Isang pawer-ful na selfie na may kasamang Hashtag na #NewYearNewMe
Syempre title lang ‘yan. Wala naman akong balak mag-post ng selfie ko para sa post ko na ‘to. Medyo naririndi na ‘rin kasi ako sa mga comment na, “Huy ang taba mo na!” , “Lumulobo na ‘yung pisngi mo.” , “Katawan mo na ‘yan?” at “Pati pala unan at kobrekama, kino-cosplay na?” Mga tarantado diba? Kala mo naman ang kikinis. Pwe! Atleast ako, kaya kong pumayat. Kayo, kaya n’yong pumogi? Yes. Lakas.
Anyway, gusto ko lang bumati ng “Happy New Year” at manghingi ng macaroni salad sa lahat ng nagbabasa nito. Gusto ko kayong lahat bigyan ng tap sa inyong mga back to let you know na kahit naging tough ang 2017, you still did a good blowjob! I mean JOB. Good job!
Ang daming nangyaring hindi natin inaasahan ‘no? Hindi ko inexpect na makakapag-move-on na ‘ko. Hindi ko din ineexpect na magcecelebrate kami ng New Year sa hospital. Hindi ko inexpect na tataas ng ganon ‘yung sweldo ko. Hindi ko inexpect na makakabili na ako ng kotse at bahay. . . . para sa munting barbie house ng pamangkin ko. Sino ba naman ang makakapagsabing may lalabas na scandal ‘yung crush mo nung college? At ‘yung dating pinapanood mo lang sa cellphone ng kuya mo, napapanood mo na ‘rin sa phone mo sa loob ng banyo habang nakabukas ang gripo. Wait, (*Ang mga sumunod na eksena ay rated SPG*)
Pero seryoso, napaka-raming blessings and realizations bago matapos ang taong 2017. At dahil bagong taon, usong-uso nanaman ‘yung mga kalendaryong may nakalagay na Chinese Zodiac at mga horoscopes. Kaya gumawa ko ng version ko kasi “why not?”
*January. Year of the RAT. Hindi masyadong mabango ang taon na ‘to para sa’yo kaya umiwas sa mga taong hindi naliligo. Lalo na sa mga sumasakay sa masisikip na PUV. Ugaliing magbaon ng manggang hilaw. Hindi lang dila mo ang may panlasa kundi pati ang ilong mo. Sa mga pagkakataong asim na asim ka na sa kilikili ng katabi mo, ilabas mo ang baon mong mangga. Busog ka na, nakatipid ka pa sa suka Lucky No: 1.5 , Lucky Color: Dirty White
*February. Year of the OX. Alamin ang pinagkaiba ng kambing sa OX. Oo, masarap ang kambing lalo na kung gagawin itong kaldereta. Pero masarap din ang OX. It comes with different flavors pa. May Classic, may caramel, may black, may white, may violet at burgundy. Matututo kang magluto ng Kaldereta ngayong taon. Hindi nga lang masarap. Lucky No: 8 1/2 , Lucky Color: Mamink-mink
*March. Year of the TIGER. H’wag kang mag-susuot ng Tiger printed dress kung ayaw mong ma-mukhang buhay na pedestrian lane. Pero kung makulit ka, h’wag kang magtataka kung bigla nalang may tatapak sayo. At please, h’wag kang maglalakad sa EDSA. Baka magtawiran silang lahat sa likod mo. Bawal pa naman tumawid doon, nakamamatay. Lucky No: 4 3/4 , Lucky Color: Mapusyaw na dilaw
*April. Year of the RABBIT. Iwasan ang pag-kain ng mga de-latang expired. Malakas maka-blurred ng utak. Sa mga pagkakataong may magtatanong sayo kung saan mo gusto kumain, dapat ready sa utak mo ang listahan mo ng may masasarap ng luto ng hotdog. Lucky No: 6% Lucky Color: Mamula-mula
