To tiis or to tigil? :(
Kung nagmahal na kayo, alam niyo yung feeling na nararamdaman ko - lalapit o lalayo? lalaban o susuko? push lang or move on? Lahat yan nararamdaman ko ngayon. Ang hirap sobra. Ang hirap hirap at ang sakit sakit.
Naalala ko pa yung time na sinabi ko sa kanya na hindi ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko. Hindi nga siya nawala, as in, friends pa kami, pero nawala siya. Get what I’m saying? Nakakabaliw na. Insomnia is hitting me hard like meds ko have that side effect na nga plus this pa. I’ve been insomniac matagal na then lumala siya nung nawala siya. I can’t stop thinking about him and about what we could be. Sometimes I find myself just sitting outside our house, staring at the sky, looking at the stars and thinking, “Nakikita niya rin yung sky na nakikita ko ngayon,” or “We are under the same sky.” Naiisip rin kaya niya ako. Naalala niya kaya ako? Sa tuwing pupunta siya sa isang lugar, naalala kaya niya ako? Kapag umo-order siya sa Jolllibee, naiisip kaya niya, “Favorite ni Abi yung peach mango pie.” O di kaya kapag nasa mall siya, naiisip kaya niya. “Magkasama kami ni Abi dito noon.” (MEN!!! PWEDE MO PA AKONG MAKASAMA DYAN! IF ONLY MAKITA MO KUNG GAANO KO IKAW KAMAHAL). Nalulungkot rin kaya siya? Sumasagi kaya sa isip niya na piliin ako, na piliin naman ako? Sumasagi kaya sa isip niya na ako na lang mahalin niya dahil aalagaan ko siya at mamahilin the way he deserves to be treated, cared for and loved.
Gusto kong isigaw kung gaano kita kamahal. Gusto kitang ipagmalaki sa lahat ng tao, sa buong mundo. Pero magyoyosi na lang muna ako. Bumalik ako, oo, pero wala kang kinalaman o kasalanan. Gusto ko lang mapabilis pagkamatay ko dahil pre ganun kasakit. :’(














