A Thursday with LESGIRIRON! ♥
Ayun, nagkita na naman kami ng lesgiriron family koooooooo. Mehehe, ang saya hahahaha. Pero nung una medyo fail talaga..
Umalis nako sa bahay ng 2pm. Papuntang TUP. Sakay ako ng LRT. Tapos si yugel dat magkikita kami ng TUP ng 3, eh nagtext na out na daw siya ng 2 pm. LABO. WAT. Tapos nandun nako sa UN bumaba, nakita ko si kuya paolo, yung kababata kong nag aaral sa adamson. Tapos akala ko talaga napakalapit lang ng TUP sa UN station, tengene di pala. Dadaan pa pala ako ng Sta.Isabel at PNU. Wewww~ Ang mangmang ko lang, nagtanong tanong pako sa mga tindera don. Credits to them. MEHEHEHE :3
Hmmm, nang nasa TUP nako, tagal ko naghintay ke yugel sa guardhouse. Taena tagal tapos di pala ako sinipot dun nung una, tapos kumuha nako ng form, pagkakuha ko, labas nako tas nasa kanto nako papuntang SM manila eh biglang nagtext yugel, hinahanap ako tapos ayun balik ako TUP tapos ayun nagkita nadin kami.
Pagpunta namen ng SM manila, andun na ange at JC sa tapat ng quantum. tapos si JC (domokundreams) nasa may herbench.. andun din si cedie at agot. Yun, nakita ko din si charie.. nagsama sama na kami. Tapos mga ginutom, punta ng McDo at dumating na si mildred.. so madami dami na, bilang na kami sa daliri, damay mo pa yung isang kamay :D
Nasa McDo kami, umalis kagad si JC tsaka yung kasama niyang gerl. Tapos ayun, kwentuhan at mga nagshare ng tumblr stuffs, hahahahah hayy.. angsarapkakulitan ng mga lesgiriron people.
YUN, pumunta kami ng may foutain eklabu, sa may Rizal park. pumunta kami hanggang sa dulo nun. GRABEHAN tas pictures.. dun kami punta sa may Ocean park hanggang umuwi na si Charie at Ange. HAY. Loko lokong Jc, lalake daw ako. LITSE~
Nagtext na si arthur, nasa SM manila na daw siya. So, ayun, naglakad ulit kami hanggang SM manila. Tapos umalis na ange.. tapos nakita namin arthur sa SM manila, tinext nako ni mama tas umuwi ako.
Sweet nila. HAHAHA, pag nakauwi na daw ako, Gm daw ako para makampante sila kasi ako ung pinakabata. Ako lang yung HS na sumama kanina. Pero, wala lang, hehe. Tuwang tuwa padin si mildred sa pisnge ko :DD
Pag uwi ko, tang ina yung LRT.. sa Libertad ang tagal 5 minutes tumigil tapos nainip ako kasi nagmamadali nako kasi sobrang late na talaga nun. WEWW
Nasa Jeep nako papuntang DOST, nakita ko si riel, ung pinsan ni daddy jonas.. di ako nakaatend ng gawain sa el shaddai pero nakasalubong ko naman sila pag uwi ko. HEHE.
Sa Birthday ko LESGIRIRON, magkikita ulit tayo :3
MAY DECEMBER MEET UP PA :>
Loveyou Guyth ♥









