Pagsababaw.
Kanina sabi ng Daddy maglista na daw ng sasama sa Jorothom kaya naglistahan kami. Alam namin na tatlo lang ang grupo kaya ang ginawa namin nina Ate Glezie, may space na dalwa sa bawat pangalan namin. Kung ang groupings ay bibilangin ng 1, 2, 3 ayon sa pagkakasulat.
Noong gospel hour na, inannounce na ni Daddy ang groupings at group 2 ako! Hiwalay ako sa kanila. Ang mga kagrupo ko ay di ko kaclose tapos ay yung group 1 at 3 ay andun sila at yun yung mga mag-kakaclose talaga! Ako lang ang nahiwalay. Hindi ko mapigilang hindi umiyak ng mga panahong yun. Iyak talaga ako ng iyak dahil masama ang loob ko, bakit naging ganon? Unfair sakin. Ang mga kagrupo ko ay yung mga magbabarkada. Hay. Yan! Naisip ko na naman, naiiyak na naman ako.








