Nanakawin ko lahat ng kirot sa puso mo, ng sugat sa isip mo. Oo, alam ko maraming beses kang nagkamali, pero papakinggan parin kita, Papatawarin at papalayain ka Dahil ganito ang tunay na pag-ibig. Sa oras na kakailanganin mo ng tagapagligtas, sasaluhin kita gamit ang mga kamay na ikaw mismo ang nagpako, pangako, tatanggapin kita at ang buo mong pagkatao, Uunawain ka kahit ilang beses ka paring nagpapatalo pero sana, unawain mo rin ako dahil hindi ko maipapangako na sa piling ko'y puro lamang pagsuyo at pagsinta dahil sa totoo lang, may mga araw na... Wawasakin kita. Pupungusan hanggang sa sukuan ka ng sarili mong damdamin hanggang sa ang nadurog mong puso ay maaari ko nang salain Maniwala ka, mas mahirap to para sakin pero dahil mahal kita kailangan kitang subukin Huwag kang mangamba. Dahil sa gitna ng lahat ng durog na bato at mga pader na tumumba yayakapin kita. Yayakapin kita, ng sobrang higpit hanggang sa ang mga piraso ng puso mo'y muling magdikit yayakapin kita, hanggang sa ang tibok ng puso mo at ang tibok ng puso ko ay magtugma. Ikaw, ang paborito kong tula. - Brian Vee, Ang ABaKaDa ng Tunay Na Pag-ibig (excerpt) #ChristTheKingCathedral #wheninTagum #church💒 #YearofMercy2016 (at Christ The King Cathedral, Tagum City)