Haze
“Sa tingin mo ba, may nilaan ang Diyos na babae para sa’tin?”
Tinanong ko si Mitch matapos kong pagmasdan ang magkasintahang babae at lalaki na nasa harapang table namin.
Napansin sigurong malagkit ang tingin ko sa dalawa.
“Matunaw ang mga ‘yan, bahala ka,” inalok niya ako ng Cinnamon Bun. Umiling ako bilang pagtanggi subalit hindi ko parin inalis ang tingin ko sa dalawa.
“Sa tingin mo ba, gugustuhin ng Diyos na babae ang ilaan niya para sa’tin?”
Sagot niya at doon ko lang ibinaling ang tingin ko sa kaniya.









