Story Time 🖤
May pamangkin akong 7 years old.
Mahal na mahal ko siya.
Tuwing nagkikita kami, niyayakap at hinahalikan niya ako. Sobrang lambing, sobrang close.
Pero may isang pangyayari na hanggang ngayon, dala ko pa rin ang bigat.
Sinabihan siya ng isang tao — si Heidi. **“’Wag kang palaging sumama kay Tito mo… baka mahawa ka.”**
Oo, ganyan ang sinabi niya. Sinabi niya ito **sa harap ng kuya ko, at ng asawa niya.** Walang nag-sita. Walang nagsalita. Walang tumayo para itama ang mali.
Mahawa?
Sa pagkatao ko ba? Sa pagiging totoo ko?
Anong klaseng paniniwala ang ganyan?
Mas masakit kasi hindi lang ito simpleng opinyon — ito ay paninira.
At mas masakit pa, walang nag-salita. Walang nagtanggol.
Tahimik ang mga taong inaasahan kong kakampi ko.
Pero ngayon, gusto kong malinaw na sabihin:
Hindi ako ang problema.
Ang problema ay yung pag-iisip na ang pagiging “iba” ay isang bagay na dapat iwasan,
na parang kasalanan, o' masamang impluwensya.
Ang pagmamahal ko sa pamangkin ko ay wagas, at hindi iyon dapat kwestyunin.
Hindi ko ikinakahiya kung sino ako.
Pero sana, matuto tayong huwag ikahiya ang mga taong wala namang ginagawang masama —
kundi ang magmahal lang ng totoo.













