susulitin ang natitirang oras nila bilang mag-asawa. Habang sinusulit nila ang mga huling sandali, inaalala rin nila ang mga pinagsamahan nilang dalawa at kung paano sila humantong sa hiwalayan. Nagkakilala sila sa isang mountaineering group, may kaniya-kaniyang kasintahan noon ngunit sila ang nagkatuluyan hanggang altar. Nagkaanak din sila, si Toni, ngunit ito ay namatay dahil binaha ng tubig ang utak. Noong isang taon ay bumalik ang dating nobyo ni Joanne na si Michael at simula noon ay ang pagsisimula rin ng pagpapalaya niya kay Joanne.
Tulad ng pelikula na 500 Days of Summer, non-linear ang pagkakasulat ng kuwentong ito ngunit hindi ito mahirap intindihin. Para kang nasa istorya mismo kasama ng mga bida at habang naroon kayo ay kinukuwentuhan ka nila ng nangyari sakanila. Ganoon ang pakiramdam habang binabasa ko ito. Kahit na mabababaw na salita ang mga ginamit, dama parin ang emosyon ng nag naglalahad at ang talino ng manunulat.
Ang nilalaman naman ng akdang ito ay hindi lang puro patungkol sa pag-ibig. Tulad ng pagkamatay ng anak nila, sinabi doon na “Hindi dapat namamatay ang mga bata. Hindi tama ang mamatay ang mga bata.” Sangayon ako dito dahil immoral naman talaga ang pagkamatay ng mga bata. Tulad na lamang ng nangyari doon sa tatlong taong gulang na bata na ginawang human-shield ng kaniyang sariling ama at ang tanging nasabi lang dito ng isang senador ay “sh*t happens”. Maling mali iyon. Maliban doon, lahat ng sanaysay na nilalahad dito ay reaksyon sa paligid. Lahat ay may hugot o punto na magagamit natin sa ating buhay.
Sa orihinalidad naman ay oo, ito ay walang kamuka at bago para sa akin. Kahit na sabihin na kagaya nito ang porma ng 500 Days of Summer, iba naman ang nilalaman nito kaya ito ay isang kuwentong natatangi parin.
Pagtuunan natin ng pansin ang mga bagay na ginawan ng bagong depinisyon ng may akda. Una ay ang pagtatapos ng isang relasyon, alam nating lahat na masakit kapag natapos ang isang relasyon ngunit dito ay isinasaad na hindi lahat ng pagtatapos ay dapat malungkot at hindi kailangang maghanap ng kasalanan upang ito ay tapusin. Parang sinasabi dito na puwedeng matapos ang isang relasyon nang payapa at walang galit sa isa’t isa. Pangalawa ay ang paborito kong bahagi ng kuwento. Sinabi dito na “May mga bagay na ayaw kong ipaubaya sa mata ng camera. May mga bagay na ayaw mong ikulong sa kuwadro ng realidad ng lente. May mga bagay na para lang sa mata ng tao. May mga bagay na gusto mo lang ikulong sa realidad ng gunita.” Natuwa ako sa linyang ito dahil sa henerasyon namin ngayon, wala kaming ginawa kung hindi mag cellphone nang mag cellphone. Nalilimutan na namin na dapat ay mas pinapahalagahan namin ang mga bagay na aming nararanasan ngayon gamit ang sarili naming mga mata at pakiramdaman ito nang mabuti habang ito ay nandiyan pa kaysa naman sa tingnan nalang ito paulit-ulit gamit ang mga gadgets namin. Pangatlo ay ang pagbibigay nito nang pantay na tingin sa kababaihan at kalalakihan dahil sa akdang ito ay ang babae ang nagloko— hindi naman sa nagloko talaga ngunit ang babae ang gumawa ng dahilan upang sila ay mag hiwalay. Sinabi rin dito na mayroon paring mga babae na hindi naniniwala sa kasal tulad ni Lizette, ito ay kakaiba dahil stereotype na saatin na gusto ng lahat ng kababaihan na magkaroon ng seguridad sa isang relasyon at iyon ay ang kasal. At ang panghuli ay ang kasal mismo. Ayon sa nakakarami, ito ay isang banal na pagsasama ng dalawang tao at walang sino man makatitibag nito. Ngunit sa akda, sinabi roon na isa lamang itong kontrata at pagmamahal lang ang batas nito. Kapag pagmamahal na ang nawala, wala ng bisa o silbi ang kontrata ng kasal. “Isang malaking kahangalan ang pawalan ng isang mahal sa buhay, lalo’t may basbas ng legalidad ang aming pagsasama. Subalit higit na malaking kahangalan ang ikulong ang kapwa sa legalidad ng pagsasama.”
