March 24, 2025
Monday
11:17 AM
Ito 'yung iilan lang siguro sa mga sinulat ko na 'di pure English. Gusto ko lang i-express kung ano man 'tong bumabagabag sa akin sa nakalipas na araw. Sa ngayon, 'di ko aakalain na mabigat pala siyang bitbitin. Masaya naman ako kanina, pero bigla akong nakaramdam ng pagkadismaya. 'Di naman siguro 'to takot tulad nu'ng mga nararamdaman ko sa mga nakalipas na taon—o baka mali ako—pero narito 'yung pagkabahala, na dumating ako sa edad na 30 eh wala pa akong mararating sa buhay.
Napakapayak ng sitwasyon ngayon. Nakaiwas na 'ko sa gulo, nakatakas ako sa loob ng bahay na 'yon. Malapit nang magtatlong taon mula nu'ng lumisan ako ro'n. Dala ko 'yung pagkabahala habang sinusubaybayan ko 'yung Bundok Arayat sa labas. All I really wanted was to reclaim myself—I'm bringing myself back: at some point, masasabi ko na nagagawa ko naman. I had the books with me, I had a journal standing by na pwede kong sulatan. I had my Instax and Polaroid. Kaya lang, napag-isip-isip ko: yes, I reclaimed myself—I somehow devoured myself with the foods I loved and went already to different places—but the question is—what comes next? Is this what they really called as "existential crisis"? Hindi ko naman nafi-feel na napang-iiwanan ako dahil 'lam ko namang higit ang pinagkaiba ng sitwasyon ko sa mga tao at this age, pero seryoso—why I feel like I have to be ashamed of myself?
12:03 PM
Nakapunta ako ng mall nang wala sa oras, at bumalik rin agad sa apartment. Wala naman akong gagawin ro'n—makulimlim sa labas. Mas mainam. The weather is therapeutic for me, dahil 'lam ni Lord na hindi ko gusto ang summer. At some point, nagpapasalamat ako kay Lord dahil 'di niya ako pinapabayaan kahit ako lang ang mag-isa na humahamon sa buhay. Kinakailangan kong maging matatag. 'Di dapat ako masyadong nagpapaapekto sa kung anuman 'yung nangyari sa nakaraan—kay Vlad, maging sa mga ibang bagay na matagal nang natuldukan. Kung anuman 'yung nagpapasakit ng ulo ko, nasa isip ko lang. 'Di dapat manaig ang demonyong tumatakbo rito.
Sa pagkakataong 'to, minabuti ko munang humiga. Nagtimpla ako ng iced tea para kahit papa'no kumalma ako't lumamig ang ulo. Magiging panatag rin ako.
Bern, kapit lang. Marahil ay naiinip ka na sa kakahintay—pero kung ipagpapatuloy mo lang ang ginagawa mo't 'di ka nakagagawa ng anumang makasasama sa 'yo, magiging mainam na mamuhay nang payapa. Hindi mo kinakailangang umagos sa mundo at maging tulad nila. Darating ang araw na ikukumpara mo ang sarili mo sa iba, pero alalahanin mo na marunong kang makuntento. Iyon ang pairalin mo. Matututunan mong maging okay kahit 'di na ganu'n kasaya.
Vlad, magpahanggang-ngayon, nasa puso't diwa pa rin kita. Sa mga panahong sisikat ang araw at makikita kong bughaw ang kalangitan, ikaw ang naaalala't maaalala ko. 'Lam kong isinusumpa mo ako dahil sa mga maling nagawa ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko—pero sapat na sa akin na meron akong natutunan mula sa 'yo. Masaya ako na nakilala ka kahit saglit lang. Hindi ko matututunang magmahal kung wala ka.










