The Bacolod NGC. :)
cherry valley forever

#extradirty
Lint Roller? I Barely Know Her
The Bowery Presents

Andulka

blake kathryn
KIROKAZE
The Stonewall Inn
NASA
Interview Vampire Daily
Color Me Curious
tumblr dot com
almost home
Misplaced Lens Cap
No title available
Xuebing Du
𓃗

izzy's playlists!
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
Not today Justin

seen from Brazil
seen from Chile
seen from United States
seen from Jordan
seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Brazil

seen from United States
seen from Uzbekistan

seen from Belarus

seen from United States

seen from France
seen from United States
seen from United States
@theadorableexplorer
The Bacolod NGC. :)
Sweet people from the Sugar Regulatory Administration
Ruins
As if it was summer.
Ninja at the beach. :)
Sweets from Batangas
The innocence in child's eyes.
The ruins
Bacolod is not just a city of smile, but a city of bloom as well.
Requited na pagmamahal daw
"Mahal ko siya, kahit ang sakit sakit na". Yan ang isang linya na gasgas na gasgas na sa mga relasyong one-way lang. I've been there. haha. Pero somehow pleasurable din yung pain. Nagsisimula yun sa pagkagusto, di mo alam kung ano ang nagustuhan mo sa kanya. Sweet ba siya? Maeffort ba siya? Makwento ba? Masarap kausap? o sadyang malandi lang talaga na to the point na nagaassume ka na? Mahirap lumagay sa isang situation na isa lang ang nagmamahal lalo na kung ikaw yun. Hindi mo alam kung kelan babalik ang puhunan or kung may aanihin ka ba talaga sa pagmamahal na itinanim mo.
Bakit ka nga ba umaasa? Ano ba ang meron sa kanya? maraming katanungan na pumapasok sa isip ko bakit mo mahal ang isang tao na hindi ka naman mahal? Selfless love ba kamo? Or hindi mo siya malayuan kasi marami siyang sinasabi sayo na nagbibigay sayo ng rason para umasa? Hindi masama ang magmahal, kahit iakw lang ang nagmamahal pero yung sobra sobra? ewan ko nalang kung katangahan ba yun o sadyang tanga ka? either ways, tanga padin ang bottomline.
Words, minsan dito tayo kumakapit. Mga salitang pambobola, mga salitang paasa. Sasabihan ka sa umpisa na "masaya akong kasama ka", "salamat at nandyan ka palagi para sa akin", at kung anu ano pa. Itong mga salitang ito ang nagbibigay sa atin ng rason para maghold-on. Para kang nafifriendzone sa araw araw na ginawa ng Diyos. Hindi ba pahirap yun? magdedecide kang bumitiw, magmove-on, konting landi lang babalik ka sa kanya. Mahal ka ba niya talaga? kasi kung mahal ka niyang talaga, hindi siya puro salita. Ipapakita niya na mas malinaw pa sa pinakintab mong nail polish na mahal ka niya, pero yung mahal ka niya hanggang cellphone lang o chat sa facebook tapos pag nagkita na eh, alila ka? ano yun? kulang nalang maging personal slave ka. Hanggang kelan ka magpapauto sa mga salitang binibitawan niya? Nawawala na ang respeto niya sayo dahil sa alam niya sobra mo siyang mahal. Pati sarili mo napapbayaan mo na. Sunod-sunuran ka sa bawat sasabihin niya, dahil ang akala mo sa bandang huli eh babalikan ka ng pagmamahal din. Walang ganun sa taong hindi talaga ikaw ang pinili sa umpisa palang.
Gestures, may mga bagay tayong namimisinterpret. Akala natin isang pahiwatig na bumabalik na ang mga napundar na pagmamahal. Aminin man natin, marami satin ang naniniwala sa senyales. Naniniwala na may pagkakatao pang mangyari ang mga bagay na nasa isip natin. Sa mga taong tunay na nagmamahalan, oo posible yun. Pero sa requited nga na pagmamahal, para kang umaasa sa wala. Madalas sa atin binibigyan ng kahulugan ang simpleng text, simpleng tawag. Hindi ba pwedeng natural lang na mangmusta? Assumption sa madaling salita. Madali tayong magassume na "heto na, heto na, mahal na nga ako niya". Walang ganun. Natural lang sa kanila ang mangamusta, lalo na pag bored sila. O minsan naman, natural lang sa mga taong ayaw nilang binabagabag sila ng kanilang konsensya. Yayayain kang lumabas, itetext ka, tatawagan ka, worst case is, dadalawin ka pa or pupuntahan ka sa lugar kung nasaan ka. Ano turn-out nito? Edi umasa ka nanaman, akala mo may magaganap na pagbabalikan, o pagconfirm na mahal ka nga din niya. Pagkatapos niyang gawin ang mga bagay na ikinasasaya mo, sabay kukwentuhan ka na may nagugustuhan siyang iba. Yung tipong feel na feel mo na, haba na ng hair mo, todo suklay ka pa kasi akala mo ito na yun! tapos bigla siyang maglalabas ng problema, kung paano niya liligawan ang natitipuhan niya. BOOM! Ikaw nanaman si umasa, ikaw nanaman si tanga. Nafriendzoned ka na nga, naging hopia ka pa. Sasama naman ang loob mo dahil umasa ka nga, kasalanan ba niya? Partly yes, pero diba? alam mo na sa sarili mo na wala nga? So, kaninong kasalanan na nagmukha ka nanamang tanga? Eto pa ang malupit, nagkwento ka na ng kung anu-ano sa mga kaibigan mo. Todo ngiti, at sobra ka pang masaya habang nagkkwento. To teh point na kahit binigyan ka lang ng espasol, ang sabi mo sa kanila ay nakabalot pa ito ng gift wrapper with matching flowers. Ano ba? Hindi ka lang naging tanga, isa ka pang ilusyonada.
Marami na din sa atin ang nakarinig ng "Kung tayo talaga, magiging tayo din sa bandang huli". Hindi mo ba naisip na nagiging unfair ka sa sarili mo? Na hindi mo binibigyan ang sarili mo na maging masaya? Kung kukontrahin mo ang sinasabi ko, ast sasabihin mong masaya ka naman sa kanya kahit ikaw lang ang nagmamahal, then sabihin mo muna sa akin na hindi ka nasasaktan, umiiyak, at nagtatampo ka sa kanya pag nababalewala ka. Ano ba ang relasyon niyo in the first place? Diba ikaw lang naman nagmamahal? Ang tunay na masaya ay masaya, yun lang yun wala nang iba.
Kaya para dun sa mga nagmamahal, na sila lang ang nagmamahal. Bakit niyo kailangang hayaan na mangyari sa inyo yun? Narealize mo ba kung gaano ka ka-wonderful para sayangin ang oras mo sa taong di ka naman at di kailanman susuklian ng pagmamahal? Tama nang magkaibigan kayo, wag nang susobra dun. Kasi kahit magexpect ka at umasa ng ilang lightyears, kung wala talaga, WALA.
Para naman dun sa mga taong marunong makapansin sa katangahan ng iba, sabihin niyo na sa umpisa palang. Kesa lumala at maging terminal ang sakit nila. TANDAAN: Prevention is better than cure. try to appreciate/love yourself, and everything will follow. Do not waste you time and effort to those who will eventually just give you false hopes. You are wonderful, you deserve to be treated like one.