I'm not a pro or anti Marcos na yan tulad ng sinasabi at sasabihin ng iba pero for me HINDI ITO TAMA.
Lately nakikita ko to sa stories ng ilang tao sa ig, mostly medyo marami mutuals, yung iba mga influencers and artist pa nga ata? Then may kasama sa stories nila na "well deserve", tama lang mga ganon at kung ano ano pang hanash. Then I reflect on this, sabi ko sa sarili ko "mali talaga, maling-mali."
Bakit mali? Kasi ganito na ba katanga at katoxic ng mga Filipino? For what? For the sake of Nationalism and Patriotism? Para sikat ka at "in ka" sa nakararami? Trending kasi na kapag anti Marcos ka accepted ka ng madla at hinahanggaan ka ng mga tao. Hating people o taong walang ginagawang masama sayo per se (as such)?
Like sa aking point of view lang why would I hate Marcos and Marcoses if di pa ako buhay non? If hindi naman talaga natin alam ang nangyari sa nakalipas? Remember niyo lang na ang history ay nababago at nacocontrol, it will be always on the winners side. Ang nagsusulat ng history madalas (hindi lahat) ay nababayaran, madalas yung nanalo ay sila ang yung nagmumukang mabuti, sila ang hero but later on lang lumalabas yung totoo kung hahalungkatin lang at pagaaralan.
May tinatawag din tayong Black Propagandas and Historical Manipulation so maniniwala na kayo agad-agad? Dahil lang sa mga DILAWAN na nagwagi at namuno sa halos ilang mga taon na kadahilanan kung bakit nalugmok at nagkanda leche-leche ang Pinas? Buong buhay natin sineset tayo na mabuhay sa galit para sa Marcos without learning the truth, the REAL TRUTH if ever man kasi possible na meron pa talaga.
Balik tayo dito basic lang naman eh. May ginawa ba yung Sandro Marcos na yan mismo sa inyo? Like binastos ba kayo? Ninakawan talaga? Ginago ba kayo? May masama ba ginawa yan? Para bastusin sa webinar na sinalihan niya? Like dude nakakahiya yang mga potang gumawa niyan. Isipin mo kayo nasa katauyan nung tao, webinar yan, formal dapat yan and for educational purposes tas lalagyan niyo ng mga katarantaduhan? Nasaan ang kabutihan niyo don? Sa inyo gawin? Tignan natin mararamdaman niyo. WALA BA KAYONG HUMAN ETHICS? Galit sa Marcos kasi magnanakaw DAW, against human ethics daw mga Marcos, mamatay tao DAW. Pero sila naman itong mga walang respeto sa tao? Hahahaha Funny niyo 🤡
Bitterness as its finest tapos natutuwa kayo diyan? Ganyan na ba kayo kasama? Akala ko ba galit kayo sa Dictatorship? Pero kayo yung gumagawa nun, kayo yung Dictators sa panahon na ito na kung saan minamanipulate niyo kaming mga simpleng tao to hate other people sabihin natin pamilya ni MARCOS at Marcos mismo. Bullshit yan for me, di ako Pro Marcos at di ako Anti Marcos. Pilipino akong nabubuhay at may isip di tanga at uto-uto at di naloloko basta-basta kagaya noong wala pa akong alam at puro sa libro lang umaasa, sa schools teaching system at sa mainstream media.
In the end of the day maging mabuting tao tayong nagiisip at natuto pa sa buhay na malaya.
Di kayo makamove on? Ginagamit lang kayo ngayon election season ng mga Dilawan. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa kayo lumaya nung EDSA People Blaming Revolution, hanggang ngayon nakakulong pa rin kayo sa mga paniniwala at katangahan ng nakalipas na wala naman na kwenta sa panahon ngayon.🤘🏻😂














