Will you turn the pages back where we had a moments together like we used to do? I wanna feel your warm personality at me again. I terribly missing you

tannertan36

#extradirty
Sweet Seals For You, Always
sheepfilms
No title available
Today's Document
🪼
TVSTRANGERTHINGS

shark vs the universe
Xuebing Du
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
Cosmic Funnies

JVL
art blog(derogatory)
RMH

ellievsbear

❣ Chile in a Photography ❣

pixel skylines
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
Lint Roller? I Barely Know Her

seen from United States

seen from Malaysia
seen from Romania

seen from South Africa
seen from United States
seen from Germany
seen from Türkiye

seen from United States

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Germany

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
@takenforgranteeed
Will you turn the pages back where we had a moments together like we used to do? I wanna feel your warm personality at me again. I terribly missing you
Huwebes
Isang gabi na ako’y iyong kinausap ‘Di ko inakalang aabot tayo sa ganoong pag-uusap Kahit ako’y pagod galing trabaho Nagawa ko paring ngumiti dahil sa’yo
Gumaan ang aking pakiramdam Dahil sa galing mong makiramdam Ang gabi ko’y naging masaya Dahil sa saya nang iyong dala
Huwebes ng gabi ang aking tanda Ito ay una at simula Unang hindi ko makakalimutan Simula no’ng ako’y iyong kinamusta
Gabing punong puno ng mahika Mahikang sa’yo ko lang ito nadarama Ako’y iyong pinasaya ng sobra Kahit na ito’y panandaliang ligaya
Hindi ko masabi sa’yo ng diretso Ang mga katagang ang saya saya ko At kung papaano mo ako pinasaya ng todo Gayunpaman sana maramdaman mo ito kahit papaano
Ayoko sanang taposin ang gabing iyon Dahil marami na tayong napag usapan Kaya lang lumalalim na ang gabi At kailangan na tayo’y magpahinga at putulin ang nasimulan
Panandalian
Dalawang linggo na, tanda mo pa ba? Simula nung tayo’y laging magkasamang mag totropa Magkasama sa asaran at tawanan Bakit ngayon ako lang iyong iniwan?
Ang daya mo Naging magaan na ang loob ko sa’yo Ang sarap mo kasing kasama Pero bakit sa’kin ang lamig mo na?
Nasanay na ako sa’yo Sana naman ‘wag ganito Ang hirap palang gawing panandalian Panandaliang ligaya na pinadama mo ngayon
Ngayon ko lang nalaman Masakit palang maging panandalian Tibay ko rin eh no? Na kahit malabo na, sige parin ako
Ang bilis ng panahong ito Marami ng nagbago Alam ko, kaya umiwas na ako Isa lamang kasi ako sa pampalipas oras mo
Salamat sa dalawang linggong binahagi mo Sa loob ng iyon, nalaman kong panandalian lamang ito Naramdaman kong komportable kana Hindi nga lang sa’kin kundi sa kanya
Alam ko, nakikita ko ito Magkasama pa nga kayo, oh Masaya na akong nakikita ka Na komportable ka, na hindi mo sa’kin makikita kita
Nagbago Na
Isang Minuto lang nang ika’y aking nasaktan Lumabas ka, hindi mo ‘ko pinansin Hinabol kita, hinanap kita Kaso, hindi na kita nakita pa
Sinubukan kong maging masaya Masaya sa harap ng iba Na kahit ang sakit na Nagawa ko paring tumawa
Tinatawagan kita Kaso parang wala lang yata? Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya Pero, parang ang saya mo sa iba
Tama ako, may kasama ka Tila nagbago na yata? Yung turing mo sa’kin Di mo na ako laging pinapansin
Sinubukan kong mapalapit ulit sa’yo Pero parang malabo na talaga ito Nagawa kong magpakatanga Kaya lang ika’y unti-unti ng lumalayo na
Tatlong araw na simula nang umiwas ka ‘Di ko na alam papaano kita kakausapin pa May bago na kasing kasama Pasensya na at hindi ako katulad niya
