Takipsilim sa Dyakarta
BY Tolentino, Catolico, Maginit
Mga pangunahing tauhan sa kwento
1. Raden Kaslan – Siya ang may-ari ng Cadillac na sasakyan, isang mayaman ngunit matapobre at mapanghusga na lalaki. Marangya ito manamit at tila walang pakealam sa pera. Mahilig sa rin ito sa mamahaling mga bagay.
2. Fatma – Siya ang asawa ni Raden Kaslan. Mahilig siya sa mararangyang bagay at marangya rin ang kanyang pananamit. Tahimik at marunong magbigay awa sa mas nakakababa ng estado sa kaniya.
3. Pak Idjo – Isang matandang kutsero na siyang may-ari ng kalesa at kabayo na naka-bangga sa kotse. Mahirap lamang ito at pinipilit niyang magtrabaho kahit na siya’y may sakit, para sa kanyang pamilya.
Banghay
Exposition: Ipinarada at bumaba ang magasawang Raden at Fatma sa isang pulang sasakyan sa tapat ng restaurant na kanilang pinuntahan. Habang umoorder ng makakain ang magasawa ay may isang lumang kalesa na walang sakay ang dumaan sa harap ng restaurant sakay ang natutulog na kutsero na si Pak Idjo. Ang nasabing kutsero ay natutulog habang umaandar ang kanyang kalesa. Sa kasamaang palad ay biglang dumapa ang payat at matandang kabayo na humihili sa kalesa dahil sa gulat ng kabayo sa nagaaway na pusa’t aso na naging dahilan ng pagtama nito sa pulang sasakyan na pagmamayari ng magasawa. Nang makita ito ni Raden ay tumawag ito ng pulisya upang panagutin ang kutsero. Ngunit dahil napagtanto ni Raden na wala talaga itong mapangbabayad ay pinakawalan nalamang niya ito.
Pataas na aksyon: Nagulat sa ingay ng banggaan ang mga kumakain at nag-iinuman at nagtatawanan sa restawran. Biglang tumayo si Raden Kaslan at sumugod sa kalye. Galit na galit siya nang makita ang nasirang chromium at pintura ng kanyang kotse at ang nabasag na salamin.
Climax: Dahil gustong panagutin ni Raden ang kutsero ng kalesa na si Pak Idjo ay tumawag ito ng Pulisya. Nang makarating na ang mga autoridad ay inamin naman ni Pak Idjo na kasalanan niya ang nangyari. Nagpaliwanag ito na may sakit siya at pagod na pagod siya dahil sa patuloy na pagtratrabaho kaya siya nakatulog.
Pababa na aksyon: Pilit na pinapabayad ni Raden ang danyos sa kutserong nakabangga sakanyang sasakyan. Nagmamakaawa naman si Pak Idjo na hindi niya kayang bayaran ang danyos na nagawa niya.
Resolution: Pagkatapos ulit pagsabihan ni Raden Kaslan ang kawawang kutsero ay hinayaan niya na lamang ang sitwasyon sapagkat wala talagang maibibigay o maipambabayad ang kutsero at siya’y bumalik ulit sa restaurant na kanilang kinainan.
Show don’t Tell
1. Kaaya-aya ang dapit-hapong iyon, maaliwalas ang kapaligiran, matatanaw and dumidilim nang asul na langit at malalanghap ang sariwang hangin.
2. “Huwag kang tatakas, tumawag ako ng pulis,” siya, kasama ang kabayo, ay libong beses na namatay at humarap na sa lahat ng apoy sa impyerno, hanggang sa dumating ang mga pulis sakay ng kanilang motorsiklo, tulad ng tunog ng baril na pumapatay.
3. Patuloy niyang hinihimas-himas ang ulo ng kanyang matanda at payat na kabayo, at habang hinihintay ang sagot sa tanong ni Raden Kaslan, parang pahaba nang pahaba ang anino ng kutsero at ng kanyang kabayo sa papalubog na araw, at ang kutsero at ang kabayo ay namatay at muling nabuhay nang daang- daang beses.














