I know I can do this! Fighting!
KIROKAZE
Stranger Things
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ

blake kathryn

Andulka

❣ Chile in a Photography ❣
sheepfilms

#extradirty
Sweet Seals For You, Always
tumblr dot com
Acquired Stardust

Discoholic 🪩

ellievsbear
Cosimo Galluzzi
noise dept.
One Nice Bug Per Day
Xuebing Du

Kiana Khansmith
NASA
cherry valley forever
seen from Netherlands
seen from Türkiye
seen from United States
seen from Germany

seen from France
seen from Canada
seen from Türkiye

seen from Singapore
seen from France
seen from China
seen from United States

seen from Japan
seen from Malaysia
seen from Türkiye
seen from China

seen from Türkiye
seen from United States
seen from Germany

seen from Malaysia
seen from Germany
@theazelsense
I know I can do this! Fighting!
Gabi gabi na lang ba kong maiiyak sa pagkamiss ko sayo...
BS Accountancy
Kursong alam kong sa una pa lang gustong gusto ko na. Gumraduate ako ng 4th year ng alam ko kung saan ako pupunta at tutungo. Alam ko kung anong kahihinatnan ko pagdating sa college. Ni hindi sumagi sa isip ko na magshishift ako at wala na kong ibang kurso na naisip kundi accountancy lang. Sabi ko sa sarili ko ‘this is it pancit’ 5 taon! 5 taon magiging CPA din ako. Bat ko nga ba pinangarap na maging CPA? Hmm kasi natutuwa ako sa mga teller sa bangko at akala ko talaga dati yun lang ang ginagawa ng isang accountant. Ang ewan lang no? Ni hindi man lang nagsearch kung ano ba talaga ang isang accountant. Ni hindi man lang ako nagsearch sa mga posibleng obstacles na maaaring maging hadlang sa pagigiging CPA ko. Kaya ayun pumasok ako sa kolehiyo ng hindi ko alam na ganun pala kahirap ang accountancy. Idagdag pa yung pressure na binibigay samin ng course namin kasi nga palaging 100% yung passing rate sa board exam ng mga 5th year samin. Nagpursigi ako sa unang taon ko. Madalas iniiyakan ko yung subject kong ACTG101 kasi nga palagi na lang akong bumabagsak. Pero kahit na ganun nag-aral pa rin ako kahit na hindi na ko natutulog basta maipasa ko lang. Pero nang ibigay samin yung midterm grade namin at target grae na kailangan sa finals, para kong binagsakan ng langit at lupa. Kasi alam ko na wala na… wala na talaga… hindi na papasa… matatanggal na ko… Iniyak ko na lahat. Lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nagdasal ako kay Lord, sabi ko ‘kayo na po ang bahala sakin. Let your will be done’. Hanggang sa nagfinals na nga, lumaban pa rin ako. Hindi ko na inisip kung papasa ba o hindi. Basta lumaban ako. At ngayon bakasyon na, dumating na yung araw na ibibigay na yung final grades. Pasado ako sa lahat ng subjects ko. Binigay na rin yung grade sa actg kaso tulad ng inaasahan ko hindi na talaga ko pumasa. Pero masaya ako na kahit papano pasado ko, hindi nga lang sa standards ng course ko, pero pasado pa rin ako. Nalaman ko na madami sa mga kaibigan ko ang pumasa. Naiinggit talaga ko kasi alam kong kaya ko rin naman yun pero wala ih ganun talaga siguro. Pero sa tulong ng kurso ko ngayon, narealize ko ang maraming bagay. Narealize ko kung san ako magaling at ano talaga ang gusto kong gawin. Siguro nga hindi talaga para sakin tong kurso na to, pero ngayong sem sisiguraduhin ko na ibibigay ko na talaga yung best ko. Sigurado na ako na BSBA Major in Human Resources Development ang kukunin ko.
2nd chance ko na kaya ituu! Hindi man accountancy ang course ko, pero tiwala lang! May tiwala ako kay Lord at syempre sa sarili ko. Sa tulong ng family, friends at ng SL ko, magiging successful din ako! Tiwala lang! I can do thiis!! Fighting!!!
DOUBLE STANDARD MUCH?
Kapag mag-uupgrade ako ng burger gusto ko palaging double patty, double cheese, double bacon. Pero ayokong magka-double chin. Hindi ako kumakain ng gulay pero ang gusto ko sa burger may coleslaw. Double standard much right?
Ayaw natin sa double-standard pero tayo mismo may pagkadouble-standard din. In short, pamatay na pamantayan.
1. Kapag nagpahayag ka ng opinyon mo, “freedom of speech”. Pero kapag opinyon ng iba, mga nagmamarunong, nagmamatalino, “Mga Feeling Political Analyst.”
2. Ang bilis ma-offend sa ‘rape joke’ pero mega-share sa mga Galawang-Hokage posts na kung iisipin mong mabuti, pagtatake-advantage din yan sa mga kababaihan. Pero ang justification mo, magkaiba naman yun.
3. Galit ka kay Vice-Ganda kasi puro lait yung mga jokes niya. Pero kung makapanlait ka sa social media daig mo pa siya.
5. Galit na galit dun sa Billboard ng Vaseline dahil sa paggamit ng “DULL’ patungkol sa kulay kayumanggi. Pero tawang-tawa ka pag nilalait ni Senyora ang kulay ni Nancy Binay. G
6. Hindi daw siya homophobic pero ang depinisyon mo ng duwag at lampa, “BAKLA!”
7. Kapag Rappler at Philippine Daily Inquirer, biased. Kapag Mocha Uson Blog most credible.
