Nagkakilala tayo online.
Pareho tayo ng university, though magkaiba ng campus. Nag-usap tayo non online hanggang hating-gabi. Syempre andyan yung mga korni na "da mubs". Natutuwa ka sa mga korni kong jokes. Hindi ko alam kung bakit benta sa'yo. Batch '13 ako, at ikaw naman batch '10. Medyo malayo ang agwat ng edad natin. Hindi, hindi medyo, malayo talaga. 16y.o lang ako, habang ikaw ay 20y.o na. Ka-age ko lang(yata) yung kapatid mo. Pero hindi natin binigyan ng pansin yon.
Nag-usap tayo hanggang 11pm. At dahil online lang (hindi fb or twitter), wala akong contact sayo in case mag-disconnect ka. Nag-usap pa tayo. Tanungan ng kung anu-ano about sa isa't isa. Nang biglang...
.
.
.
Nawalan ng kuryente. Patay ang wifi. Goodbye sa sparks natin.
Buti na lang, nakuha ko na yung number mo bago nawalan ng kuryente. Haha. Swerte naman ako na binigay mo. So tinext kita non kung ano nangyari. Sabi mo hindi ka mahilig makipag-text, pero kinaumagahan, pagcheck ko sa phone ko, ayun. Yung kauna-unahan mong text sa akin, "Good morning! :>" Yan. Tandang-tanda ko pa.
And so the landian moments begin. Tawagan hanggang madaling-araw. Palagi tayong magkatext o magkausap non. Hanggang sa tinanong kita kung pwedeng maging tayo. Hindi pa tayo nagkikita non, but you said yes. So ayun, tayo na nga.
Bilang tayo na, you wanted to see me. Sige, sabi ko. Pupuntahan kita dyan sa campus mo. Nagset ako ng dates, ngunit may exams kami noon, so hindi matuloy tuloy. Atsaka, I lied to you. Ang pagkaka-alam mo eh lalaki ako.
I wanted to tell you the truth, bilang nabanggit mo naman ang stand mo sa bisexuals. Kaso, kulang talaga sa lakas ng loob eh.
Gabi bago ako pupunta sa campus mo, nasa inuman ka. I told you the truth.
Hindi ka makapaniwala. Pero hindi ka rin nagalit. Sabi mo nainis ka lang kasi feel mo niloko kita.
Well, I never intended to keep in touch with you after ko kunin # mo the night we met online. Pero ayun ako noon, nagtapat sayo ng totoo. Bumiyahe parin kahit naiinis ka.
Tinanong kita kung gusto mo pa akong makita, you said yes. In case mag-away tayo, I'll stay with my friend. Doon ako nakitulog non, morning before tayo nagkita.
I bought you lunch. Pumunta ako sa dorm mo. And then we talked. Tapos nag-ikot ikot tayo sa may likuran. Medyo walang tao.
Hindi ka galit sa akin. Naglakad-lakad tayo, magkahawak ng kamay.
And since malayo ang campus ko sa'yo, at posibleng matagalan bago tayo muli magkita, I asked you, "Pwede ba kitang yakapin?". Sabi mo, oo. Pero nahihiya ako. Too dumb para mag-first move. So huminto ka sa paglakad, humarap sa akin, at niyakap ako. Niyakap kita ng mahigpit. Tapos naglakad-lakad na naman. Alam ko medyo sobra na pero I asked you again, "Pwede ba kitang i-kiss?". Hindi one-take yung tanong na yan, ilang beses rin tayo nagpaikot-ikot bago ko natanong. Tapos natapat tayo sa isang bahay na walang tao. You inched closer, and then we kissed. At naulit pa ito five more times. Hanggang sa late na at kailangan ko nang magbiyahe pabalik. We said goodbye, syempre may kasamang halik.
After two weeks, nagkita tayo. Monthsary natin. Nanoood tayo ng sine, tapos lunch. Simple lang. Inabot tayo ng 4pm, and you said you had to go back na. Humiling ako na i-extend mo pa. Pumayag ka. I wanted to take you somewhere private(IYKWIM), tapos naglalakad na tayo, ng biglang magbago yung isip mo. Umurong ka. You even asked me, "Ano'ng mangyayari satin?".
Pero wala, umurong ka. Niyakap mo ako bago ka umalis, pero I did not hug you back. Babalik na sana ako ng campus, kaso naisipan ko magstay sa kaibigan ko. Sa kaibigan ko na four years kong nagustuhan at nagustuhan rin ako kaso hindi naging kami. Magkasama kaming natulog. Though medyo natempt ako noon at gusto nya rin, nagpigil ako. Hindi ko gagawin sa kanya yon.
Kinaumagahan, I broke up with you. Sabi mo inexpect mong gagawin ko yon after mo umurong. And I felt like a douche. Ang gago ng ginawa ko. That time, gusto lang kita physically. Aminado ako na nung monthsary natin, nag-expect talaga ako ng action. At ngayon, I hate myself for breaking up with you. Ngayon, namimiss kita. At mahal na kita. And I hate knowing na yung ibang lalake dini-date ka for the same reason I did before, para lang sa pisikal. You deserve so much better. Had I been less stupid, kaya kong ipakita yon sayo.
Kung mabasa mo man ito, please know that I miss you. And I'm so sorry. And I love you. Really really.
- Coffeestain101, CS, 2013-*****