Ang sakit talaga pag ginagawa mo lahat para matulungan, mapasaya siya. Pero ang pagtrato sayo parang ungrateful siya sayo. :( Minsan dumarating ako sa point na gusto ko nang sukuan. Pero mas malakas pa rin ang hatak ng “mahalin mo kahit na dumarating yung mga panahon na nasasaktan ka.” Kasi ganun talaga umiibig ka. Kapag mahal mo, mahal mo. Walang “bakit, pero, kasi naman o dapat kasi.” Sabi nila “Love is patient.” Kaya ito ako, kahit minsan masakit, okay lang. Mahal ko eh. Mahal na mahal. :)












