Ang mahalagang aralin!
Mayroong mga palabas na para lamang sa kasiyahan at paglilibang ngunit pag ito’y sinuri at inintindi maraming mahahanap na aspetong may mas malalim pang kahulugan na tumutukoy sa ating iba’t ibang konsepto ng kasarian sa ating lipunan. Nasa sa atin na ang desisyon sa paggamit ng mga ating natutunan sa popular culture, tama man o mali, sa ating araw-araw na buhay. Gumagamit ng media ang popular culture sa paglarawan ng mga paksang mahahalaga at may kaugnayan sa lipunan pero nasa kapangyarihan natin kung paano ito susuriin at bibigyang kahulugan.











