Doon sa malayo.
Doon sa masaya.
Doon sa totoo.
Doon sa malaya.
Three Goblin Art
almost home
Peter Solarz
Not today Justin
đŞź
Noah Kahan

Kaledo Art

izzy's playlists!
cherry valley forever

oozey mess

#extradirty
I'd rather be in outer space đ¸
macklin celebrini has autism
đ
tumblr dot com
occasionally subtle
RMH
Cosimo Galluzzi
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
Sade Olutola

seen from Indonesia
seen from Germany

seen from Switzerland
seen from Brazil
seen from United States
seen from Jordan
seen from Brazil

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from United States
seen from Australia
seen from United States
seen from Belarus
seen from TĂźrkiye
seen from United States

seen from Saudi Arabia

seen from United States

seen from Netherlands
@voxdemac
Doon sa malayo.
Doon sa masaya.
Doon sa totoo.
Doon sa malaya.
When you make loving others the story of your life, thereâs never a final chapter because the legacy continues. You metamorphosed into a stone cast in water creating ripple of kindness into the ocean of apathy. You lend your light to one person, and he or she reflects it on another and another and another.
You are a very small part of this world regardless of your intelligence, looks, power and influence; you are to the universe less than a blade of grass is to yourself. But, if you impact the lives of everyone around you and that impact carries throughout those lives too, you are a cube of sugar to an ant, a drop of nectar to a bee, a gush of wind to the bird. You are relatively small but you can do big things.
Just remove the self-made blinders you carry every day. Buy the sampaguita from that âmakulit na bata.â Call the cashier by her name. Thank the security guard for opening the door for you. Thank the teacher who scolded you but discretely honing you a good life. And you will realize that every moment is sacred. Every encounter is a miracle. Every day is your chance to cast that stone you have been awkwardly hiding in your hands. Open it. Throw it. It is your chance to create that ripple.
But in everything you do, consistency is key. YOU DONâT JUST PERFORM A SINGLE ACT OF KINDNESS AND LIVE THE REST OF YOUR DAYS AS AN ASSHOLE; hoping to be recognized for your single act of kindness.
As Joey Ayala sings it, "tayo ay nakasakay sa mundong naglalakbay sa gitna ng kalawakan....ang lahat ng tao ay magkaugnay, magkaugnay ang lahat".
Be the best ripple that you can be!
Maraming salamat, Sitio Balagbag-araw at Matang Tubig!
#afterthoughts
There are times I don't want the classroom anymore. I want to travel and talk to people and learn that way. I want to learn as I go, gathering knowledge and not being rigorously tested on it. I don't want to lose passion in the things I like because of worries and disappointments. I want to be fueled by knowledge and move forward to places. It is ironic that school has stolen this passion for the things I am interested in and I hate it for that.
On my way to my highly technical world this weekend, I was able to capture this not-so-ordinary scene. Further, I realize the importance of living in servitude to others no matter what we do. As in literally no matter what we do. I am fuckingly tired. But my everyday Paglusong by public commute and my daily Pakikibaka in the halls of the greens always reinforce the idea of forgetting rest.
With community engagement classes, it can become easy to become voyeurs, where we merely consume other people's pains. Just like in social media. leave a comment, hit like, and move on. This is the risk I take in bringing you closer to our people. Exploit them and I curse you. Forgetting you is a pain you will bear a lifetime.
How can I be of service?
You exploiters!
When injustice is distant from you. When hunger is non existent to you. Just look in the space you occupy and ask,
"How can I be of service?"
Mema and Mimi: Field of nightmares.....
We were talking about fieldwork the other day and I thought there are types of people who should be barred from conducting fieldwork. Really. Nakakaputa! They bring out my inner homicidal bitch. So, if you are any of the following, and you find yourself in the field with me, I caution you, never walk in front of me --- you might find yourself in a ditch or worse, at the bottom of a ravine. Haha. Kidding. Not.
1. The messiah. I ALONE. I AM THE TRUTH. I AM THE WAY. WITH ME, YOU ARE SAVED. WORSHIP ME. There are those who feel that they are the savior of the community, even if the community does not need saving, well, except from them. They believe that they alone care for the community and they alone know what is good for the community even without bothering to find out what the community needs. Such arrogance to mask the contempt. They have that know-it-all air. And they oblige you to offer data at their feet. Yea, I say, bitch, you know what they do to messiahs, right? Uh-uh. Hand me that thorny bougainvillea vine. I will make you a crown of thorns! Bwiset!
2. The brat. Oooh! These are the people who complain about everything! And I mean everything! They complain about sleeping in huts, about eating wild beans, about walking a mile, about plumbing, about the heat, about the lack of electricity, about the lack of airconditioning (seriously?!?). They even complain about the trees, the stars, the rivers, the rocks. Such cry-babies. You want something to complain about? Halika ka. Iâll give you a few broken ribs. Now, that is something to complain about! Bwiset!
3. The director. They go in a community with a script. They are not really interested in research and learning about things. The come in, make everyone wear costumes, pose everyone (oo, may blocking ito), force people to perform and conduct rituals, may nalalaman din itong pag-production design at pag-iilaw, all to fit their hypothesis even if the reality is telling them otherwise. Cut. Take two. Truly dishonest and unethical. Tasaday pa more. Bwiset!
4. The millennial traveler. They look at fieldwork as out-of-town barkada vacay more than anything else. They are more concerned with what they can post on social media than the actual work. They go to the field with their OOTDs all planned out. They take tons of selfies and photos, most of the time violating basic courtesy of asking for permission to take photos. They complain about signals and not having a cafĂŠ nearby, because apparently, they can only work in cafĂŠs. Everything is hashtagged. #fieldworkislife #somecondescendingshitidontreallycarefor #Bwiset!
5. The feudal lord. Ang panginoong may lupa. I am from the city. I am better than you. Richer than you. I own this land. I own you. I own your friends. Serve me. Bwiset!
Kaya paalala lang sa mga nagfifieldwork: huwag masyadong magmiganderz sa field. huwag masyadong mayabang. huwag din kupal. Kasi I just might have a cross ready for you. Palayain si Barabas! :-P
Whenever I teach Kasaysayan (salaysay + saysay), I really lose myself and all. This day I delivered my âisaw historyâ complete with curses while deconstructing the perception of my green humsspaslupa. 2014 pa ito pero hangang ngayon ay nanghihiram pa din ako ng pisara para maisulat ang talambuhay ng aking Inang Bayan.
