HAPPY BA ANG INDEPENDENCE DAY MO?
Independence. Pagiging malaya. Pagiging mapagpalaya.
Daantaon na ang nakalipas matapos ideklara ang ating kalayaan, malaya nga ba talaga tayo? Naging malaya nga ba tayo?
Naging malaya nga ba tayong sabihin ang ating mga opinyon? Naging malaya ba tayo sa mga walang awa na pagpatay? Naging malaya ba tayo sa kahirapan? Sa kagutuman? Sa korapsyon? Naging malaya nga ba tayo sa mga imperyalistang bansa? Naging malaya ba tayo? Sabihin n’yo, naging malaya nga ba tayo?
Independence. Kakayahan na makatayo sa ating sariling mga paa. Nakaya nga ba natin mag-isa?
Ngayong Araw ng Kalayaan ng bansang Pilipinas (na sa katunayan ay dapat July 7 pa), maging MALAYA at MAPAGPALAYA. Sabihin ang gustong sabihin. Sabihin natin na may paninindigan.
MGA KABABAYAN, NAWA’Y MAGING MAPAGPALAYA SANA ANG ARAW NG KALAYAAN NG ATING BANSA. DI LANG NGAYON, KUNDI SA MGA SUSUNOD OANG MGA ARAW AT TAON.
P.S. Happy Birthday nga pala sa may mga birthday d’yan. #ArawngKalayaan #IndependenceDay #WalangHappy







