Salamat, Panginoon ❤️
Ikaw ay mabuti bawat sandali
Sa habang buhay ay mananatili
Hindi mapapawi o maikukubli
Maging sa dilim ng gabi
Sandigang matibay ang Iyong pangako
Lakas at pagasa ng aking puso
Hindi na mabilang pagkakataon
Patunay ng katapatan Mo
Sa dalamhati at sa kabiguan
Sa pagluha ng pusong nasugatan
Sa pagsubok na iyong pinahintulutan
Salamat Panginoon
Sa katugunan sa aking dalangin
Sa kalakasang Sayo nanggagaling
Sa pagtuturo at pagtutuwid Mo sa akin
Salamat, Panginoon
Salamat
Kulang ang salitang "salamat" sa lahat ng Iyong ginawa.
Simula pa nung una, ang katapatan Mo sa buhay ko ay hindi nagbago.
Napakabuti Mo at wala Kang katulad. Tunay ngang wala nang makakatulad Sayo! ❤️
Thank You, LORD!