Pinapakita ng akdang ito ang realidad. Ang mga bagay na hindi masabi ng mga tao dahil sila ay takot mahusgahan. Dahil sila ay mayroong pag-iisip na naiiba sa nakararami.
Sa huli, maiintindihan mo na ang pag-akyat nila ng bundok ay parang relasyon din nila. Ang pag panik sa simula, ang pag-abot sa tuktok, ang pagbabago ng mga bagay hanggang sila ay magsawa at mapagod at ang pagbaba nila mula roon.
“‘Yung iisipin kita habang buhay, iyon, tiyak ako, puwede kong ipangako iyon sa iyo. At ‘yung mamahalin kita habang buhay, puwede ko na rin sigurong ipangako iyon sa iyo. Kahit hindi na tayo magkasama.” Kung noong simula ay napukaw na agad ng isang linya ang atensyon ng mga mambabasa, itong linya naman na ito sa dulo ang magiiwan sa kanila ng sakit dahil napatunayan dito na hindi talaga happy ending ang kuwentong ito. Na kahit tapos na ang kuwento nilang dalawa, may isa parin na hindi alam kung saan na pupunta matapos nilang bumaba sa bundok na iyon.
#DucusinNaSiAvila #JacqpotSiIvan
Eto na... eto naaaaaaa... ang kasal ng taon!!!! HAHAHA!
Pagkatapos ng mga kwento ko tungkol sa Bridal Shower(Part 1, Part2) at Walwal Now Kasal Later, eto na!!! Ikwekwento ko na ang mga ganap nung kasalan! HAHA!
Maaga kami gumising kasi pag-aayos pa eme eme. Dyusko, ang gulo gulo na namin kahit habang nag-aayos pa lang. Haha. Kahit habang nung tinuruan kami nung sayaw nung coordinators kasi sasayaw daw kaming mga abay sa reception, eh laughtrip na kami kasi sobrang energetic namin. HAHAHAHA! Ang saya kasi halos lahat kami magkakakilala na kasi nagkainuman na dati. Haha. So ayun, tawang tawa ang coordinators samin kasi ang competitive ng sayawan namin sa isa’t-isa. May sumisigaw pa ng Energy! habang nagtuturo sila. HAHA.
Naunang mag-ayos ang boys kasi daming ganap sa girls. Haha. So, nauna sila magphotoshoot. Eto pictures.
Oh diba. Kundibanaman mga abnormal ‘tong mga ‘to. Ginawang props yung Absinthe!! Shuta! Siguro natuwa sa kulay ang photographers kaya yun ang ginamit nila. HAHA! Day lagpas 60% yata alcohol non. Shuta.
Oh diba! Paaaaahhhhk!!! Epekto ng Absinthe! HAHAHAHAHA!
Syempre, hindi rin naman kami papatalo!!! HAHA!
Oh kunwari raw masaya! HAHAHA! Pero masaya talaga kami niyan! Tawang tawa kami sa docu team kasi ang gago rin nila. Shuta yan. “Oh kunwari masaya!” Eh magtitigan lang kaming lahat, nagtatawanan na eh. HAHAHA! Buset! Saka yung, “Oh, pose kang ganito.” Sabay pose siya. HAHA! Career si kyaaaah eh.
Napapagod na nga kami kasi ang ganda raw ng mga shots niya, pero infairness naman. Maganda naman output. Pero nakakapagod. Hanggang sa natapos na yung seremonya, photoshoot pa rin. Shuta. Kaming lahat, “Hindi pa ba matatapos ‘to??” Kasi inom na inom na kami! HAHA! Actually, dun talaga ako pinakaexcited eh. Kasi ang bongga ng mga alak na binili nila. Care of One! HAHA! Panis!!!!
Gusto ko nang ikwento ang inuman, pero may kasalan pa nga pala. HAHAHAHA! So eto na nga ang mga ganap muna nung kasalan na mismo.
Oh pak diba! Actually nakakatouch yung kasal. HAHAHA. Shuta. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kase, alam ko yung mga eme eme ng dalawang baklang to. HAHAHAHA! Nung time na nag Dubai si kumareng Jacq, tapos dun lang madalas sumama sama samin si Ivan, na nacacancel niya minsan yung skype niila ni Jacq dahil samin. HAHAHA! Cute niyo mga leche kayo. HAHAHA!
