Tuwing nag kukwento ka, tinitignan lang naman kita.
Bawat buka ng iyong bibig, sinasaulo hugis ng iyong muka.
Nag dadahilan sa kawalan, namamangha sa iyong kagandahan
Bakit ngayon lang kasi ang lagi kong tanong pero alam ko naman lahat ng bagay at di aayon sa ating gusto
Pasalamat pa rin na may ganitong pag kakataon
Alam kong minsan sa buhay ko naging tayo
Sa mga panahong gulong gulo ako sa mundo laging kang nandyan para samahan ako
Salamat sa mga oras na pinaparamdam mong di ako nag iisa at kadamay ka
Mamahalin ka kahit sa malayo
Ikaw yung dahilan bakit patuloy akong lumalaban
Sana isang araw, sa tamang panahon nasa atin naman ang ikot ng kapalaran