8 Kapag lalaking Math teacher na may abs ang nagpost ng hubad sa social media, “OMG! 1 + 1 = 3?”. Pero kapag babaeng nakitaan lang ng cleavage, “Bitch. Malandi. Pokpok.” #SlutShaming
9. Nung tinuligsa ni Manny ang LGBT, “Ikinakahiya kita Manny! Ikaw ang mas masahol pa sa hayop!” Pagkatapos ng laban niya kay Bradley: “Congrats Manny! Proud kami sa’yo!”
10. Gusto mo ng fairness at equality para sa mga kababaihan, pero nung isang beses na di ka pinaupo ng isang lalaki sa MRT galit na galit kang nagpost sa FB tapos sabi mo pa, CHUVALRY IS DEAD. Equality ba talaga ang pinaglalaan o pnsariling interes lamang?
11. Ayaw mo sa body-shaming. Nagagalit ka kapag may lumalait sa mga matataba at panlabas na kaanyuan ng isang tao. Pero tawang-tawa ka kapag nilalait yung hindi ‘tuwid’ na legs ni Kathryn.
12. Nagagalit ka kapag binabastos yung presidente ninyo. Pero kapag presidente niyo naman yung nambastos, “Nobody’s Perfect”. “Totoong tao lang siya.” So ano kami, Barbie?
13. People always say, “Habang may buhay may pag-asa.” Pero ayaw niyong iboto yung mas deserving at mas kwalipikado na maging presidente dahil “baka mamatay lang ng maaga.” Bakit, yung iba ba imortal? #DoubleStandard
—
At mapapasigaw ka na lang with echo, “Nasaan ang Hustisya???!” sabay slide sa tiles ng banyo.
We are the “Generation na Madaling Ma-offend”. Pero sabi nga ni Kumpareng Michael Jackson, “If you want to make the world a better place take a look at yourself and make a change.”
Wag nating basta iasa ang pagbabago sa susunod na magiging Pangulo ng bansa. Online ka man o hindi, nasa Pilipinas ka man o wala, may kanya-kanya tayong responsibilidad sa bansang ito dahil Pilipino tayo. Change is coming? Dapat matagal ng sinimulan. Hindi yan palaging sinisimulan kapag may bagong inihahalal na kandidato lamang. Nakakatawa lang dahil ang laki ng hinihingi nating resulta pero kahit konting partisipasyon hindi natin maibigay. Puro lang tayo post sa social media pero wala namang gawa. Ok na tayo sa “Atleast naipahayag ko ang opinyon ko.” “Atleast nagbabayad ako ng tax.”
Ang baduy mang sabihin, pero ang “pagbabago” sinisimulan yan mismo sa mga sarili natin. Hanggang sa makasanayan na lang natin. Hanggang sa masanay na lang ang ibang tao sa ginagawa natin. Hanggang sa hawa-hawa na ‘to. Pasasaan ba’t unti-unti din nating mararamdaman ang pagbabagong hinahangad natin. Hindi man ngayon, bukas o sa mga susunod na anim pang mga taon, pero alam nating meron dahil may ginagawa tayo at responsable tayo.
*At pwede ko ng kainin yung burger na inorder ko.
Summer Vacation
Grabee bored na bored na talaga ko dito. Tipong isang linggo ka nang walang ginagawa kaya gusto ko talagang magpakaproductive sa bakasyon na to. Yung feeling na tapos na kasi yung kdrama na pinapanuod mo kaya feeling mo you're lost.. Ang artiii!! Pero ghaaaad, I hate draaags!! Hahahaha jk Andami kong gustong gawin, puntahan at pag-aralan pero zzzzzzero funds HAHAHAHAH saklap bheee!! Tho pwede naman akong magpakaproductive kung sisipagin ako... Ghaaaad how to be productive!! 1. Sleep 2. Eat 3. Sleep 4. Stretch/Exercise ng konti 5. Watch TV 6. Tumambay sa sns 7. Sleep 8. Hanap ng pagkaka-abalahan 9. Hanap lang 10. Sleep What a productive daaay 🙄😂 Wala lang trip ko lang magpost para naman masabing may ginawa akong matino sa araw na to hahahA
People are dying from over thinking. They fill their brains with harsh thoughts and it brings the body down too. Chances are no one thinks as bad about you than you.
Unknown (via ohteenscanrelate)
Goodbye 2015, Hello 2016.
Ilang oras na lang matatapos na ang taon na ito at magbubukas na naman ang bagong pahina ng taong 2016. Marami akong natutunan sa taon na ito lalo sa mga panahong pakiramdam ko bibigay na ko. Kaya sa mga taong laging nandyan para sakin lalo na ang family ko, friends, dormmates, blockmates especially sa aking SL hihihi nagpapasalamat ako sa kanila dahil sa suporta na ibinibigay nila sakin. May pagkakataon man na hindi ako ganun kadaling maintindihan at parang ewan madalas nandyan pa rin sila para sakin kaya maraming salamat. At dahil magbabagong taon na, hooraay HAPPY NEW YEAR!!
Shoot for the moon. Even if you'll miss, you'll land among the stars.
idk
I always wake up late at night and find it hard to get back to sleep again. You’re always the first person I think of at times like this… Wondering if you’re snoring right now and having that wonderful dream of yours. Hoping that you’re having a good night sleep…Good Night.
When you really love someone, age, distance, height and weight are just numbers
- unknown (via quotelounge)
Monday na monday ih para naman akong binagsakan ng langit at lupa dito *sobs*
Thank you, Lord! :’)
Trust God's timing. His perfect timing. 👊🏼👌🏼
Thursday na bukas hooray hihihi
Mabilis lang ang 2 days kaya zzzzz sleep na talaga zzzz hahaha
Namimiss ko na talaga siya *sobs*