May grado, ngunit nananatiling malabo
“Grades don’t define you.” ‘Yan ‘yung kataga na madalas na nating naririnig kapag may taong nakakatanggap ng mababa o mas malala, NAGBABAGSAKAN na grade, lalo na kung ‘yung taong ‘yun ay kilalang palaaral na halos maubos na ang sinunog na kilay para lang maipasa ang subject(s) na mayroon siya. Pero kung ating titingnan nang maigi, hindi ba’t ang grade na ating natatanggap ay nagpapakita ng ating performance sa mga subject na mayroon tayo? Hindi ba’t ‘yun ang kabayaran ng halos walang tulugan, buwis-buhay (oo, lalo na sa kurso naming broadcast communication), at kapagud-pagod na pagpapagal para lamang makamit ang kumikinang pang grade na magsisilbing tulay natin sa mas matagumpay nating kinabukasan? Katulad nga ng gasgas na linya ng mga teacher, “Kayo ang nagdidikta kung ano ang magiging grades niyo. TAGA-COMPUTE LANG KAMI.” Pero bakit tila hindi naman ‘yun ang katumbas na grades ng mga in-input namin para sa mga requirement na binigay nila sa’min?
PINILI KONG ALISIN ANG LARAWAN NA INILAGAY KO RITO DAHIL SA NINAIS NG AKING KAIBIGAN NA NAGMAMAY-ARI NG LARAWANG IYON. NGUNIT ANG LARAWAN AY NAGLALAMAN NG KANILANG USAPAN TUNGKOL SA KANYANG PAGTATANONG SA KANYANG GRADE NA 2.50 SA ISANG SUBJECT NA KUNG SAAN ANG PROFESSOR NIYA ROON AY AKIN DING NAGING PROFESSOR.
Ayan lang naman ang nakuhang sagot ng isa kong kaibigan, mula sa ibang course, sa isa niya ring subject na kung saan parehas kami ng professor. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagsisikap niya sa subject na ‘yun ay ‘yan lang ang matatamasa niya. Kung gaano magbiro si sir sa klase namin, gano’n din pala siya sa pagbibigay ng marka sa’min. Naalala ko tuloy ‘yung minsang sinabi sa’kin ng pinsan ko tungkol sa mga professor, “Kung sino pa ‘yung terror at masungit, sila ‘yung matino magbigay ng grade. Kung sino ‘yung palabiro at palangiti, sila ‘yung magaling manghula ng grade.” Totoo nga, at hindi ko alam kung ano nga ang naging basehan niya sa pagbibigay ng grade sa mga nagiging estudyante niya, at sa huling pakikipag-usap, nakuha niya pang magbiro sa isang seryosong usapan. Hindi man ako ‘yung isa sa mga taong nabigyan niya ng palakol na grade, o katakot-takot na singko para sa mga katulad naming kolehiyala, alam ko pa rin na masakit at mahirap pa rin ang mabigyan ng gano’ng klase ng grade, kasi alam mong hindi ‘yun ang deserve mo, kasi kahit gaano pa kahirap ‘yung subject niya, sinisikap mong mag-cope up sa feeling mo out of this world na lessons niya. At ano pa ang pinakamatindi? Kaya raw gano’n ay dahil sa binagsak nila ang finals. ‘E kung finals lang naman pala ang pinagbasehan niya, ‘e para saan pa ‘yung mga quizzes na binigay niya na halos maiyak na kaming lahat dahil hindi namin naintindihan ‘yung lesson niya? Nakakahiya naman sa kanya, na sa tagal naming naghihintay sa klase niya na kahit isang oras na siyang late ay pilit pa rin naming pinapasukan, kasi ang tanging magpapataas na lamang ng grade namin ay ‘yung attendance niya, na hindi niya rin naman pala gagawing basehan ng pagbibigay ng grades sa estudyante niya. ‘Pag tinamaan ka nga naman ng lintik ‘o! Paniguradong mata lang ang walang latay.
‘E paano kung sa akin na mismo tumama ang lintik? Gaano na katindi ang mararamdaman kong inis? Heto na nga, maski ako, minalas sa pag-ikot ng roleta. Ano pa nga bang mararamdaman ko? ‘E ‘di inis! Pero tumaas lang ng kaunting inis kaysa do’n sa inis ko para sa mga kaklase kong naunang tamaan ng lintik. Kasi pakiramdam ko, quits lang kami. Paano ba naman, absent siya sa klase kaya’t wala naman kaming natutunan sa kanya. Ang kaso lang, sa’min ang pinakamalaking epekto--wala na nga kaming natutunan, nadarts pa kami (sure akong ‘di roleta ‘yun ‘e. Maswerte kaya ako do’n!). At ano nga bang nakuha ko at naghihimutok ang butsi ko? Gusto mong makita? Ito na...
Hahaha! ‘Nahiya pa si ma’am. ‘Di pa ginawang tres... ‘yung english ng puno. JOKE! BAKA LALO AKONG MA-BEASTMODE!
Ano pa bang magagawa nitong mga himutok ko? Wala naman. Pero kahit wala na ‘kong magagawa sa grades ko ngayon, may magagawa naman ako para hindi na maulit pang muli na makakuha ng grades na gano’n. Naalala ko bigla ‘yung kuwento na nabasa ko sa facebook, tungkol sa isang professor na nakakuha rin ng singko sa isang subject na math noong college student pa siya. Sa halip na panghinaan ng loob ay ginawa niyang daan ang pagbagsak na ‘yun para magsumikap pa sa pag-aaral. At ngayon, professor na siya sa subject na math. Amazing right? (Regine *Whoo!) Sabi ko nga do’n sa kaibigan ko, kapag ako naging professor, hindi ko hahayaan na maging pabaya rin ako katulad ng ibang professors ko ngayon. Lalo na ngayon na hindi lang isang beses na nangyari sa’kin ‘to, maging noong high school ay naranasan ko na ‘to.
Ang karanasan naming ito ay maihahalintulad ko sa isang eyeglasses, may grado man ngunit tila malabo pa rin ang nakikita ko. Ang tanging pwedeng gawin ay ipacheck kung sukat ba talaga sa’min ang grado upang maging malinaw na ang aming nakikita, na tama na para sa’min ang dapat naming makuha. Ngunit tingin ko ay hindi mababago ang lahat kung hindi nagbabago ang sistema ng pagsukat nila. Walang ibang solusyon kung ‘di ayusin, o mas mabuti ay baguhin na ang sistema upang ‘di na maulit ang pagkakamali. At advance Halloween na rin sa inyong lahat. Ipagtitirik ko na ng kandila ang namatay kong grado sa kanila.