On Duterteâs god is stupid remark
A known political tactician heavily influenced by Machiavelli, Duterteâs remark on Godâs stupidity is a calculated move in âpassingâ theologically-sociologically vulnerable laws like death penalty, divorce, and same sex marriage. As Duterte tried making ripples in water by touching the highest religious sensitivity of our people, needless to say, God; we would have to wait for a survey that measures popular support from the public. And in the assumption that Duterte makes it through and lands big time with (still) high approval rating after this, this society must expect laws in defiance of our Christian faith. Further, Rizalâs Touch Me Not has been put into practice by the Liberator as he breaks the chains of our religious oppression from the untouchable clerics. And in the end, the Inang Bayan on clichè would say, âonly Duterte touches my skinâ. Assumming she is not naked stripped off of dignity.
Bayang Magiliw, Bayang Ipokrito Pumapailanlang ang watawat sa bughaw na kalawakan ng bansang hiyas ng silangan. Minsan sa bugso ng damdamin, nilalampaso lang ng estudyanteng higit sana ay umaakap sa kahalagahan nito. Sa aking unang basa, mula sa isip na kinintalan ng letra ng batas, alam kong nilabag ng batang iyon ang Republic Act 8491 â Flag and Heraldic Code of the Philippines. Ayon sa turo ng batas, Section 17. The Flag shall never touch anything beneath it, such as ground, flood, or other objects. Kung susuriin, tahasan at buong pag-iisip na nilampaso ng batang iyon ang watawat ng Pilipinas. Mas mabigat na kaparusahan ito kung idaragdag mo pa ditto ang sumusunod, Section 34. It shall be prohibited a. To mutilate, deface, defile, trample on, or cast contempt any act or omission casting dishonour or ridicule upon the flag. Patay na! Kung ako ang masusunod, patayin na! Ngunit sa ibang konteksto, ano lang ba naman ang ginawa ng batang iyon? Oo! Maari ngang nilabag niya ang batas at nilimot ang kasaysayang nakapaloob sa bawat pag-wagayway ng watawat. O maari din naman na ang kanyang ginawa, bilang biktima, ay dala ng desperasyon sa diskurso at ruta ng lipunan at pamahalaan na kanyang kinabibilangan. Humatol ang lahat sa Facebook. Animoây mga hukom na nilukuban ng espiritu ng batas. Nakakasulasok ang amoy ng patriotismo at nasyonalismo ng mga Pilipino sa mga isyung kagaya nito ngunit manhid sa napakaraming kaparaanang ginagawa ng mga Pilipino na nakakayurak sa pagkatao ng bansa higit sa paglalampaso ng bandila. Higit sa direktang pambabastos ng watawat, hindi baât mas nakakarimarim ang mga elitistang namumuno sa pamahalaan? Mga walang pakundangan sa paggastos ng pera ng taumbayan para sa sariling kapakanan. Mga walang galang sa kahirapan at pagdurusang dinararanas ng nakararami at nakakayang lunukin ang mga maluhong uri ng pamumuhay. Mga mapang-abuso sa butas ng demokrasiya at nakukuhang tumakbo at humawak sa mga posisyong ni katiting ng kanilang buhok ay wala silang kaalam-alam. Oh Manny Pacquiao! Oh Alma Moreno! Higit sa direktang pambabastos ng watawat, hindi baât mas nakasusuka ang pamahalaan na kapos sa kaparaanan para pangalagaan ang gitnang uri? Kapos sa pagkukusang protektahan ang mga manggawang siya nitong binuwisan at siya naman pinakabiktima ng kapitalismo? Kapos pagtuunan ng malakihang pansin ang traffic na kung akala nila ay suliranin lamang ng transportasyon ngunit sa katotohanaây isang uri ng pagnanakaw; pandarambong ng oras na sana ay ginugugol ng mga manggawa para sa kanilang pamilya at marapat na pahinga. Higit sa direktang pambabastos ng watawat, hindi baât kalunos-lunos na isipin ang mga institusyong panlipunan na sana ay umaayuda sa kapakanan ng mga mahihirap ay siya ring tahasang nagbubulag-bulagan sa mga ito. Mga mararangyang pook-dasalan. Maluluhong pamumuhay ng mga pastol. Mga batong dinaramitan ng ginto. Mga mananampalatayang nakanganga sa biyaya ng Dios. Higit sa direktang pambabastos ng watawat, hindi baât nakakakilabot na makita ang isang bayang umiinom ng starbucks na kape sa kabila ng kalugmok-lugmok na kalagayang panlipunan? Na may pagka-engot ka sa di pagtanaw na biktima ka ng konsumerismo at kapitalismo? Na maliban sa pag-aaral ay kapos ka sa paghahanap ng paraan para sa higit na dakilang uri ng paglilingkod sa bayan? Na galit kayo sa batang naglampaso sa watawat kahit wala ka namang alam sa âhistoryaâ ng sarili mong bansa na patuloy na naghahanap ng kalinangang-pagkatao! Matagal na nating nilampaso ang watawat ng Pilipinas sa ibaât-ibang anyo at iba-ibang disenyo. Kahit habambuhay mong wikain ang, âAko ay Filipino Buong katapatang nanunumpa, Sa watawat ng Pilipinas, At sa bansang kanyang sinagisag, Na may Dangal, Katarungan, at Kalayaan Na ipanapakilos ng sambayanang Maka-Diyos, Maka-tao, Maka-kalikasan at Maka-bansa. Ngunit di naman inisapuso, para kang janitor na naglilinis ng burak iyong pagkatao!
