Pangako
kapag may natutunan kang bago,
pag may natuklasan kang kakaiba,
malamang nasabi mong “kaya pala”
para mong sinalubong ang bagong kaalaman
parang unang beses mong pinatuloy sa iyong
tahanan ang isang bagong kaibigan.
ang saya diba? “kaya pala”
may natuklasan ka
pero masaya pa ba kung sabihin kong
sa natuklasan mo, wala ka nang magagawa?
kasi nangyari na
“kaya pala”
tangina kanina lang ang saya ngayon ang sakit na
“kaya pala”
kasi nangyari na, wala na akong magagawa
at wala akong gagawin kasi dyan ka
naman masaya diba?
naaalala ko ang sinabi mo sakin noon
noong unang sinaktan mo ang damdamin ko
“patawad mahal ko, kung iiwan mo na ako, tatanggapin ko”
at ako naman tong gago na hinayaan ka pa,
pinagbigyan kita dahil umasa akong magbabago ka na
pero tangina
magaling ka lang sa simula
habang unti unti kong binabalik ang tiwala ko
unti unti mo ulit inuubos
pwede ba akong humiling sayo?
kahit ngayon lang at pangako huli na to
hayaan mo naman akong maging masaya
tangina nakakainggit ka na
ang saya mo
dahil ba nagdurusa ako?
hayaan mo lang akong maging masaya
pangako wala kang makikitang luha na tutulo sa aking mga mata
hindi na luluha ang mga matang ito
pangako
kahit sobrang sakit na
kahit hindi ko na kaya
hayaan mo lang akong maging masaya
at pangako
walang luha kang makikitang papatak sa mga matang ito
naaalala mo pa ba ang mga panahon
na ako ang nagkasala sayo?
halos maubos ko ang luha ko kakaiyak para sayo
di ako tumigil kakasuyo, kakaiyak, at kakahabol sayo
nagsisi ako, nagbago at lumapit sayo
pero tangina ngayon na ikaw ang nagkasala
di ka manlang nagdalawang isip na iwan ako?
“kaya pala”
tangina pangako
hayaan mo lang akong maging masaya,
wala kang makikitang luha na papatak
sa mga matang ito
dahil said na said na ako
