*May. Year of the DRAGON. Magiging masagana ang taong ito para sayo. May posibilidad na makapagpatayo ka ng sarili mong bahay. Tanggalin mo ang lahat ng batong makikita mo sa bigas na binili ng nanay mo sa palengke. Ipunin mo ito hanggang sa makagawa ka ng bahay. Magpabili ka ng dagdag na tatlong kilong bigas kung gusto mong may terrace. Lucky No: 984 Lucky Color: Dark Black
*June. Year of the SNAKE. Iwasan ang pag-“poke” sa mga may syota na. Marami ang manggigigil sayo ngayong taon na ‘to. Kaya h’wag kang pabibo. H’wag mag-maganda. H’wag kang umastang angat ka sa iba lalo na kung mahaba ang buhok mo sa ilong. Lagi mong tatandaan na ang relasyong nagsimula sa kalandian ay magtatapos din sa kalandian. Ipasa mo ito sa 25 na tao. . . charot. Lucky No: 69K , Lucky Color: Esmeralda (ingay mo’y kay sarap sa tenga)
*July. Year of the HORSE. Magiging maswerte ang taong ito sayo kung magkakaroon ka ng negosyo. Gamitin mo ang talent mo sa pagbibilog ng kulangot. Magtinda ng ginataang bilo-bilo o graham balls sa kanto. Lucky No: 8.3 , Lucky Color: Maliwanag
*August. Year of the SHEEP. Darating na ang hinihintay mo. Mahahanap mo na ang kabiyak ng ‘yong puso ngayong taon na ito. Kaya ugaliing magdala ng tooth brush at dental-floss. Hindi para sa’yo kundi para sa makikilala mo. Lucky No: 3% , Lucky Color: Kayumanggi
*September. Year of the MONKEY. Wagi ang taon na ‘to para sayo. Lahat ng masasayang alala ‘nyo ng syota mo, mauulit ngayong taon. Pero sa ibang lalake na. Kalimutan mo na ang kurimaw na syota mo dahil may darating na bago. Bagong magpapatibok ng puso mo. Magiging kayo hanggang sa dulo. Tapos iiwan ka ulit pagdating sa dulo. Lucky No: 911 , Lucky Color: Light White
*October. Year of the ROOSTER. Maraming oportunidad ang naghihintay para sayo sa taon na ito kung magsisipag ka. Simulan mo sa pagluluto ng sinangag mula sa lugaw na tinanggalan ng sabaw. Iwasan din ang sobrang paggamit ng filter sa mga pictures na inuupload mo sa Facebook. Baka sa sobrang bibo mo sa paggamit ng filter, ‘yung hawak mong champorado, maging lugaw na. Lucky No: 8-7000 , Lucky Color: Colorless
*November. Year of the DOG. Ikaw ang bida ngayon dahil taon mo ito. Pero ‘hwag din masyadong mapapel. H’wag sabat ng sabat lalo na kung hindi naman ikaw ang kinakausap. Baka bigla ka nalang masampal. Lucky No: 09988486659 , Lucky Color: Madilim
*December. Year of the PIG. Maging magaling sa pera at patakbuhin ng mabuti ang negosyo. H’wag nang magtinda ng yelo kung hindi naman lumalamig ang refrigerator n’yo. Lucky No: 1x +2xy Lucky Color: Madilim
Pero ako, hindi talaga ako naniniwala sa mga horoscope at hula. Sabi nga ni Zenaida Seba, "Hindi hawak ng mga bituin ang kapalaran natin, gabay lamang sila.” Mas bet ko pa rin ‘yung kalendaryong may mga naka-pose na model tapos naka-underwear lang. Yung madalas nating nakikitang nakadikit sa bintana ng malalaking truck. ‘Yung madalas may drawing sa mukha at may talsik ng kung ano man.
Anyway, Happy New Year sa ating lahat! At sa mga kaibigang makikilala ko palang!