Ito ay hindi ukol sa Presidente lamang. Habang naka-tuon ang pansin ng lahat sa naglalabanang pwersa ng mga tumatakbong Pangulo kaalinsabay nito ang di matapos na pagpasok ng âmessiah syndromeâ sa kaisipan ng mahigit 100 milyong mga Pilipinong naghihintay ng isang taong mag-aahon sa kanila sa lugmok na pagdurusa at burak ng ekonomikal na kumunoy ng ating lipunan. Ang bigat hano. Poverty porn ang tawag dyan. Paggamit sa konteksto at kapangyarihan ng kahirapan para mapasunod sa tugtugin ng media ang lipunan. Mahal ng mga pulitiko ang kahirapan. Puhunan nila ito sa kampanya. Sa kabilang banda, mula sa nasabing istatiska, mayroong higit kumulang na 54.36 milyong mga botante. Sa pag-iral ng demokrasiya, ang mga botanteng ito ang siyang pipili ng magiging pinuno ng pamahalaan. Ayon naman sa iba pang istatiska, 1% lamang dito ay tinatawag na MAYAMAN, 10% ang upper middle class, 13% ang lower middle class, at ang nalalabing 76% ay tinatawag nating mahirap. Basic statistics, na tulad ni Daniel Padilla na basic lang din ang utak, mayorya sa botante ay mga mahihirap. Kung paramihan ng boto ang labanan, kayang-kayang magpanalo ng mga mahihirap nating kababayan ng kandidatong tatawagin ang sariling âgaling din po ako sa hirapâ, ânauunawaan ko po ang inyong kahirapan, o di kayaây âmahal ko ang mahihirapâ. Nakalangoy ka na ba sa dagat ng basura?. Ano naman ang papel naming middle class? Maliban sa magbayad ng buwis at makuntento sa sistema, mahilig kaming mag-OOTD kahit halos walang saplot ang iba naming kababayan, humigop ng sobrang mahal at sobrang tamis na punetang kape samantalang walang pambili ng makakain ang nakararami sa lupang aming minana, at bumili ng mga gadgets sa kabila ng kakapusan ng mayorya sa aming populasyon. Sagana rin kami sa oras para manuod ng mga artista, mag-Facebook, Twitter at Instagram, makipag-party all night long habang manamis-namis naming sinasabi na âminor subjectsâ ang Kasaysayan ng Pilipinas, Sosyolohiya, Lipunan at Kalinangan, Rizal at maraming iba pa. Samantalang marami sa aming middle class ang matatalino, wala kaming interes sa takbo ng lipunan at pulitika dahil ang mahalaga ay matupad namin ang sarili naming mga gusto at hangarin sa puĂąetang life na ito. Goals ang tawag namin dito. Mas pinipili din namin ang mangarap na magkaroon ng magarang bahay, mapormang kotse, maraming sapatos at damit samantalang lulong ang ibang kababaihan na magkaroon ng maputing balat at malapakwan na suso habang naghahanap ng fuckboy na malaki ang katawan ngunit walang karne ang bungo. Marami ang matatalino sa amin pero walang interes na maunawaan ang sistemang bumibilanggo sa lahat. Eh ang 1%? Maliban sa labanan ang ENDO, masaya silang puhunanan ang mga pulitikong magpoprotekta sa kanilang interes o di kayaây puhunanan ang rebolusyon tulad ng EDSA para maisulong pilit ang kanilang interes. Anyway, 24.7 milyong botante naman ay may edad na 18 -34 at kasunod nito ang 15.5 milyong may edad na 35 â 50. Sabi ni Pepe, âKabataan ang PAG-ASA ng Bayanâ. Isipin mo ang pwersa ng sektor ng lipunang ito. 24.7 milyong kabataan na kayang magdala ng isang kritikong pagpili ng pinuno. Busy lang sila ngayon sa ibang mga bagay kung kayaât pasensya na muna!! Mula sa kapangyarihang ng mga botante, pipili sila MALIBAN sa Pangulo at Pangalawang Pangulo ng: ⢠24 na Senador (TAGA-GAWA NG BATAS!!!!!!!!!!) ⢠300 Kongresista (TAGA-GAWA NG BATAS!!!!!!!!!!)at ⢠Mahigit 18,000 lokal na posisyon kabilang na ang Gobernador, Bise Gobernador, Mayor Vice Mayor, at mga konsehal at bokal. Tulad ng nasabi ko na, ito ay hindi ukol sa Pangulo lamang. Kailangan nating pumili ng mga Gobernador at Bise Gobernador, Mayor at Vice Mayor na may sapat na kakayahang dalhin sa laylayan ng lipunan ang mga proyekto ng Pangulo upang maramdaman ng bawat sector ng lipunan. Kailangan din nating pumili ng mga Konsehal at Bokal na ang PANGUNAHING TRABAHO AY SUMULAT NG BATAS AT ORDINANSA para sa kanilang nasasakupan. Mga batas na may PERMANENTENG BENEPISYO sa mga kababayan at hindi ang PANSAMANTALANG gymnasium, waiting shed, pa-liga sa barangay, libreng tuli, libreng pustiso, libreng pads, at marami pang iba. Kahit anong husay ng Pangulo, kung walang kwenta ang mga lokal na pinunong bayan imposible ang pagbabagong hinahangad mo. Samantala ang balota ay may sukat na 21 na pulgada na naglalaman ng mahigit 200 pangalan na pangkaraniwang pagpipilian ng 32 kandidato lamang. Para sa kultura ng mga Pilipinong, tamad magbasa ngunit hilig magpaganda; magpa-macho kumpara sa magpakatalino, isang napakalaking pagsubok na ito. Ay puta! Nagkanda-letse na. Tapos? Hindi ito matatapos! Siklo ito ng kamangmangan! #pulitika
Kaibigan ng mga inaapi, kaaway ng mga ilustradong kontrabida sa lipunan. Hindi umaastang bayani, sa halip ay nakasandig sa lakas ng mamamayang pumipiglas. Mayroon siyang barkada na ang tawag niya ay kolektib, mayroon siyang ugnay mula siyudad hanggang probinsiya na tinukoy niyang mass base, at ang motto niya sa buhay ay sundin ang linyang masa. Sabi niya, hindi habag (at hashtag) ang kailangan ng mahirap kundi ang pagsulong ng kanilang pakikibaka. Tinanong siya minsan ng crush mo, pwede ba akong lumahok sa pakikibakang ito? At ang kanyang sagot, palayain mo muna ang puso kong binihag mo. BAKIT DAPAT AKTIBISTA ANG CRUSH MO? 1. DAHIL SIYA AY PALABAN; DAHIL SIYA AY LUMALABAN Hindi naman siya basag-ulo at body builder pero lagi siyang nang-aaway. Wala siyang pasensiya sa mga kurakot, sa mga pulitikong abusado sa kapangyarihan, sa mga nangangamkam ng lupa, sa mga nanghahamak sa karapatan ng manggagawa, sa mga sunud-sunuran sa dikta ng dayuhan. Tila hindi sapat para sa kanya ang magpahayag ng galit; sa tuwina ay may kasunod itong pagkilos, pag-oorganisa, pag-aaklas. May nagliliyab na poot sa kanyang dibdib. At ang hangad niya ay pasiklabin ang apoy na ito at paramihin ang mga pusong umaalab hanggang magluwal ng bagong liwanag sa lipunan. 