Liham sa aking magiging sinta
Aking sinta, ako ay sayo ay maghihintay
Nawa’y ang Diyos ay ating maging gabay
Sa ating pagtatagpo, nawa’y matiwasay
Tapat na pagmamahal, sayo ay iaalay
Nasaan ka man ngayong aking sinta
Alam kong balang araw, tayo ay magkikita
Kung magtagpo man at tayo ay nagkita
Tamis ng ngiti ko ay iyong makikita
Aking buhay ay hinding hindi ko sisirain
Pag iibigan natin ay hindi ko lalaruin
Sa mga pagsubok na dadaan sa atin
Alam kung kaya natin itong lutasin
Magkaiba man tayo ng buhay ngayon
Alam kong magtatagpo tayo ng naayon
Hindi man ngayon or sa susunod na taon
Pero alam kong ito ay sa tamang panahon
Ang sarili mo ay iyong pangalagaan
Wala pa ako upang ikaw ay alagaan
Sabay nating linisin ang ating daanan
Daanan nating tungos sa pagmamahalan
Sa ngayon ay sarili muna ang ating intindihin
Magulang at kapatid natin ay pabutihin
Mga pangarap natin ay ating aabutin
Kamalian natin ay atin nang lisanin
Hanggang dito na lang aking magiging sinta
Sana’y iyong tandaan, aking mga salita
Mag ingat ka hanggang sa ating pagkikita
Ako ay magihintay, hanggang tayo ay magkita














