synopsis: hindi na bago yang research na yan pero hirap pa rin maghanap ng rrl si pareng wonbin. lalo na honor student pa yung leader niya, eguls. baka magsipag si par 'pag nalaman niyang kapatid pala ng bebelabs niya yung leader niya.
☆: 2 chapters agad anlupet di talaga ako makatulog. btw pala medj oa si wonbin dito kasi sawa nako sa nonchalant characs niya.
prev | next
— saktong alas nuebe nagkita sa gate ang mga "esophagus esophagus" at gaya ng inaasahan, hindi nagsimula sa naka takdang oras ang review. mukhang napa-aga pa ang dating nila sapagkat wala pang kalahati ang bilang ng mga tao sa loob ng kanilang auditorium.
"sabi ko sa inyo di yan magsisimula ng 9am eh," sambit ni sohee habang naglalakad papunta sa likod ng auditorium.
"wag tayo sa likod, i wont be able to hear and see properly," reklamo ni mikha.
"dun tayo sa harap puro stem dun oh, di ba stem crush mo miks?" pag-aya ni maloi. hinayaan na ni yn ang dalawa na lumipat sa harap bago umupo sa tabi ni sohee sa likod. as usual, nilabas na lang niya ang kaniyang earphones kasi tinulugan na siya agad ni sohee.
"tangina talaga nito napaka bagal kumilos," pabulong na bigkas ni seunghan. siya ay kasalukuyang nakatayo sa may gate ng school nila, hinihintay ang kanyang kaibigan. lagpas alas nuebe na, kalahating oras bago mag alas dyis. umuusok na ang ilong ng kanilang presidente sa group chat ng kanilang klase (madaming wala sa auditorium na hindi nagpaalam kung aabsent) kaya naman namamasa na ang palad niya. panigurado'y makakatikim din sila ng sermon mula sa guro nilang magtuturo sa review ngayong araw.
habang nagmamadaling mag type si seunghan ng reply sa president nila na malapit na siya sa auditorium (kahit nasa gate pa lang talaga siya), sakto naman ang pagdating ng tricycle sa harap niya. bumaba dito ang kanina pa niyang hinihintay na si wonbin, ang kapal ng mukha naka shades pa kahit walang araw. natagalan pa sila lalo sapagkat walang barya si wonbin at nagbayad ng buong limang daan sa driver.
napabuntong hininga na lang si seunghan bago lumapit at magbayad sa tricycle. matapos ay di niya napigilan ang sarili at binatukan ang kanyang kaibigan.
"apaka bagal mo talaga kumilos! galit na si pres sa gc, wala pa daw kalahati attendance ng section natin!"
"aba, responsibilidad pa ba natin kung papasok yung iba o hindi?"
"eh basta, bilisan na natin, si sir tnct daw ata magsisimula"
talaga ngang minamalas si seunghan ngayong araw, kung hindi sana mabagal kumilos si wonbin edi sana naka-upo na sila ng payapa ngayon. pero dahil napakabagal nga nito, ito sila ngayon, naka-tayo sa harap ng buong senior high, habang sinesermonan ng kanilang guro.
"GUSTO NIYONG DI KO KAYO PA GRADUATEIN?! Mga Senior High School students kayo pero napaka iresppnsable niyo? para kaynino ba itong review na ito? Sa amin ba? Tapos simpleng pagpasok ng maagad hindi niyo magawa!" (getting flashbacks lol) napayuko lamang ang dalawa dahil sa hiya sa harap ng mga kamag-aral.
"Doon kayo sa likuran maupo, mahirapan kayo makinig at makita ang whiteboard!" huling sigaw ng kanilang guro. Agad namang pumunta sa likod ang dalawa upang maghanap ng upuan. Buti na lang at may bakante pa sa likod ng babaeng naka earphones at lalaking mukhang sanggol.
aba! sino kaya itong naka earphones na ito? isa ba siyang diwata? ang kanyang ganda'y nakabibighani-
(thought process ni wonbin nang makita si yn)
umangat ang ulo ni yn ng maramdaman niyang para bang nay nakatingin sa kaniya. sakto naman at nagtagpo ang mata nila ni wonbin nang gawin niya ito. hindi niya ito pinansin at yumuko muli upang ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa sa kanayag kwaderno. sa kabilang dako naman, si wonbin ay hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita at napatulala na lang. kung hindi pa siya hinila ni seunghan papunta sa kanilang upuan, buong review siguro tatayo at tititigan na lang ni wonbin ang babae.
pairing: oa! stem student! wonbin x nonchalant! humss student! y/n
genre: smau, prose, fluff, crack (sapilitan), very slight angst (malungkot na nga buhay ko pati ba naman au ko?)
language: filipino/taglish
synopsis: hindi na bago yang research na yan pero hirap pa rin maghanap ng rrl si pareng wonbin. lalo na honor student pa yung leader niya, eguls. baka magsipag si par 'pag nalaman niyang kapatid pala ng bebelabs niya yung leader niya.
translation: a group research project was nothing new but that doesn't mean finding rrl's were easier for wonbin. especially when his leader was one of the running candidates for with high/highest honor rolls in their school. but maybe he will be putting in the effort to finding those rrl's once he finds out that his research team leader is his yn's older brother.
ch 1 - rip (rest in park wonbin) - variance at standard deviation
synopsis: hindi na bago yang research na yan pero hirap pa rin maghanap ng rrl si pareng wonbin. lalo na honor student pa yung leader niya, eguls. baka magsipag si par 'pag nalaman niyang kapatid pala ng bebelabs niya yung leader niya.
☆: nung may pa talaga ako gumraduate 'sensya na. ganun talaga. dapat nga idedelete ko na acc ko eh kaso di ako makatulog, hinahunting ako nung au kaya ayan na siya.