At pagkatapos ng seremonya, syempre, etong docu team bida bida na naman. Picture picture na naman daw ulit. HAHAHAHAHA!
Okay rin naman pala mga pakana ng docu team. HAHAHA! Maganda naman pala ang kinalabasan.
OH DIBA TANGINA. MAY PAGANITONG EFFECT PA ANG DOCU TEAM. HAHAHAHAHA! Naalala ko yung isang photographer, umakyat siya sa balcony, sabay sabi na, “AY PRE! ANG GANDA DITO! PAPWESTUHIN MO SILA!!!!” With energy pa yang pagkakasabi niya. HAHAHA! Bilang wala naman kaming choice, at nang matapos na tong lecheng to, sunod naman kami. WAHAHAHHAAH!
BPI FAM and Friends. Hihihi. GROUUUUPHUUUUUG!!!!! ♥
At natapos na rin sa wakas ang seremonya ng kasal!!!! SHUTANG INA!!! INUMAN NA!!!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
Charot lang!! Hindi pa pala tapos ang docu team. HAHA! Shuta! Naiiritang natatawa talaga kami sakanila eh. Alam mo yung gutom na kami lahat at inom na inom na kami? HAHAHAHA! Anywayyyyys, ito na talaga. Sa reception na tayo!!!!
OH PAK! JACQPOT NA JACQPOT TALAGA ANG IVAN DITO! HAHAHAHAHAH!
Infairness naman dito mga bakla, ang ganda nito ha! HAHAHAHA!
Oh eto na, nasa reception na tayo, kakain na muna tayo ha? HAHA! Pero kami nila Aa, nagkukuha na kami ng mga alak alak kasi nga unli diba. So dapat sulitin natin yan!! HAHAHAHA!
OOOOHHH PAAAAAAK!!!! Sinimulan na talaga namin agad para makarami. Wahahahahahaha! Charot lang! Sasayaw pa pala kaming mga abay. Shuta.
Readyng ready na talaga kami sumayaw eh. Charot! HAHAHAHA! Gusto na lang talaga namin matapos ang reception at magtugtugan at magwalwalan na! HAHAHAHA! Baka naman! Chaaaaaaarrrrr!
Bago ako magpost ng mga video video na ng mga nakainom na at nagwawalwal. Eto munang matitinong konting pictures. HAHAHAA!
TANGINA EH. Nung naupload na tong pictures, tsaka lang namin na-appreciation tong cake. Ang ganda pala! HAHA! Habang nagtutugtugan na kasi kami, nalaglag tong cake, tapos etong si Mich, binalik sa lagayan, at itong mga hindi nakakitang nalaglag, kinain naman. HAHAHHA! Pero kahit kami ring mga alam na nalaglag ang cake, kumain din naman. hahahahahaha! Mga abnormal!
Grouphuuuuuug ulit fam!!!! Hihihihihi. ♥
Osige igiling mo yan! AHAHAHHA! As usual, after nito is yung game sa mga single single na naman. Buset to eh. Ako napagtripan. HAHAHA! Pero okay lang naman, may dalang swerte naman yata yun. HAHAHAHHAH! Charot!
Tawang tawa kami dito kay Aa. Mayor na mayor slash Ninong ang datingan mga bakla! HAHAHAHHAHA! Oh ayan ang proof na may hawak na siyang red cup at nag-iinom na! HAHAHAHHA! Eto na nga! Mga videos na ang susunod! Hooooooray!!!
OH MGA SHUTA!!! HAHAHAHAHA! Laughtrip talaga to! Parang hindi kasalan. HAHAHAHA!
Sobrang saya!!! Pero nakakapagod!!! Partida mga alas diyes palang yata to. WAHAHAHAHAHAHA! Alam mo yung tropa ni Jacq and Ivan mga walwalero’t walwalera kaya nagkasundo sa pagiislaman. HAHA! May mga oras nga minsan hindi na naman kilala kung sino mga pinagbabangga namin eh. HAHAHA! Pero chill lang. Ang saya eh!
Eh yung may mga shutanginang naghahagis na nung bulaklak eme eme. HAHAHA! Ewan ko! Basta ang saya!!!! Hey! hey! Hey! Hey! Hey!!!
Ipost ko na nga lang muna to ngayon, baka manganak na yung buntis, hindi ko pa rin to napopost. HAHAHAHAHA!
Next time na lang part 2. HAHAHA!
PADAYON!!