Tama ang Oras, Mali ang Tao
ni: Vielofdc
Dumating siya sa buhay ko sa tamang panahon. Panahon na buo na ako. Marunong nang magmahal, marunong nang maghintay, at higit sa lahat—handa na.
Hindi na ako yung dati—padalos-dalos, takot sa commitment, at laging nagtatago sa likod ng “di pa ako ready.” Pero ngayong handa na ako, parang siya na nga. At sa totoo lang, ilang beses kong inisip na baka siya na talaga. Kasi ramdam ko yung koneksyon, yung kilig, yung “this could be it” moment. Pero siya naman ang hindi.
Siya 'yung tipo ng taong paparamdam ng init pero hindi kayang manatili. Magpaparamdam ng “baka tayo na nga” pero wala palang balak tumuloy. Ako, nandito. Nakahanda. Siya? Paalis.
Nagtagpo kami sa gitna ng hustong oras, pero maling damdamin. Maaga ako umibig, huli siya nagising.
Kaya kahit gaano ko siya kamahal, kailangan kong bitawan. Kasi minsan, kahit tama ang oras… mali pa rin ang tao.
