2. DAHIL PRINSIPYO ANG KANYANG GINTO Halos walang bisyo at hindi sabit sa mga uso dahil kadalasan kulang o walang pambili ng luho. Dahil wala naman siyang romantikong pagtingin sa buhay mahirap; sadyang natutunan na lamang niyang huwag sambahin ang mga materyal na bagay. Kung gayon, ano ang kanyang pinagmamalaking yaman? Dunong-paaralan, diploma? Kahit trapong pulpol mayroon niyan. Pero ang prinsipyong di-nabibili, yan ang kanyang sinisikap isabuhay at higit na pinagyayaman. Natatangi dahil may paninindigang marupok at mapagkunwari. Pero ang kanyang pamantayan ay maging tunay na lingkod bayan at rebolusyonaryo. Lagi niyang sambit, simpleng pamumuhay at puspusang pakikibaka. Paano yan, romantiko naây mandirigma pa! 3. DAHIL MARUNONG SIYANG UMAKO NG KANYANG KAHINAAN AT PAGKAKAMALI Kaugnay ng sinundang talata, maaaring isiping nagpapanggap na perpektong karakter ang aktibista. Subalit hindi. Tao rin na may kapintasan. At maraming masusumbat sa kanya: sa kanyang pakikitungo sa kapwa, sa kanyang aktitud sa mga praktikal na usapin, sa kanyang tila malagim na tanaw sa buhay. Pero may silbi ang husga dahil pinagmuni-munian niya ito at umakma sa mga punang natanggap. Ang tawag niya dun ay pagpapanibagong-hubog. Kadalasan ang tawag sa kaniya ay makakaliwa. Siya ay minarkahan. Pinag-tsitsimisan. Pinipintasan. Subalit siya ay manunubok. Susubukin ang naghaharing sistema ng karamihan; ng mga taga-langoy sa daloy. At pagkatapos nitoây tila higit na tumibay ang motibasyong makibaka, lumaban, at umibig. 4. DAHIL BINABAKA NIYA ANG PYUDAL NA KULTURA AT PAGSASAMANTALA Pwede bang maging âmaginoo pero medyo bastosâ? Magalang pero lihim na arogante sa relasyon? Bukas ang isip sa mga bagong ideya pero hindi sa kasarian? Inaangat sa pedestal ang kababaihan subalit ayaw silang pakawalan sa kulungan ng kusinaât kama? Ang palusot ng marami ay pamana diumano ng depektibong kultura; hindi pa daw tayo handa sa makabagong sensibilidad. Subalit umaalma ang aktibistang tutol sa diskriminasyon. Kung pyudal ang kaisipan, bakit hindi ito baguhin? Kung ang kultura ay mapang-apiât dekadente, bakit hindi ugatin ang sanhi nito at pangibabawan? 2016 na, kahit ang burgis na pananaw sa pakikipagrelasyon ay dapat ng ibasura. 5. DAHIL HABANG PINAGLILINGKURAN NIYA ANG SAMBAYANAN, INIAALAY NIYA ANG NATITIRANG LAHAT-LAHAT SA KANYANG INIIROG Hindi kaya siya napapagod magmahal? Mahal niya ang manggagawa, ang magsasaka, ang masang lumalaban, at iba pang mga taong hindi niya kakilala subalit kakapit-bisig niya sa parlyamento ng kalye. Namamangha kaât di makapinawala na pagkatapos magpamalas ng pag-ibig sa bayan, siya ay nakapaglalaan pa ng pambihirang pag-ibig sa isang indibidwal, sa kanyang sinisinta. May puwang sa kanyang puso na hindi pwedeng angkinin ninuman, kahit ni Inang Bayan. Ang puso ng tibak ay alay sa bayan subalit ang tibok nito ay para lamang sa kanyang pinakaiisang minamahal. 6. DAHIL PANGMATAGALAN ANG KANYANG PERSPEKTIBA KAYA'T HANDA SIYANG MAGHINTAY HANGANG MAGTAGUMPAY. Mahaba raw ang pakikibaka, matagalan daw ang digmang bayan, at siya ay buong loob na magpapakatatag. Handa raw niya ialay ang lahat-lahat sa kilusang masa habang bitbit ang pangako ng pag-ibig. Kung hindi pa ukol ngayon, bakit manlulumo samantalang hindi pa nasusulat ang kuwento ng hinaharap. At bakit hihintayin ang wakas samantalang pwedeng umusbong ang pagmamahalan sa panahon ng digma. Maraming sangandaan sa mahabang byahe, at ang daan ay tigib ng panganib, subalit sa kahuli-hulihan ang kanyang katapatan sa ideya ng rebolusyon at pag-ibig ang huhubog ng kanyang bukas. 7. DAHIL DALISAY AT DAKILA ANG KANYANG PAG-IBIG Paalala ni Bonifacio: âAling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?â Wagas dahil bakit mo mamahalin ang isang daang milyong nilalang na hindi mo pa naman nakikita. Dagdag paây walang katiyakan na makakatanggap ka ng gantimpalang mangingibig. Subalit patuloy ang pag-alay ng buhay para sa bayan. Mga bayani at karaniwang tao â lahat sila, lahat tayo nagmamahal kahit pilit dinudungisan ng mga mapang-api ang pagsangkot sa pakikibaka ng masa. Ang gusto ng ilan, pag-ibig na mababaw, pakitang-tao na gumagampan diumano ng tungkulin para sa bayan. Subalit para sa aktibistang nagmamahal, hindi uubra ang mga ganitong simbolismo at posturang walang silbi. Dapat tapat sa panata. Dapat ramdam ng mamamayang bumubuo sa bayan. Dapat pag-ibig na marubdob, mabagsik subalit matamis. 8. DAHIL ANG PAG-IBIG NIYA AY MAPAGPALAYA Tulad sa telenobela, masayang pagtatapos ang pangarap niya. Pero ligaya na hindi pangdalawang tao lamang. Pag-ibig na mapagbigay, nagsasariling mundo subalit bumabago ng mundo. Aanhin ang saya ng dalawang puso kung mayroong dalawang bilyon na lugmok sa pagdurusang pwede namang maiwasan o tapusin. Kaya ang pag-ibig niya ay para sa isa at para rin sa lahat. Pag-ibig na bumibihag at nagpapalaya. Sa isang lipunang marahas, pag-ibig at pakikibaka ang tanging pag-asa na magpapalaya sa lahat.
âMama, mama pasakay poâ. Bilis-bilisang sinakyod ng bata ang katawan sa puwetan ng dyip. Sa loob ay ibaât-ibang tao. May isang estudyanteng abala sa pangangabisado ng formula. Nagpapakadalubhasa sa numerong di rin naman nakatutugon sa karalitaan ng bayan. Ni hindi napansin ang batang nakikisakay. May isang estudyante pa na abala naman sa kaka-chat. Sabik na sabik sa pagpaplano kung saan wawaldasin ang mga libreng oras matapos ang iskwela. Ni hindi rin napansin ang batang nakikisakay.
âMama, mama pasakay po Kahit kung saan ang bayan ay tutungo Mama, mama pasabay po. Sa mga pangarap ng pasahero.
Pinasakan ng earphones ang tenga. Sabay tuon ng pansin sa kanya-kanyang ginagawa. Umusad ang dyip. Ngunit walang tumugon. Pinili ng mga nakakakita na maging bulag. Kailangan pa nilang ipasa ang Algebra. Masarap ang kape sa Starbucks. May lagnat ang bayan!
#bayan
Sa dapithapon, sa itaas ng pinagtagpi-tagping yerong bubong ng bahay nila, nag-aabang siya ng simoy. Susubuking paliparin ni Pepe ang saranggolang gawa sa luntiang plastik at walis-tingting.
