Ito yung mga araw na kaming nalang dalawa ni Tsong Gu Sheila ang naiwan sa band.. syempre kasama si Manager. Sa totoo lang.. hindi naman talaga kami ang bumuo ng banda na ito.. kun’di and former lead guitarist at bassist namin. At ito ang istorya kung paano kami nabuo. :)
Habang naka-tambay sa office ni manager, sa One Oasis Condo.. nagkuwento si former lidista, kapatid ni Manager at former lead guitarist namin, na bumubuo sila ng banda ng kanyang kaibigan. Sobrang close nila ni former bahista.. at dahil sila palang dalawa ang nagbabalak sa pagbuo ng banda, inalok niya ako. Sabi ko ako drummer. HAHA. Gustong-gusto ko talaga matuto magdrums noon. Late 2012 kasi, nag-uundergo ako ng drums lesson sa isang kakilala ng ate ko na nag-aral ng musika sa U.P. Hindi ko nalang naipagpatuloy noon kasi ang daming nangyari. Pero.. hindi ako natuloy na magdrums. Ayun. Nauwi ako sa mikropono. Sabi kasi nila ang mag-front.. okay lang naman sa akin basta banda hehe. Ni-refer ko sa kanila si Sheila.. kaso pinag-iisipan pa nila. Gusto kasi nila lalaki na gwapo. <3 Sa paghahanap namin, nakilala namin si Chinito (syempre.. di ko na babangitin totoong pangalan haha). Nakakainis kasi paasa siya. Dapat siya ang bahista. Type lang pala niya sa ate mong former lidista. Haha. Lumipas ang maraming araw.. napagdesisyonan namin na si Sheila nalang ang drummer, ako sa rhythm, si former lidista si former lidista, at si former bahista si former bahista. XD
January, 2016. Ang buwan kung kelan kami nagsimulang mag-aral ng mga instrumento namin. Si manager nag nagtuturo sa amin. Halos lahat kami basic lang ang alam. Never kami nabuong magkakasama na tumugtog sa band rehearsal studio. Isang beses na nabuo kami, walang available na studio. Occupied lahat sa San Antonio Village. -_- To cut the long story short... Unang umalis si former lidista.. hindi ko alam yung dahilan pero, ni-respeto nalang namin yung desisyon niya.
Sa pagkakataong iyon, ang saya namin ni tsong gu Sheila.. kasi akala namin, aalis din si former bahista kasi wala na si former lidista.. dahil nga close sila, at sila naman talaga ang magkakilala. :’) kaso.. lumipas ang araw, February yun.. nung nagpaalam si former bahista na.. aalis na din siya. </3 pero naintindihan namin, tama naman siya, first priority dapat ang family. Samin kasi ni tsong, okay lang magbanda.
So ayun.. Dalawa nalang kami..
Patuloy na nagdarasal na mabuo ulit. Nagpost ako sa lahat ng groups na nakita ko sa FB para lang makanap kami ng lead at bassist. Maraming interasado.. kaso.. yung iba hinda naman pinapayagan ng magulang.. yung iba drawing.. yung iba, hay.. ewan ko. -_- nawawalan na ako ng gana that time.. pero pinagdasal ko.. na bahala na si Lord magbigay sa amin ng bahista. Lumipas lang ilang minuto, nakita ko nagpost ng JPOP cover si Rejesa. Minessage ko siya nun.. nagbakasali lang na baka gusto niya magbass. Sabi ko punta ka nalang sa studio ni manager sa one oasis. So ayun. Di ko ine-expect.. pero pumunta talaga siya!! <3 Kasama pa niya mamabear niya. <3
June 10, 2016.. Ang araw na nabuo kami. <3 At nadagdagan ang pressure na dinadala ko, kasi, kailangan ko na mag-aral mag-lead guitar. -_- Anyway.. Solid! Yel~loves! <3 Happy poop.