Nang pinanganak ako lagi ako nagmememorya
Inaalala kung paano ibaybay ang mga salita
Kasi pag di ko ginawa ito, ako ay masisista.
Inaalala ko lahat ng daanan, lahat ng sulok na nililiko
Kasi alam ko ako ay mawawala at malilito
Kapag kinalimutan ko kahit isang daan , isang pagkakamali.
Inaalala ko kung paano maging matapang
Kasi alam ko kapag kinalimutan ko ito ako ay iiyak lamang.
Kung iisipin napakadali magmemorya
Na kahit simple lang ay pwedeng maging importante
Na kahit parang maliit lang ay pwede lumake.
Kaya inaalala ko lahat ng detalye na nangyayare sa akin
Lahat ng impormasyon na binibigay sa akin
Lahat ng simpleng bagay na gaano man kaliit at kalaki
Kung paano magbukas ng aircon
Kung paano ibukas ang internet
Kung ano susunod na iskedyul.
Kung sino ang susunod na kikitain
Kung ano gusto kong kainin.
Kaya nung unang beses makita
Ginawa ko ang lahat upang maalala kita
Ang iyong pangalan na di ko maalis sa isipan ko
Ang mga ngiti mo na nakadikit na sa utak ko
Kung paano gumalaw,magsalita, magsuot, yumakap, humalik.
Lahat ng iyon ay inaalala ko.
Kaya siguro yun ang pagkakamali ko.
Hindi ko na maalis ang lahat ng alaala na kasama kita
Kung paano ang lahat ng halik mo ay parang mga pinta
Sa akin katawan at kahit anong ligo ko ay di ko matangal.
Na kahit anong salita mo sa isipan ko ngayon ay di ako makaangal
Bakit ang dali makaalala pero ang hirap makalimot?
Ang hirap kalimutan ang mga alala natin
Katulad ng pagsama sa iisang kumot
Ang hirap kalimutan kung paano sabay tayo kumakain
Kung paano halos lahat ng mga gusto mo akin kainin
Na kung paano mo ako hahalikan kapag walang tao
Kung paano mo ako yayakapin kapag gusto mo
Ang hirap at paminsan nakakairita na
Kasi alam ko di ko na magagawa lahat ng ito kasama ka
Na lahat ng ito ay alaala na lang
Na lahat ng ito ay ginagawa mo na kasama ng iba.
Kung bibigyan ako ng limang minuto upang magtanong
Ang tanong ko lang sayo ay
Bakit ang dali para sayo makalimot?