Habang siya ay tahimik na naghihintay, naupo siya sa isang gulong na nagsisilbing pabigat sa bubong ng kanilang tahanan. Tahimik na nagmasid si Pepe. Kitang-kita niya ang mga pangyayari sa paligid. Sa gawing kaliwa, sa may riles ng tren, masayang naglalaro ang mga bata. Sa gawing kanan, napadaan ang magarang sasakyan ni Mayor.
âPepeâ, sigaw ng ina, âandito na ang mga sampaguita!!â. Dali-dali siyang pumanaog, bitbit ang saranggolang muli na namang bigo sa paglipad.
#personal
Gunita. Imahinasyon. Balisa.
Hindi ko alam kung saan lumipana ang aking antok. Bisita ko tuloy ngayon si makulit na Gunita, si malikot na Imahinasyon at si nakakabagabag na Pagkabalisa. Madalas gusto ko din naman silang kausap. Bukas lagi ang pinto ng aking isip sa kanilang tatlo. Kahit naman isara ko, lagi pa din silang nakasilip sa mga bintana ng aking kaluluwa.
Makulit si Gunita. âSing kulit ng lamok na kanina pa bulong ng bulong sa aking tenga. Parang nagmamakaawa sa dugo. Naninikluhod para sa atensyon. Makulit. Paulit-ulit. Mga ala-ala. Ganoon pa man madalas pa ding masarap kausap si gunita.
Tuwing sinusubukan kong pumikit magkukwento si gunita tungkol sa malalawak na bukid, mga puno ng mangga, makukulay na mga tutubi, at mga maiingay na palaka at kuliglig sa gabi. Sa batang pinakintab ang balat sa pagbababad sa ilalim ng araw. Sa batang takbo ng takbo habang pinapangos kundi man ang manga o tubò. Sa batang kinakalong ng kanyang Nanay habang binubuhos ang isang bote ng Johnsonâs baby powder sa kanyang likod. Pilit ding hinuhukay nito ang mga araw noong madalas akong madapa sa iskwelahan at masugatan. Minsan correlation pa kung ilang beses din ako nabigo sa buhay, nasugatan, kamalauna'y naghilom. Magaling gumuhit ng ngiti si gunita pero minsan, siguro ay may sumpong ay biglang magkukwento ng mga mapapait na pahina ng buhay. Kapag nasa ganitong sitwasyon na kami, tinatalikuran ko na siya at pag sumobra na ay palalabasin ko naman.
Mas gusto kong kausap ang pagkalikot-likot na si imahinasyon. Nakakakiliti. Nakakabaliw. Walang katapusang halakhakan. Siya yung tipong kapit-bahay mo na may sariling parokya ng tsismis. Madaldal. Ang daming tema. Di kami matapos. Parang eksena sa pelikula. Lahat ng gusto ko nakukuha ko at bawat detalye ay nangyayari sa kung ano ang gusto kong mangyari. Sa isang iglap, nagiging superhero ako. Nakakalipad. Nakakatalon ng mataas. Sumusuntok at dumudurog ng bato. Pero kapag naiisip ko ang suliranin ng tao at lipunan, ayoko ng maging superhero. Walang lunas ang tao. Walang lunas sa sakit na sila din ang gumagawa. Kahirapan? Hindi saklaw ng kwentuhan namin ni imahinasyon ang solusyon dyan. Kriminalidad? Gustuhin ko mang pumatay, pilit sinisingit ni imahinasyon ang eksena na lumuluhod ako at tumitingala sa Maylikha. âHindi pwede iyonâ. Magtatalo si Imahinasyon at Kunsensya. Habang ako ay nakikinig lang. âHindi ka pwedeng maging Diosâ sabi ni Kunsensya, para kumuha ng buhay. Magugupo si imahinasyon. Magpapahinga pero aangat muli. Magpupumiglas. Kayaât pagsawa na ko sa superhero, nagiging guro naman ako. Wala din pinagkaiba. Gusto ko pa ding pumatay pero sa ibang paraan. Magbagsak ng mabagsak sa mga batang palagay ko'y di naman mapapakinabangan ng lipunan. Natatalo lang ako kapag matalino yung bata pero walang pakialam sa bayan. Di ko pwedeng ibagsak. Pero sa isip ko mananatili iyang walang pakinabang. Parang kumuha ka ng bato na pantatayo ng iyong bahay na kamalauna'y iguguho din ng panahon dahil walang saysay. Nagiging rebolusyonaryo din ako minsan. O di kaya ay pari. Pero yung pari na di maluho. Minsan gusto kong maging abugado o kriminal. O kaya artista.
Kadalasan naman, gusto lang ipakita ng malikot na imahinasyon, ang aking ina. Mula noong nagpapasuso siya sa akin at hangang sa maging kaedad na niya si Moises. Yung di kukulubot ang mukha, di nakukuba ang likod, at di manghihina. Inaakap ko si imahinasyon kapag yun ang tema ng aming pag-uusap. Ayoko siyang makawala. Ayoko siyang mawala. Minamahal ko si Imahinasyon kapag ganyang eksena ang pinapakita niya; ang aking Nanay. Pero kapag nakakapagod na, gusto kong maging manunulat para walang kakausap sa akin. Ako lang ang pwedeng magsalita. Kung pagod na ako, gusto kong may aakap sa akin at kakalungin ang aking anak. Tapos kape lang ang katapat ng nakakapagod na maghapon. Doon sa bubong ng bahay, mas masarap magbilang ng bituin ng may kasama o kaya ay mag-abang kung may alien talaga. Ganyan kakulit si imahinasyon, minsan nga parang walang posibleng mangyari sa lahat ng diskurso namin gabi-gabi. Sabi niya sa akin, di raw siya dumadalaw sa mga taong hindi pala-isip. Kaya nga tuwing umuusal ako ng dasal, kasama lagi na sana ay ginawa na lamang niya akong tanga.
Kahit usap kami ng usap ng aking imahinasyon, ewan ko ba kung bakit singit ng singit itong si Pagkabalisa. Walang modo. Hindi ata naturuan. Walang pinagkatandaan. Parang magnanakaw. Katok ng katok. Binabagabag lagi nito ang aking mga gabi. Napakaraming pagdududa ang binibigkas lagi nito sa akin. Nasaan na daw ako? Saan na ba ko nakarating? Para saan ba ito? Halaga ng buhay? Alin ang nauna itlog o manok? Maliban sa tandang pananong. Mahilig si pagkabalisa sa tuldok. Hangang dito ka na lang. Katapusan. Ganyan ang gusto niyang tema. Kamatayan. Madalas di ko siya pinapakinggan. Pumipikit ako. Umuusal ng dasal na di binibigkas ng bibig ngunit tinitibok lamang ng puso. Madalas dinidinig ito ng Bathala. Nawawala ang pagkabalisa.
Sa pag-alis nilang tatlo; si Gunita, Imahinasyon at Pagkabagabag. Dumarating si Antok matapos ang mahabang paglalakbay mula sa kanlungan ng Dios patungo sa mga mata at tuluyang nanatili sa aking mga kaluluwa. Wala na ang tatlong bisita. Akap akap na ako ng universo sa aking pagkakahimbing.
