whonawayne. 18thbirthday
Happy 18th Birthday bhe! I love you. Alam na alam mo yan. :*
Thank at sorry sa lahat!
Sorry kasi maldita ako, moody ako, unpredictable ako, mahirap pakisamahan and all. Sorry haa? Sorry kung ganito kaibigan nyo. Sorry kasi hindi ako super perfect na kaibigan sa inyo. Sorry kung hindi ko kayo masuportahan sa lahat ng bagay. Sorry short tempered lang ako, mabilis mairita, mabilis magbago ang mood. Alam kong mahirap makisama sa tulad ko. Hahaha. Kaya sorry. :)
Tapos Thank you. Thank you sa lahat lahat. Thank you sa friendship. Thankyou sa mga bonding, sa memories, sa mga pinagsamahan nteng lahat. Sa lahat ng tagay na magkakasama tayo, sa lahat ng cutting nten noon nung highschool pa tayo, yung mga oras at moment nten na ganon? Na kahit puro tayo kalokohan, katarantaduhan, kagagahan at katangahan, magkakasama pa din naman. :) Oh diba? Aports yan i. Tapos thank you din dun sa letter mo, at nyong lahat na binigay nung birthday ko. Alam kong hindi ko to nasasabi ng personal, pero nasurprise talaga ko dun sa ginawa nyo at sa binigay nyo. Di ko lang napapakita pero thankful ako kasi naging kaibigan ko kayo. Ang drama diba? Hahaha. Eh sorry na. Di mo na ba ko mapapatawad? Huehue. Tapos bhe, thank you ulet ha? Thank you kasi sa mga panahon at oras na pakiramdam ko wala kong kaibigan anjan ka para ipaalala na meron dahil nanjan kayo. Thank you kasi kahit hindi ako pepektong kaibigan, natatagalan nyo ko. Hahaha. Ayoko na nga -____- Mahaba na to. Basta thank you sa lahat lahat lahat lahat lahat. :)
Alam mo naman na kahit na anong mangyari, lagi akong nandito para sa inyo, para making sa mga chika ng kalandian nyo, na kagagahan nyo. Alam nyo namang kahit na naiinis ako sa mga katangahan nyo, pinakikinggan at dinadamayan ko pa din kayo, kasi isa pa din naman akong tanga eh. Damay damay tayo dito eh. Aports yan eh.
Sa Jollibee, bida ang saya! Sa barkadahan, bida ang tanga! Sa aports? Lahat kami tanga kaya lahat kami bida!
Happy Birthday ulit bhe! :)
PS.
September 22, 2013 pa dapat ang post na to. Obvious naman dun sa happy 18th birthday diba? HAHAH. Pero ngayon ko lang maipopost kasi nasa draft ko pala hindi naipost. Nakapagbirthday ka na ulit, eh ipopost ko pa lang ito. HAHAHA. So ayun, belated happy 19th birthday bhe! Pasensya na at hindi ako nakapunta nung birthday mo. Kinailangan ko na kasi umuwe tapos may exam pa ko kinabukasan. Ayun, so bawi na lang next time ha. Sorry talaga. Pakatatag kayo ni superman mo. Hehe. I love you! I miss you.
whonawayne :)