Masaya pa naman tayo nung una Yung tayo, kasama ang tropa Bakit parang sa’kin lang ika’y nagbago? Ang daya, ako’y iyong binigo
Hindi na siguro ako hahabol pa Dahil ikaw mismo umiwas na Ayoko ng ipagsiksikan ang sarili ko Dahil alam ko sa sarili ko na ayaw mo na makasama ako
Dinggin Mo
May sasabihin ako sayo Sana pakinggan mo ako Ayokong ikimkim ito Dahil bahagi ka ng buhay ko
May itatanong ako sayo Kung totoo ba talaga ito Itong iniisip ko Na patungkol sa inyo
Sana hindi ito totoo Nasasaktan kasi ako Kakaisip sa inyo Kung ano ba talaga kayo
Maganda kasi pakitungo mo sa kanya Bakit sa’kin galit na galit ka? Anong meron sa kanya, At ganyan ka kasaya?
Bakit sa kanya ka tumatakbo, Sa panahong tayo’y nagtatalo? Yung may karamay ka habang ako’y nagdurusa
Hindi ko alam kung ano ba talaga kung anong meron sa inyong dal’wa Sabihin mo na kaya Nang hindi na ko naguguluhan pa
Hirap na hirap na ako Kakaisip sa sitwasyong ito Di ko na alam saan kakapit Dahil ikaw mismo hindi na kumakapit
Gusto kong mag-usap tayo Ayokong palampasin ito Sana dinggin mo Ang hiling kong ito
Gusto kong maniwala Sa sinasabi mong “wala” Papaano ko ito paniniwalaan Kung ayaw mo itong pag-usapan
Ang sakit-sakit na Hindi mo lang dama Di dahil manhid ka Kasi nga masaya ka sa kanya
Heto ako sa harapan mo Nagmamakaawang pakinggan mo Mahal kita Walang itong duda
Nawalan
Ang daya niyo naman Bakit kayo ganyan? Pinagkaisahan ninyo ako Na kahit alam niyo na wala lang ito
Ako ay nawalan Nawalan nang isang kaibigan Kaibigan na aking pinahahalagahan Anong nangyari at ako’y inyong pinagkaitan?
Ang saya ninyo Kitang kita ko ito Na kahit hindi niyo sabihin Ramdam ko parin
Umiwas ako Di dahil may namumumuo Umiwas ako Dahil hindi naman totoo
Sana maramdaman ninyo Ang sakit na idinulot ninyo Kinakaibigan ko, Humadlang kayo
Nawalan na ako Masaya na kayo? Tara, samahan ko kayo Ipagdiwang natin ito
Distansya
Ikalawang araw na Simula nang umiwas ka Masaya pa naman tayo diba? Anong nangyari at nagbago ka?
Ang hirap hulaan ‘Di ko kasi alam saan sisimulan Sabihin mo kaya? Nagmumukha na kasi akong tanga
Ang saya mo naman pala Kapag kasama mo siya Siya ba? Siya ba ang dahilan Nang iyong kaligayahan?
Kaibigan, kaibigan yan ang nasa aking isipan Kaibigan lang hindi ba? Yan ang sabi mo sa’kin noon pa
Ang tanga-tanga ko Na kahit alam ko Hinayaan ko parin ito Masakit oo alam ko
Iiwas na ako Ayoko nang masaktan pa ng husto Iiwas na talaga ako Sa sakit na idinulot nito
Sulat Ko Sa’yo
Kitang kita ko Magkasama ulit kayo Nagkukwentuhan Nagtatawanan Heto ako ngayon sa malayo Tanaw na tanaw kayo
Nasasaktan ako Sa mga nasaksihan ko Sana hindi ko binuksan ito Itong puso kong trinaydor ako At sa huli, magdurusa lang pala ako
Masaya na sana tayo Kaso kumatok ito Syempre pinagbuksan mo Sino ba naman ako? Isa lamang sa kaibigan mo
Ang sakit makita kayo Ewan ko ba bakit ako nagkaganito Siguro hinayaan ko ito, Na mahulog sa iyo At hindi mo masasalo ito
Marami akong gustong itanong sa’yo Kung ano ba talaga kayo Baka pagtawanan mo lang ako At magmukha akong tanga Sa harapan ng iba
Ang hirap naman nito Yung akala ko "Heto na talaga" Yun pala may nakaserbang iba Ang sakit lang talaga Na umasa ako sa wala
Alam mo ba kung ano pinanghahawakan ko? Yung masasayang araw na ibinahagi mo Yung saya, Yung tuwa, Lahat nang iyon tanda ko pa
Ang ganda n'yong panoorin Yung kayo lang nagkakaintindihan Oo, totoo Walang halong biro Nakakainggit nga kayo sa totoo lang Sana ako, sana ako nalang
Nakikita ko na naman kayo Sabay kayong naglakad palayo Sinundan ko kayo Hanggang sa naramdaman ko Yung luha na dumaloy sa pisngi ko