Sinalubong kami ng haring araw pagtapak namin sa Canlubang Golf Club. Ang sarap tingnan ng luntiang kapaligiran ng ginulat kami ng napakalakas na water sprinkler para sa mga damo. Bumubulwak. Sagana.
Ilang kilometro lang mula sa golf course ay ang malubak at maalikabok na lansangan ng Sitio Matang Tubig. Walang suplay ng kuryente. Walang suplay ng tubig.
Ang normal na pag-akyat naman sa Balagbag Araw ay inaabot ng isang oras. Kinailangan namin ng higit 3 oras para maakyat ang nasabing Sitio. Mabagal man pero kinaya. Sabi sa akin isang beses sa isang Linggo kung maligo ang mga tao dito. Ewan ko kung nagbibiro lang si Mang Anthony pero ramdam ko naman na sa panahon nga naman ng tag-init mas mahirap ang makahanap ng suplay ng matinong tubig. Tuwing tag-ulan sagana man sila sa tubig, sagana din naman ang kanilang mga daraanan sa putik.
Hindi ko mailarawan ng sagad ang kalagayan ng Matang Tubig at Balagbag Araw kumpara sa kasaganaan ng golf course. Ang tanging alam ko lamang ay inaangkin ng iisang pamilya ang kabuaan ng bundok. Ginigipit sa suplay ng kuryente at tubig ang mga residente upang sila ay mapwersang umalis. Habang nagpapakasaya ang mga mayayaman sa pagtira ng maliit na bola para i-shoot sa maliit na butas. Kundi man nga ba tanga! Siguro may mga pulitiko din doon na naglalaro. Hindi din siguro lingid sa kanila ang kalagayan ng mga tao sa Sitio pero ayaw makialam. Tunay ngang makapangyarihan ang pera sa pulitika.
Sa kabila nito dalawang tao ang tiyak na di ko malilimutan sa Sitio. Ang batang si El-ey na may hemophilia at si Ate Sophia na may pagkabingi.
Si El-ey, 2 taong gulang, kinakailangang salinan ng dugo kada ika-anim na buwan. 40 thousand ang kailangang ipunin o di kaya ay ipangutang ng kanyang pamilya para mabuhay ang bata. Tulad ng Sitio nabubuhay sa suplay ng pag-asa o di kaya ay tulong ng mga taong nagmamalasakit sa kanila. Ilang tasa ng mamahaling kape ang dapat nating tipirin kapalit ng dugo na makapagpapahaba ng buhay ng bata? Ilang sapatos ang di ko dapat bilhin? O bag? O load? O yosi? O alak? Para lang maibsan ang sakit na nararamdaman ni El-ey. Ilang akyat ba ang sasapat? Minsan mahirap bigyan ng kasagutan ang mga simpleng tanong ng kaluluwang pansibiko!
Si Ate Sophia na kailangan mong lakasan ang boses para marinig ka niya. Tulad ng mga pulitiko at ng mga mangangamkam lupa, bingi din sila. Ano mang daing, ano mang pakiusap, ano mang paninikluhod, mas bingi pa sila kay Ate Sophia. Gusto daw niya ng hearing aid mahiya-hiya niyang ibinulong sa amin. Sabi ko'y pag-iipunan namin ngunit hindi ipinapangako. Kung sana ay ganon din kadali na masolusyunan ang pagkabingi ng mga mangangamkam lupa, kahit ilang hearing aid siguro ay ipapasak ko sa tenga nila.
Higit limampung bata ang naghintay sa amin. Akyat kami ng akyat. Tagaktak na ang pawis. Lupaan na ang mga paa. Higit limampung pangarap. Ilang pirasong kagamitang pampaaralan. Nasa isipan ko ang mga nag-ambag sa amin ng oras at ng pera sa mga punto na ayaw ng humakbang ng aming mga paa. Walang mabibigo! May mga taong sumusuporta sa aming likod. May mga bata sa tuktok!
Pero balang araw, may aangat at aangat sa kanila. Magkakaroon sila ng higit na halaga kumpara sa mga damong dinidiligan sa golf course. Balang araw sa Matang Tubig at Balagbag Araw may mga batang aakyat at baba ng bundok na kanilang mamanahin, aangkining pangkarapatan at wala na sana ang mga mangangamkam lupa.
Balang araw makapaglalaro din ako ng golf at tiyak ihahampas ko ng ubod ng lakas ang golf club sa bungo ng aking mga mayayamang kalaro.
Maraming Salamat sa inyong lahat!
StoriesâŚ.. of PlumaâŚ. of PoliticsâŚ. of ResearchâŚ. and of the Sitio.
I have been a strong believer that every one of us plays an important role in nation building. Whatever steps we take or professions we choose, it is our ultimate responsibility to sustain the ideals of our republic; just and humane society. Humane, at its most basic interpretation, means Maka-TAO. This belief often drives me mad to think that the non-participative to this cause must be placed under the tenets of Machiavellian perspective of killing them all.Â
But Pluma ni Juan â as a sociocivic organization as it climbs the high places of Laguna, as it infiltrates the far flung areas of this province â remains to be a testament of our undying faith to our people. In a personal level, Pluma ni Juan is a proof that I have taught at least one best thing to my students; to live the ideals of social relevance. In cases where our blessings are over pouring due to our donors, I often forget who Machiavelli is.Â
The journey of Pluma is paved with thousands of pencils, hundreds of pad papers, boxes of colors, piles of notebooks, and uncountable generosity. We have been funded with thousands of pesos and millions of moral support. This is how rich Pluma ni Juan is. And from these, we bring you closer to the people of Sitio Balagbag Araw this April 27 and 28. We have chosen Sitio Balagbag Araw as our adopted community because it is a vivid picture of the immorality of social inequality. Sitting atop the mountainous side of Canlubang, the Sitio has no electricity and water supply, whereas its neighbouring golf course has complete amenities. Exactly as you are thinking right now, yeah that is bullshit. This rabidity in words is reinforced by the fact that the children of the Sitio have to walk daily for almost an hour just to go to school. Â It is in Calamba City, and I reiterate the word City, and yet the turmoil of social inequality is present.Â
Imagine the plight of these people and you will be more than willing to take your best shot in bringing Pluma ni Juan to the Sitio. The immensity of my trust to people often affects my realistic side. I dwell with too much idealism. Â In my longing to really help the Sitio, I have asked assistance from a local politician whose name I will keep to myself. I have sent the local politician a private message in Facebook, twice but to no avail. I just simply remember that during elections, that local politician was so fast to respond and there I was giving few notes about what legislation is all about. Â
