WORTH IT waiting...
Bakit? Ito nanaman ako sa "bakit" ko, ito nanaman ako sa mga tanong na walang kasagutan na lagi ko na lang hinuhulaan.
Bakit nga ba sa tuwing mag-kakagusto na lang ako sa isang lalaki eh yung laging hindi na pwede, yun bang may girlfriend na. Siguro kasi mas nakikita ko kung paano siya sa isang babae kaya naaadmire ko yung mga ganong lalaki, ito lang yung pinaka nakakatawa sa sitwasyon na ganon, laging nagiging malapit sakin yung lalaki na nagugustuhan ko, kumbaga ehh nagiging tropa ko, ang masakit lang don? yung nakikita niya ako as his bestfriend.
Ganito ata talaga, kapag hindi pa pinapadala ni Lord yung taong para sayo, Lord ang tagal naman, hindi naman po sa naiinip ako kundi napapagod lang talaga ako, ang sakit laging ang sakit ng mga nararamdaman ko, parang minsan tinanong ko na sarili ko eh, kailan ba ako magiging masaya yung walang ibang iisipin kundi ako, boyfriend ko at magiging buhay ko in the future. Pinipilit kong maintindihan lahat alam kong itong paghihintay ko? Magiging worth it to lahat ehh, hindi naman ako masasaktan at mahihirapan ng ganito kung hindi worth it yung darating, hindi naman ako luluha ng ganito karami hindi naman ako aabot sa point na ginusto ko na mawala sa mundo ng dahil nasaktan ako sa pag-ibig, sana Lord ipakilala niyo na siya sakin, sana maramdaman ko na yung ako naman yung mahal, ako naman yung mahalaga.
Lagi ko pong tinatanong sa sarili ko at sainyo Lord kung kailan? Kailan darating yung panahon na ako naman? Na ako lang. Oo ang dami dami ko ng sakit na naranasan pero walang wala yon kasi alam kong kapag dumating na yung taong para sakin? Lahat ng sakit na naranasan ko? Mabubura yun kasi alam kong magiging worth it lahat ng ito. Diba nga sabi nila? Lahat ng naghihintay ehh binibigyan ng magandan regalo? Kaya handa po akong maghintay sa regalo na dapat sakin. Maraming salamat sa lahat! Hindi po ako mapapagod maghintay.












