Yung grupo na naging pamilya. Tinanggap ka kung sino ka. Nagtulungan sa lahat ng bagay. Inunawa at inintindi ang bawat isa. Laging may karamay sa lahat ng oras. At higit sa lahat hindi ka iiwan. Yung pangarap mong natupad na makasayaw sa Diyos ay isang magandang regalo. Kasabay nito ay ang makilala at makasama sa entablado ang mga mananayaw na 'to. Maraming Salamat Panginoon sa lahat ng biyaya na binuhos mo sa DC. Dahil sa pagmamahal at grasya mo naging posible ang lahat. Sa mga plano na akala hindi kayang gawin, sa mga plano na akala hanggang plano lang. Pero dahil plano Mo, nangyari ang lahat. Sa nabuong brotherhood at sisterhood, salamat! Dahil dun, mas nakilala pa ang bawat isa. Sobrang saya ko na may mga kasabay akong inooffer ang lahat lalo na ang pagsasayaw para sa Diyos. Mamimiss ko ang pagconditionings kasama sila. Yung mga push ups, plank, sit ups, squat na sobrang nagpapasakit sa mga katawan namin. Yung mga oras ng uwi after rehearsal na inaabot ng alas onse o minsan alas dose. Tapos may rehearsal ulit kinabukasan. Adik lang talaga kami sa pagsasayaw para sa Diyos. DC!! Mahal na mahal ko kayo! Salamat sa lahat! Isa kayo sa nagmold sa kung sino na ako ngayon. Tandaan niyo na palagi akong magiging proud sa inyo at palagi ko kayong ipagdadasal. Wag niyo sana makalimutan yung kaisa isang dahilan bakit niyo to ginagawa. Galingan niyo palagi sa pagsayaw. Lagi lang akong nandito para sa inyo. Kung may mga kwento kayo, makikinig pa din ako. Magpalakas pa kayo para sa Diyos! Ipagpatuloy niyo lang yung misyon bilang isang DC. Mamimiss ko kayo. Salamat sa lahat! Hoping na makasama ko pa din kayo sa pagsayaw sa ibang events. See you again soon! God Bless! 💃💕☝😘 #WYC2016 #Relentless #YFLDC #MamimissNiyoMgaGMKo #ThankYouIloilo