And since my messages have been âinboxedâ I have decided to send a letter specifically asking assistance for the people of the Sitio of whom he/she is supposed to serve, yet to no avail. Yes! There are times that my panlilimos is frustrating that I practice my sense of being makulit to the point of pagiging makapal na ang mukha . But within me, it is for the people whom I ask in behalf of. This has never been about me, but the nameless and voiceless people with their inspiring stories of overcoming struggles.Â
To end this story short, I have never received any response from that local politician of whom I expected generous support considering that the Sitio is within Calamba. I thought that he/she must be busy writing laws. Anyway, legislation, whether national or local, is never about social works but about writing laws that will make a better system. It is not about patching up the system, but making a better system. Â
Visiting my newsfeed, I often see pictures and videos of his/her social works and deep within my grape-sized brain, I am laughing about the story of how TRAPOS are being made. I am still hoping he/she will post list of ordinances he/she has authored or co-authored. On the other hand, hopefully, he/she will work out something for the Sitio without me knowing it. I was too naĂŻve in asking help from big people without understanding that even some of the people who were so close to me failed not just Pluma, but the Sitio itself.Â
I have been strongly condemning poverty porn. This is a practice that exploits the poor for the purpose of a film, documentary, and even research. The Sitio was used for a certain study. The plight of its people was used at the expense of producing a socially relevant research. I was fooled in believing that there was sincerity in what we did. There was none. For this project alone, there was no help or at least initiative from the pretentious fighters of womenâs cause. I was fooled. And I learned to despise poverty porn even more. Â
From this, I have realized that Pluma is never about big donations from big people. I made a mistake in asking help from a politician because I was hallucinated by the idea of nation-building and I made a bigger mistake in trusting my intellectual students even more. This is one of the stories of Plumaâs failure in realization of its cause. Â
But I believe that Pluma ni Juan will always be a story of small people with big hearts. Pluma ni Juan will always be story of reckless people with generous and sincere souls. Pluma ni Juan is a story of our gratitude to the people behind us as we build a nation where everyone works for the greater good of our people through education.Â
This is how we live the Panatang Makabayan; Â pag-aalay ng buhay, pangarap, at maraming pagsisikap sa bansang Pilipinas.Minsan kahit 75 pesos lang.
Tuwing sinusubukan kong pumikit magkukwento si gunita tungkol sa mga malalawak na bukid, mga puno ng mangga at duhat, mga makukulay na mga tutubi, at mga maiingay na palaka at kuliglig sa gabi. Tungkol sa batang pinakintab ang balat dahil sa pagbababad sa ilalim ng araw. Tungkol sa batang namumutok ang bulsa ng salawal dahil sa isang dakot na asin na ninakaw sa kusina ng kanyang nanay. Tungkol sa batang takbo ng takbo sa kalawakan ng kanyang pangarap. Tungkol sa mga batang ninakaw ng lipunan at panahon.
Kung alam lang nila, wala sigurong mangangarap na tumanda. Pero takbo lang tayo!
Martianimè (Martial Law at Animè)
Ang gulo-gulo. Nakakasuya ang mga balita. Tanong ng tanong ang mga estudyante. Nagbabalitaktakan ang ibaât-ibang panig. Kawawa naman si Juan. So eto subukan kong ipaliwanag sa lengwahe ng mga kainuman natin sa kanto o sa konteksto ng mga nagsisigawang tindera sa palengke o sa mga batang nagtatalo tungkol sa anime o sa mga matatabil na dila ng mga tsismosa sa parokya.
Martial Law sa Mindanao. Nakakatakot. Nakakalito. Sino ba talaga ang tama? Nagrarally na ang mga elitistang Tagalog (Pantayong Pananaw sa Kasaysayan. Kung nakinig ka lang sa akin, mauunawaan mo ang Pantayong Pananaw), mga nagmamarunong sa kulturang hindi nila nauunawaan o sa lugar na di naman nila tinitirhan o di kaya ay napuntahan man lamang.
Ang media naman parang girlfriend mong laging inuungkat ang nakaraan. Pilit pinagtutugma ng media ang Martial Law sa rehimeng Marcos sa rehimeng Duterte.
Ang mga terorista parang mga holdaper. Nakatutok sayo ang kutsilyo. Handang-handa kang patayin. Pero sa bulsa mo mayroon kang baril at higit sa lahat marunong ka sa martial arts. So anong gagawin mo? Di ba self-defense? Alam mo namang hayaan mo na lang na maholdap ka di ba?
Yun ang tawag sa pwede mong gawin! Ganoon ang Martial Law! Self-defense sa nagbabadyang kapahamakan sa bansa! Yung Pangulo, hinoholdap! Sabi sa batas, pwede kang magdeklara ng Martial Law. Parang sa Dragon Ball, si Goku may kamehame wave. Sa Ghost Fighter, may ray gun si Eugene. Si Naruto may Kage Bunshin technique. Samakatuwid si Duterte, ayon sa batas, may Martial Law.
Pero teka sa mata ng batas, hindi ganoon kasimple ang pagdedeklara ng Martial Law. May 3 requirements ang hinihingi ng batas upang legal na maideklara ang Batas Militar. Parang nililigawan mo may mga demands iyan, bago ka sagutin! Parang mga propesor na humihingi ng rice cooker, pogi points, o minsan cake, para ka ipasa. Pero balik sa Martial Law, kailangan ng:
1. Rebelyon. Ano iyon? Himagsikan ang tawag sa mas malalim na Filipino. Ito yung marahas na pagsuway ng taumbayan upang pabagsakin ang lehitimong pamahalaan o di kaya ay umalis sa ilalim ng kapangyarihan ng pamahalaan. Marahas ibig sabihin ay gumagamit ang mga rebelde ng mga armas upang labanan ang pwersa ng pamahalaan. Higit sa lahat, ang rebolusyon ay nakaangkla sa pulitikal na ideolohiya. Ibig sabihin, inspirado ito ng pulitikal na mga paniniwala.
2. Pangkalahatang Seguridad (Kaayusan) o Public Safety. Sabihin na nating hindi rebelyon ang ginagawa ng mga terorista sa Marawi. Sabihin na nating hindi nila nilalabanan ang pamahalaan. Tipong nagkataon lang na âOh Pare may baril tayo. Kakainom ko lang ng Mountain Dew. Tarang manunog ng bahay. Pumugot ng ulo. Pagbabarilin ang mga tao.â Di ba kapahamakan ito sa taumbayan? Kung sana nagpapa-manicure lang sa Marawi ang mga terorista o di kaya ay nagpapakulot. Hindi na yan papakialamanan ng pamahalaan. Pero nagdudulot sila ng pangkalahatang kapahamakan sa Mindanao maging sa buong bansa.