Hindi ko na alam sa'n kayo banda Hindi na malinaw sa'king mga mata Unti-unti itong nanlalabo Ang pag-asang pinanghahawakan ko
Pighati
Ang saya mo sa iba, Nakikita ko sa'yong mga mata Heto ngayon ako, Naghihintay na kausapin mo
Alam kong wala akong karapatan Pero bakit ngayon ako'y nasasaktan? Naramdaman mo ba? Sana naman maramdaman mo na
Masakit para sa'kin Na hindi mo ako kakausapin Naghihintay lamang sa'yo Na tawagin mo ang pangalan ko
Ang hirap nang ganito Na hindi ko mapigilan ang sarili ko Bakit sa'yo pa? Bakit hindi nalang sa iba?
Durog na durog ako Dahil harap-harapan ito Na, masaya ka sa iba Habang ako'y nagdurusa
Gusto kong sabihin sa'yo ito Kaso, natatakot akong pagtawanan mo ako Ang hirap nang ganito Na, kaibigan lang ang turing mo
Ano bang meron sa'yo At sa'yo ko lang naramdaman ito? Ang daya naman oh Kausapin mo na kaya ako?
Naalala mo ba, Yung tawa at saya? Yung ikaw at ako, Na walang pakialam sa mundo?
Napapangiti na lang ako Sa tuwing naalala ko ito Itong sulat ko sayo Para kausapin mo na ako
Pero sige tama na Ititigil ko na Masaya ka na sa iba Hindi na kita gagambalain pa
Beautiful Memory
What a beautiful memory we shared Starting those moment the first time we talked Your smile got me crazy Your laughs melted me easily
What a beautiful memory I treasured Starting those moment we bond There’s something that made me attached more You’re the only one that I could asked for
What a beautiful memory you’d realized Starting those moment you have finally said the “word” The sweetest word that I want and love to hear “I love you, could you be mine forever?”
One summer afternoon, found you sitting on a swivel chair You don’t know me and I don’t know you either Days went on, I felt so light-hearted on you I shared a lot even a nonsense thing on you We exchanged laughs Like nobody cares We might be a mistaken by others But who cares, they don’t know the real between us I thanked God for these moments Because I found you as my other half
Akala ko totoo na, haka-haka lang pala. Umasa na naman ako trinaydor ako ng puso ko
Tanong ko lang
Kumusta ka na? Balita ko single ka na? Mabilis ba ang karma? Kumusta? Masakit ba?
Akala ko habang buhay na kayo? Anong nangyari at naghiwalay kayo? Sana naman pinahaba mo, Sayang naman yung ginawa mong panloloko
Masakit ba talaga ang karma? Nakita kasi kita kanina, Na halos ikamatay mo na.... Yung iyak na sa karmaaaa mo lang dama!
Tula ng Pagsusumamo
Pasensya ka na at kinukulit kita Alam kong ika’y naiirita na Sana ‘wag ka nang magalit pa Na mi-miss lang kasi kita
Hindi ko man sadya ito Dahil alam ko sa sarili ko Na hanggang dito lang ako Dahil sa puntong ito, wala naman talagang tayo
Masaya na ako At napapansin mo ako Na kahit minuto lang ito Papaano’y nagtatawanan tayo
Malayo man tayo ngayon sa isa’t-isa Alam kong darating ang panahon na tayo’y magkikita Mahirap man itong aminin na Na kahit sa habang panahon, handa akong hintayin ka
Marami akong gustong sabihin sa'yo Kaso natatakot akong ma reject mo Patawarin mo ako At hindi ko sadya ito
Na miss kita, Hindi mo ba dama? Heto ako, Sumusulat sa'yo. Baka sakaling maramdaman mo, Yung puso kong nasasabik na sa'yo.
I’m done
Forgive me for I have nothing All I had was, you as my everything You chose to walked away And left me crying
2 Years passed, still Still into you I begged for “I love you” And you said “Good Bye”
Another 3 years passed And everything’s changed You came back For to win me back
I smiled purely and said “I’m sorry” You begged many times But still, it’s useless
We both matured And forgot the pained You saw me crossing your way And continued walked away