Kung sasabihin mo naman na anong ginagawa ng mga pulis? Bakit kailangan pa ng militar? Bes! Ano ka ba?! Nagdeklara ng Martial Law dahil hindi na nga kaya ng ka-pulisan ang sitwasyon. Kung sana lahat ng pulis ay parang si Cardo. Malamang kakayanin nila. Pero hindi sila si Cardo at malamang sabihan ka pa ni Daniel Padilla ng âYou donât know their pain!â Kapag Martial Law, ang mga military ang gumagawa ng trabaho ng pulis. Gets mo?
3. Invasion o pananakop. Hindi ko muna ito ipapaliwanag. Siguro naman di mo naman maiisip na magdeklara ng Martial Law dahil sinakop na tayo ng mga Oppa o dahil naalala mo si Magellan nung na war freak si Lapu-lapu? O di kaya ay nung sinakop ka ng kabiguan, pagkasadlak, at kalungkutan dahil hindi ka gusto ng crush mo. Pero kung hopeless ka nga, magdeklara ka ng Martial Law at ipaaresto mo si crush for trespassing your heart. Pakio.
Hindi ko sasagutin para saâyo kung kailangan ngang magdeklara ng Martial Law. Pero iiwanan kita ng mga tanong tulad ng pag-iwan sayo ng boyfriend mo!
1. Maituturing bang rebelyon ang nangyayari sa Marawi?
2. Ang Maute ba ay inspirado ng politikal na ideolohiya? (Bes! Oo. ISIS inspired sila! Wag puro KPop, gurl. Wag puro basketball, bok!)
3. May tuwirang bang banta sa seguridad ang terorismo sa Mindanao? Upang masagot mo ito, alalahanin mo si Goku, Eugene, o Naruto. Pero kalimutan mo na ang ex mo!
Nakakatakot! Baka matulad ito sa rehimeng Marcos! Taumbayan! Kay hirap mo namang turuan. Maliban sa umiihi ka pa din sa poste. Dumudura sa kalsada. Nagtatapon ng balat ng kendi sa estero. Kahit papaano naman natuto na rin tayong mga Filipino sa talambuhay ng Inang Bayan sa panahon ng diktadurang Marcos!
Sa panahon ni Marcos, unlimited ang Martial Law. Natatanging si Marcos lang ang may kapangyarihan na magdeklara at tumapos ng Martial Law (yun eh kung trip niya). Hangang sa gusto ni Marcos, sige lang ng pagbili ng sapatos si Imelda. Kontrolado ni Marcos ang lahat ng sangay ng pamahalaan maging sa simbahan! Kaya ayon umabot ng higit dalawang dekada! Ang tagal-tagal ng pagkakahimbing ng bayan sa part na yon Kasaysayan, gurl! Baka busy sa paghigop ng Starbucks na kape ang mga mamamayan.
Dahil sabi ko nga, natuto naman tayo. Open-minded ka ba? Basahin mo ang paliwanag ko!
Sa kasalukuyang saligang batas, nililimitahan ang panahon ng Martial Law sa loob ng 60 araw lamang! Di na siya unlimited! Wait thereâs more, maaring kanselahin ng Kongreso ang Martial Law kung sakaling sa palagay ng mga Senador at Kongresista na hindi naaayon sa batas ang pagdedeklara nito! Oha! Wala na yung dictatorial syndrome ng Martial Law!
Naku! Baka scam iyan! Alam naman natin na kontrolado ni Duterte ang Kongreso? Baka matulad iyan kay Marcos ha!
Alam mo, hindi uunlad ang buhay mo kung hindi mo susubukan! Susubukang unawain na sa kasalukuyang Saligang Batas ay binibigyan ang sino mang mamamayan na magsampa ng kaso sa Korte Suprema upang kwestiyunin ang legalidad ng pagdedeklara ng Martial Law! Walang ganyang probisyon sa panahon ng rehimeng Marcos!
Open-minded ka ba?
Ang media ay taga-hubog ng tinatawag nating public opinion. Makapangyarihan pa ito sa laser sword ni Voltes 5 o sa baba ni Imee Marcos ! Subalit ang patuloy na paghalungkat ng media sa Marcos Martial Law at tahasang iugnay ito sa Duterte Martial law ay isang mapanlinlang na uri ng paghubog ng public opinion. Kung pag-aaralan ang batas, malinaw na napakaraming CONSTITUTIONAL SAFEGUARDS ang nakalatag sa kasalukuyang Saligang Batas.
Paano naman ang mga military?
Pwede silang umaresto ng walang warrant of arrest! Pwede nilang halughugin at kumpiskahin ang mga bahay o anumang kagamitan ng walang search warrant!
Tama lahat ng iyon. Maari itong abusuhin ng militar! Pero tang ina naman bes, kung yung manyak nga sa jeep napapasikat gawa ng social media! Yung nambubugbog ng MMDA, nahuhuli ng pulis dahil sa social media! Yung mga two-timer nga napapahiya sa Facebook. Yung mga flat-chested nga nababash sa Twitter! Yung social climber nabubuking sa Instagram! Ang pang-aabuso pa kaya ng militar? Tuwirang binabago ng social media ang lipunan.
Ang demokrasiya ay direktang nagagamit ng taumbayan. Ang uring ito ng pamamahayag ay nagtatanim ng takot sa pamahalaang hindi nakakatugon sa tawag ng kanilang tungkulin! Sa isang post lang natin, maaari na itong tumawag ng atensyon ng buong bayan maging ng buong mundo. Maaari tayong gumawa ng mga panibagong Bunak, Marlou, Yaya Dub, Moymoy Palaboy, Hasth5, Pabebe girls, Senyora Santibanez, Mocha Uson at marami pang iba na pwedeng magsiwalat at tumugon sa mga pang-aabuso at kakulangan ng militar laluât higit ng pamahalaan.
Mula bata tayo, tinuruan na tayo ng konsepto pakikiisa. Sa simbahan, tuwing tayo ay bumabati ng peace be with you. Sa paaralan, tuwing tayo ay umaawit ng Pambansang Awit at sumusumpa ng pag-ibig kay Inang Bayan. Sa Mall, kung kailan lahat tayo ay tahimik na naghihintay sa pagbubukas nito tuwing alas-diyes ng umaga. Malamang sa alright, nagtaas ka din ng kamay noong humingi ng tulong si Goku para sa kanyang energy ball! Pakikiisa ang tawag doon!
Ang ating mga suliranin ay hindi masosolusyunan ng bunganga ni Mojacko o di kaya ay matatagpuan sa bulsa ni Doraemon. Hindi rin kakayaning gupuin ni Recca ang mga kalaban.
Sapagkat higit kay Freeza, Cell at Majin Boo ang kalaban ng bayan. Higit kay Orochimaru at Sasuke ang kalaban ng lipunan. Higit kay Taguro at Sensui ang kalaban ng ating mga adhika, pangangarap at pagsusumikap!
Dahil ang tunay nating mga kalaban ay ang ating mga sarili. Punyeta!